Chapter 6

22 2 0
                                    

Don't be afraid to open your heart again, love also deserves a second chance.

ZEPH'S POV

Napaupo na lamang ako sa bench habang hawak ang libro. Puro hiwaga ang mga nangyayari sakin. Hindi ko na alam kung totoo pa ba ito o nananaginip lang ba ako.

Sa lahat ng nangyari, malaki ang posibilidad na ang mga pangyayaring iyon ay totoo. Pero bakit? Paano? Sino? Bakit ako?

Andami naman pwede diyan na humihiling na makakita sila ng magic, samantalang sakin pa ipinagkaloob ito.

Yung tula... anong ibig sabihin non?

Napabuntong hininga na lamang ako. Wala naman akong choice kundi sumunod sa flow ng buhay na toh. Sobrang gulo na talaga.

"Zeph! Nandyan ka pala." dumako ang tingin ko sa kanya. Siya nanaman, palagi nalang siyang nandyan kapag kailangan ko ng tulong.

Ang lalaking nagbibit ng mga libro kanina ay ang taong nasa harapan ko ngayon habang gulong-gulo na ang utak ko.

Di ko na alam saan ako magugulat, sa misteryo bang nangyari kanina o kung paano nalaman ng lalaki sa harap ko ang aking pangalan. Kahit ako ay ni minsan di ko man lang natanong ang pangalan niya.

Yumuko na lamang ako dahil wala akong alam sabihin. Para akong lantang gulay dito.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko kaya sinulyapan ko lang siya saglit sabay yuko muli.

"Mukhang problemado ka yata?" tanong niya upang makuha ang atensyon ko.

"Oo at di ko na alam ang dapat kong gawin." sinagot ko sa malungkot na tono ang katanungan niya.

Bigla na lamang siyang tumayo sa kinauupuan niya at umalis. Hay lahat nalang nang-iiwan. Lahat walang pasabing aalis. Bwisit na buhay naman ito!

Naiiyak na ako, naalala ko nanaman mga nangyari sakin five years ago. Lahat sila umalis at iniwan akong mag-isa kaya nagka-ganito buhay ko. Heto nanaman ako, kapag di makahanap ng solusyon kusa nalang papatak ang mga luha.

Napapitlag ako nang may malamig na bagay ang dumampi sa balat ko. Napatingin ako sa kanya, at di na napigilan ang luha.

"Oh eto, huwag ka ng malungkot." sabi niya habang nakangiti sabay abot ng malamig na cornetto ice cream, cookies and cream ang flavour, favourite ko. Napatitig na lamang ako sa kanya at di alam ang sasabihin.

"Ayaw mo? Akin nalang sige, sarap pa naman neto." nakangisi niyang binuksan ang ice cream. At akmang isusubo na niya ngunit inagaw ko na agad ito.

"Akin to diba? Bumili ka ng sayo." taas kilay kong sambit habang pinunasan ang mga luha ko.

"Ayan masigla ka na ulit! Tara libot muna tayo sa parke." Kinuha niya ang kabilang kamay ko at masayang naglalakad.Aalisin ko na sana ang pagkakahawak niya ngunit hinigpitan niya pa lalo ang hawak sakin.

Samut-sari ang nararamdaman ko sa aking kaloob-looban.

"Sandali lang." marahan kong sabi dahilan upang mapaharap siya sakin. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi sa di ko malamang dahilan.

"Bakit? May problema ba? Busy ka ba ngayon?" Sunod-sunod na tanong niya ngunit itinaas ko ang kamay ko at sinenyasan siyang tumigil muna sa pagsasalita.

"Uhmm.." nagdadalawang isip parin ako sa aking sasabihin pero kailangan ko nang malaman ngayon. "Ano nga palang pangalan mo?"

Tiningnan niya ako at humalakhak nalang bigla pagkatapos. Nabitawan niya ang kamay ko at humawak pa sa tiyan niya dahil sa sobrang tawa.

"Seryoso ka ba? HAHAHA Bakit ngayon mo lang naisipan itanong? Antagal na natin nag-uusap." tumigil na siya sa pagtawa at tumingin na lamang sakin na may malawak na ngiti sa mga labi.

"Eh di ko matyempuhan kung kelan itatanong." namumula kong saad sa kanya sabay iwas ng tingin.

"Eros." napatingin ako sa kanya at namangha, ang ganda ng pangalan niya bagay na bagay sa kaniya.

"Eros?" pabiro kong sambit sa kanya.

Kibit balikat lang ang itinugon niya sakin at muling kinuha ang kaliwang kamay ko.

"Mabuti pa maglibot na tayo para maaliw ka. Ihahatid na lamang kita sa inyo maya maya." sa hindi malamang dahilan tumibok na naman ng kay bilis ang aking puso.

Ano nanaman ba ito?

Tadhana, pinaglalaruan mo nanaman ba ako?

-------------------------------------------------------------------------------------

THANK YOU FOR READING !!!

KINDLY VOTE AND LEAVE A COMMENT :)

The Fallen PoemsWhere stories live. Discover now