Chapter 5

23 2 0
                                    

Time will come and fate will definitely find its own way to bring back everything into its right places.

ZEPH'S POV

It's been three days. Hindi ko na nakita yung tula, kung saan-saan ko na hinanap. I'm starting to think na nag-hallucinate lang talaga ako this past week.

The only good thing that happened to me is nakahanap na ako ng trabaho. Taga-print ng mga libro sa isang publication. Nakakalungkot isipin na kung dati writer ako, ngayon nauwi ako sa ganito.

But I'm still thankful, at least may income na ulit ako.

After a few minutes nakarating na ako sa aking pinagta-trabauhan. Malaking company ito at sikat na sikat. The Fireside Publishing ang patok ngayon, maswerte ako at agad akong nakapasok dito.

Minor works lang ang ginagawa ko kaya I never had a chance to meet the owner nor the head of the company.

"Good morning Zeph!!" magiliw na bati sakin ni Raquel. Siya ang pinaka-una kong naging kaibigan dito. Isa sa mga book editors ng company, mabait siya at sobrang dami niyang kwento, parang hindi nauubusan.

"Oh Zeph andyan ka na pala, Goodmorning!" pagbati ni Drake na may kasama pang kindat habang bit-bit niya ang isang libro na itim. Siya naman ang production editor ng aming team. May pagka-mestiso, matangos ang ilong at playboy ang datingan.

"Goodmorning sa inyo." Sabi ko at dumako muli ang aking tingin sa libro.

"Ano yan Drake?" Tinuro ko ang libro na hawak niya. Parang may kakaiba kasi sa libro na iyon eh.

"Ah eto ba? Diba sayo ito? Nakita ko lang kasi sa desk mo kapasok ko eh." Nagtataka ko siyang tinignan dahil sa pagkakaalam ko wala akong ganong libro. "Akala ko pa naman may malalaman ako tungkol sayo kaso blangko naman lahat ng pahina." pagpapaliwanag niya pa at inabot sa akin ang libro.

Nanatili akong tahimik at tinitigan ang libro. Kung ano-ano nanaman tumakbo sa isip ko kaya bigla nalang akong napailing. Itinago ko na lamang iyon sa aking bag, bahala na kung may maghanap, ibibigay ko nalang.

Nagsimula na kaming magtrabaho at mabilis ang kilos namin ngayon. Balita kasi na baka bigla nalang sumulpot ang owner ng company, syempre kailangan magpakitang gilas at bawal ang tatamad-tamad, baka mawalan pa ako ng trabaho.

"Zeph, iakyat mo na muna ang mga librong natapos na. Nakatambak na dito." Masungit na saad sa akin ng manager naming babae na si Ghyle. Halatang may pagka-strikto, kitang-kita sa awra pero di maipagkakailang mahusay siya sa trabaho kahit na magkasing-edad lamang kami.

Hayy napatingin nalang ako sa mga libro. Sobrang dami, bahala na basta kailangan ko nalang silang maiakyat agad.

Ipinasok ko nalang ang mga ito sa kahon para limang beses nalang akong magpapabalik-balik. Habang papaakyat sa hagdan ay hirap na hirap ako. Ang bigat pala naku.

"Tulungan na kita." Isang pamilyar na tinig ang narinig ko. Pagkaharap ko sa aking likod ay sumalubong sakin ang mapupungay niyang mga mata. Di nga ako nagkamali, siya yung lalaking nakabanggaan ko sa mall nung isang araw!

Kinuha nalang niya ang kahon sa aking mga kamay at ngumiti. "Tara na."

"Sa-salamat." Di ko mapigilan makaramdam ng saya at kaba. Bakit kaya nandito siya?

"D-dito karin ba nagtatrabaho?" tanong ko upang mawala ang nakakabinging katahimikan.

"Secret. Pero mukhang madalas kitang makikita niyan." saad niya matapos tingnan ang ID ko habang hindi parin mawala-wala ang ngiti sa kaniyang mga pula niyang labi.

"Osige hanggang dito na muna ako, may naghahanap sa akin. See you again later!" mabilis siyang tumakbo palayo at ako'y naiwan ulit nakatitig sa kaniyang matipunong likuran na unti-unting nawala.

Isinantabi ko muna ang aking iniisip para matapos ko na ang trabaho bago pa ako mapagalitan.

Pagpasok ko sa opisina namin ay bumungad nanaman sakin ang masasakit na salita ni Ghyle,"ang tagal mo naman makabalik, ang kupad kupad mo talaga."

Napayuko na lamang ako at mabilis na tinapos ang aking trabaho. Hanggat maaari ayoko munang marinig ang mga negatibo niyang opinyon.

Pagpatak ng alas singko ng hapon ay tapos na ang lahat ng trabaho.

"Zeph gusto mo bang sumama samin ni Drake? Kain muna tayo sa labas please." Sabi ni Raquel habang nagpapacute. Napakaamo talaga ng mukha niya at kahit sino mapapa-oo nalang bigla pero hindi uubra sakin ang mga yan. Kailangan ko munang makapag ipon.

Tinanggihan ko na muna sila at sinabi ang aking dahilan at mabuti na lamang naintindihan nila.

Dumeretso muna ako sa church bago umuwi para makahingi ng gabay sa Panginoon.

Pagkatapos kong magdasal ay napalingon ako sa kumpulan ng tao, ngayon ko lang napansin na may wishing well pala sa bandang likod ng simbahan.

Wala naman sigurong masama kung humiling din ako doon.

Lumapit ako at binanggit ang aking kahilingan sabay hagis ng barya.

Simple lang naman ang hiling ko... Sana..Sana maging masaya na ako ng tuluyan kahit na mismong sa sarili ko ay di ko alam kung paano.

Akmang aalis na ako ngunit bago pa ako makalayo sa wishing well ay bigla na lamang parang bulang naglaho ito. Ano nanaman ito??!!

Bunga nanaman ba ito ng imahinasyon??! Pero bakit parang totoo ito.

Nagliwanag ang buong paligid at unti-unting nawawala ang mga tao. Para akong nasa ibang mundo. Tahimik at napakaganda ng lugar,puro puno lamang ang makikita.

"Zephyrine." bulong ng isang lalaking hindi pamilyar ang tinig. Tumingin-tingin ako sa paligid ngunit wala akong makita.

"Sino ka? Nasaan ka?" Patuloy parin ako sa paglingon sa ibat ibang direksyon ngunit wala talaga akong makita.

"Ingatan mo ang libro, yan na lamang ang paraan para magkausap tayo. Paalam Zephyrine."

Nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa kapaligiran. Pagmulat ko sa aking mga mata ay nasa harapan na muli ako ng wishing well. Bumalik sa normal ang paligid maging ang mga tao ay masayang nag-uusap na para bang walang nangyari.

"Ano nanaman iyon?!" inalala ko ang mga nangyari. Tama! May nabanggit siyang libro. Agad kong binuksan ang bag at kinuha ang libro.

Pagtingin ko sa unang pahina ay laking gulat ko, may nakasulat na isang tula.

Hindi na ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin. Kung bunga lamang ng imahinasyon ang lahat ay bakit may hawak-hawak akong libro ngayon. Sa kabila ng aking mga katanungan ay binasa ko na lamang ang tula. Baka sakaling malinawan ako kahit konti.

I'll Fight

How I wish I could hold your hand
If only fate was kind
I'll let the love in my heart to find
The right words that can open your mind

Waiting for this feelings to grow
This love is my greatest foe
Like a fearless crow
I'll fight for it with a blow

Promise me you'll wait for me
I will always guarantee
To make you feel the true glee
And will make you free.

-----------------------------------------------------------------------------------

THANK YOU FOR READING!!! 

KINDLY VOTE AND LEAVE A COMMENT :)

The Fallen PoemsWhere stories live. Discover now