It is not yet too late to dream nor too late to start believing in magic.
ZEPH'S POV
Nakauwi na ako ng bahay pero nananatili paring hiwaga sakin ang mga nangyari kanina.
Hawak ko parin ang papel kung saan nakasulat ang tula. Tula na nagbigay liwanag saking puso.
Na sa kabila ng lahat lahat na aking naranasan ay may tao paring sasagip sakin. Taong hahanapin ako kahit gaano pa kadilim ang mundong nalikha ko.
Ngunit paano?
Paano ko siya makikita?
Tao nga ba siya? Maligno? Engkanto?
"Haist." napailing nalang ako sa aking mga iniisip. Lalo na at di ko maintindihan ang nararamdaman ko.
Bakit laking tuwa ko nung mabasa ko yung tula?
My heart is still beating rapidly. Nababaliw na nga yata ako. Epekto ba to ng pamumuhay mag-isa?
Pero sigurado naman ako sa mga nakita ko kanina. Kahit na parang ewan na talaga ako sa mga naiisip ko alam ko na totoo parin yon.
Isang oras na akong paikot ikot sa aking maliit na silid. Patuloy na nababaliw sa sariling pag-iisip.
Nararamdaman ko na kailangan ko siyang makita agad pero paano? Wala akong alam na paraan pa.
Itinago ko na lamang sa aking cabinet ang papel dahil pagod na pagod nako. Mag-isip. Mag-isip. At mag-isip lalo na kanina pa ako paikot ikot dito.
Pero kailangan ko nang isantabi ang mga nangyari kanina. Bukas na bukas pupunta ako sa psychiatrist. Baka talagang epekto lang ito ng kalungkutan na nadarama ko.
Kailangan ko na lamang palipasin ang gabi at hilingin na sana... Sana hindi ako baliw... At sana.... totoo siya.
Halo-halo na ang nararamdaman ko at nakatulog akong nahihiwagaan sa mga nangyari.
Maaga akong nagising para ihanda ang aking sarili. Nagbihis ako at dumeretso sa doctor na pinakamalapit para sabihin ang mga nangyari kahapon.
"So you mean na may biglang liwanang nalang na sumulpot? Then biglang lumipad yung papel papunta sa kamay mo?" paiiling iling na sabi ng doctor habang nakatingin sakin.
Tumango na lamang ako dahil wala na akong alam sabihin pa. Bahala na si batman kung isipin niya na baliw ako. Basta ang importante kailangan kong makumpirma ang lahat.
Kung bunga lamang ba ng imahinasyon o totoo siya.
"I'm afraid that you have 'disassociation', it can be a result from trauma. Maybe you have significant experiences ka na hindi mo makalimutan so our brain creates various scenarios. It serves as a defense mechanism in order to disconnect yourself from these painful experiences that you've been through." marahil dahil sa mga pinagdaanan ko noon kaya kung ano-ano na ang mga nararanasan ko these past few days.
"Ms. Zephyrine Ferrer, I'll set a schedule for you to follow. You need to see me at least once a week to monitor your condition. For now, meditate and clear your mind. Madalas dahil sa kalungkutan gumagawa ang utak natin ng kung ano-ano in order to relieve loneliness." matapos niyang sabihin ang mga iyon ay umalis na ako.
It sounds like I'm crazy.I never talked to anyone for five years and maybe I've been longing so much that's why that thing happened.
In the end nakapagdesisyon muna akong maglibot libot muna at mamili ng mga damit. Nangayayat ako lalo makalipas ang limang taon kaya't maluwag luwag na ang mga damit ko at kupas na ang iba.
Pagkarating ko sa mall ay dumeretso na ako sa department. Hanggang dito muna ang kaya ng budget ko ngayon. Kailangan ko nang makahanap ng trabaho dahil malapit ng maubos ang mga naipon kong pera.
Habang naglalakad bigla nalang may nakabunggo sakin, muntikan pa akong matumba buti na lang nahawakan niya agad ang kamay ko at naitayo ako.
"Sorry miss di ko sadya." aniya at yumuko pa para humingi ng tawad.
"A-ayos lang sige." sagot ko at tumingin sa kaniya. Natulala na lamang ako sa ganda ng mga mata niya. Nakakahalina at di ko magawang alisin ang pagtitig ko dito. Pinagmasdan ko ang buo niyang mukha at napakaamo nitong tingnan na para bang siya na ang pinaka inosenteng tao sa mundo.
"Miss ayos ka lang ba?" tanong niya na nakapagbalik sakin sa ulirat. Namumula akong nag-iwas ng tingin.
"Sorry ulit, pasensya na mauna na ako, babawi ako next time." paalam niya at sabay kindat, tinitigan ko na lamang ang kaniyang imahe habang papalayo hanggang sa tuluyan ko na itong hindi masilayan.
Sino kaya siya...
May next time pa siyang nalalaman.
Matapos kong makabili ng mga damit ay dumiretso na ako sa bahay. Inaayos ko ang mga pinamili ko at nagdesisyon akong tanggalin na ang mga luma kong damit sa cabinet.
"Oo nga pala, nasa cabinet parin ang tula." sambit ko sa sarili matapos itong maalala. Dali dali kong binuksan ang cabinet.
Tinanggal ko na ang lahat ng damit ngunit di ko mahanap ang tula.
"Nasaan na ba iyon?!" patuloy parin akong naghahanap ngunit wala talaga.
Kailangan kong makita iyon.
O baka...
Hindi talaga totoo ang mga nangyari kahapon?
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
THANK YOU FOR READING !!!
KINDLY VOTE AND LEAVE A COMMENT :)

YOU ARE READING
The Fallen Poems
General FictionMadalas ang takbo ng buhay ng tao ay bigla nalang mag-iiba. Kung akala mo ay madali lang mabuhay ay nagkakamali ka, sa isang iglap lahat ng meron ka ay pwedeng mawala. Sa gitna ng kadiliman, may isang nilalang na handang tumulong kay Zephyrine, ng...