Chapter 4

35 2 0
                                    



The more you know about love, the more you'll learn that it's going to hurt like hell.

UNKNOWN'S POV

I need to find a way in order to meet Zeph. I've been waiting patiently for five years but I just can't take it longer anymore.

Kailangan ko siyang tulungan sa pamamagitan ng lahat na paraan na alam ko. I need to bring her back to the place where she really belongs.

How incapable of me, I can't even protect her when she needed help the most. Pero gagawin ko ang lahat para sa kaniya, kailangan kong makabawi, I know she needs me right now.

I need to go to Apollo, he's the one who put me in this situation and I badly need to fight back right now for Zeph.

I flew all the way to Mount Olympus where Apollo lives. As soon as I step my right foot inside his territory, countless arrows flew towards my direction.

"Tsk. Apollo, stop playing nonsense, may importante akong sasabihin sa iyo." bigla nalamang nagliwanag ang paligid. He is so damn powerful. He can even comtrol the light.

"Napakaseryoso mo naman, ano ba ang kailangan mo? Antagal mo ring hindi bumisita." aniya habang pilyong nakangiti.

"I know you know what the hell I want from you." He can also predict the future, he can't trick me now.

"No, I won't let you to meet her." naglaho ang pilyo niyang ngiti at napalitan ng seryoso ekspresyon ang kanyang mukha. "unless... You do me a favor, I can help you to communicate with her in some ways."

Matagal bago ako nakasagot, paniguradong kalokohan nanaman ang hihingin niyang pabor ngunit kailangan ko itong tanggapin.

"Tsk. Wala naman akong magagawa." sagot ko sa kanya sa naiinis na tono. He smiled devilishly.

"Talk to Daphne for me, iniiwasan nanaman niya ako." His eyes turned sad. I know that feeling, the feeling of being rejected.

"Do you really want her that much? I mean, andami namang babae dyan na nagkakagusto sayo, why are you chasing someone who will never love you back?" He laughed at my question kahit na wala naman nakakatawa.

"Seriously? Talagang sakin mo pa tinatanong? How about you , why are you chasing Zephyrine even if the heavens already decided that you will never be with her." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. I know, we can't be but I just love her so much.

"Are you up for my suggestion?" Sabi pa niya. I just nodded and we went silent for a while. Di ko alam kung anong iniisip niya pero halata sa mga mata niya na nalungkot parin siya matapos kong sabihin sa kanya ang mga tanong ko kanina.

"Okay, so kung magagawa ko ang sinasabi mo. Paano moko matutulungan para makausap kay Zeph?" tanong ko sa kanya upang mawala ang katahimikan.

"Well mahigpit paring binabantayan ni ama (zeus) ang ating galaw pero may alam akong paraan na makakalusot sa kanya." kunot noo ko siyang tiningnan.

"Anong paraan?" Tanong na gustong gusto ko ng masagot. Marahil sa pamamagitan noon ay makausap ko na si Zeph.

"Naalala mo pa ba ang pinagawa ko sayo limang taon na ang nakalilipas?" Pilit kong inalala ang sinasabi niya ngunit umiling na lamang ako, andami nang nangyari kaya paano ko malalaman lahat.

"Makakalimutin! Nung pinadala kita sa mundo ng mga tao at nag iwan ka ng tula para kay Zeph. Ganoon ang paraan na maari kong maitulong sa iyo." Nanlaki ang mga mata ko matapos mapagtanto ang kanyang sinabi. Tama! Isang tula! Noong panahon na una akong tumakas sa aming mundo upang makita si Zeph, ngunit di man lang ako nagtagal sa kanilang mundo noon.

"Ngayon sa pamamagitan ng tula ay makakausap mo siya. Pero wala pa akong kakayahan para pagtagpuin kayong dalawa." Dugtong niya pa sa akin.

"Kung ganon, ano ang mangyayari? At bakit hindi ko siya pwedeng makita?" Nangibabaw ang kuryosidad sa aking isip at puso. Natawa na lamang ulit si Apollo sa aking tanong.

"Baka nakakalimutan mo kung ano ka talaga, kahit pangalan ay wala ka. Nawala ang iyong identidad mula ng isumpa ka ng aking ama."At doon ako nanlumo lalo. Oo nga pala... Ako'y isang nilalang lamang ngayon na hindi alam kung ano ako...

Ngunit hindi ako susuko. Kahit anong paraan gagawin ko.

Kahit pagsulat nalang ng tula ang natatanging paraan para makausap siya ay gagawin ko.

Hintayin moko Zephyrine.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THANK YOU FOR READING !!!

KINDLY VOTE AND LEAVE A COMMENT :)

The Fallen PoemsWhere stories live. Discover now