Chapter 7

10 2 0
                                    

Be careful of who you trust. Baka mamaya hindi pala tao iyang nagpapakilig sayo.

ZEPH'S POV

"May hindi ka ba sinasabi samin Zeph?" bungad agad ni Raquel. Taka akong napatingin sa kanya habang pinanliliitan niya ako ng mata, halatang kanina pa may gustong malaman. Wala akong ideya sa tanong niya kaya pilit na ngiti nalang ang naisagot ko.

Sumunod siya at inunahan ako sa pag-upo, "Anong meron sa inyo ng head natin?"

"Anong head? Wala akong alam diyan."

Bigla nalang sumulpot si Drake sa kung saan at hinawakan ang mga balikat ko. "Totoo ba? May relasyon kayo ng head ng company?!" sabay pakita ng cellphone. Nanlaki ang mga mata ko nung makita kung ano iyon.

Litrato namin ni Eros.

"B-bakit meron ka niyan?" pero ang mas ipinagtataka ko ay bakit napaka-big deal sa kanila nung picture eh si Eros lang naman yun.

"Everyone, Go.Back.To.Work." agad bumalik sa kanilang puwesto sina Raquel at Drake. Literal na napanganga ako nang malaman ko kung kaninong boses iyon.

"E-eros?" nawala ang pagka-kunot ng noo niya at ngumiti. Bakit siya nandito?

"Good morning Zeph!" masaya niyang pagbati sakin. Dumating bigla si Ghyle at tiningnan ako ng masama.

"Mr. Velasquez, magkakilala po kayo?" gulat na tanong niya. Tumango lang si Eros at umalis papasok sa office ng head, na ni minsan di ko pa nakita. Teka, anong gagawin niya doon? Bakit napakapormal niyang makipag-usap ni Ghyle sa kanya?

"Tsk. Kahit na magkakilala kayo ni Mr.Velasquez, ang trabaho ay trabaho. Tatayo ka na lang ba diyan?" inirapan niya ako at tinalikuran. Pagka-alis ni Ghyle biglang lumapit sa akin si Raquel.

"Yiee, ikaw ah! Jackpot ka girl! Natameme si Ghyle sungit huh."

"A-anong meron?"

"Ano ka ba! Wag ka nang mahiya, anong meron sa inyo ni Sir Velasquez." Ayan nanaman sila sa tanong nila. Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa kaniya. "-ugh ang gwapo talaga niya kapag nakangiti!"

"Bakit ba sir kayo ng sir kay Eros? Eh di naman yun nagtatrabaho dito." Mukhang narinig din ni Drake ang sinabi ko kaya nakisali siya sa usapan. Tsismosong gwapo talaga kahit kalian.

"Anong hindi? Siya ang head natin dito!"

"E-ehhhh????"

"Tara na Zeph lunch na tayo." pag-aaya sakin ni Drake. Di ko namalayan sa sobrang lutang ko ngayon ambilis lumipas ng oras.

Sino ba naman hindi magugulat diba? Anlakas ng loob kong magsungit kay Eros nung isang araw tas boss pala namin siya. Lagot na ako neto huhu.

"Hindi sasabay si Zeph satin ngayon hehe." Biglang sumulpot si Raquel habang ngumunguso sa may bandang likuran ko. Anong pinaggagagawa neto?

"Ah. Ha.ha. Mauna na kami Zeph!" nagmadali silang umalis. Anong meron?

"Ehem." Napatingin ako sa aking likuran. Eros?! Anong ginagawa niya rito? "kung okay lang sabay na tayong mag-lunch?" nahihiya niyang tanong habang namumula ang pisngi. Ang cute niya talaga.

Habang kumakain ay walang umiimik sa amin. Nakakahiya nga dahil siya pa nag-libre sakin dito sa restaurant malapit sa workplace namin. Sinubukan ko naman tanggihan kaso pinilit niya, peace offering daw.

"Uhm. Zeph." Nang lumingon ako sa kanya ay nag-iwas lang siya ng tingin. "-nagulat ka ba kanina?" mukhang tinutukoy niya yung pagiging head niya sa company.

"M-medyo. Bakit di mo sinabi agad?"

"Di rin ako maka-tyempo eh. Pasensya na." kung tutuusin wala naman akong dapat ikagalit kaya nakakapagtaka na nagso-sorry pa siya. Pagkatapos naming kumain ay nag-usap lang saglit at bumalik na sa trabaho.

Lumipas ang ilang araw pero walang nagbago sa pakikitungo namin sa isat-isa. Kapag oras ng trabaho ay trabaho, kapag nasa labas naman ay magkaibigan.

Madalas din akong tuksuhin nina Raquel at Drake pero ewan ko ba, sa tuwing nakikita ko si Eros ay wala naman akong maramdamang kakaiba. Aaminin ko na gwapo siya pero hanggang paghanga na lang talaga.

Parang may kakaiba kasi sa kanya pero di ko alam kung ano....

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THANK YOU FOR READING !!!

KINDLY VOTE AND LEAVE A COMMENT :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Fallen PoemsWhere stories live. Discover now