Memories will haunt you forever if you keep on running away from them. Face it and continue fighting in every possible way.
ZEPH'S POV
Patuloy ang pagpatak ng luha ko matapos kong balikan ang mga pangyayaring limang taon na ang nakalipas. I am all alone now.
I lost my family and every inspiration I have to continue writing. No one remembered who I am.
I stayed here in the darkness for five years. I feel like I'm about to give up anytime.
Wala na akong makakapitan pa. Lianne and her family migrated to America while I'm here in the room full of mess trying to convince myself that good things will happen soon. It's all my fault, I deserve all of the sadness in this world.My parent's death will always be my fault.
*kring*kring*kring*
I was surprised to hear that ringtone once again, after 5 years may nakaalala sakin... Or not really.
Malungkot kong tiningnan ang mensahe mula sa 8888 ng globe. Hay buti pa ito naalala ako, yung kaibigan ko nagka amnesia na ata.
Today is July 17, anniversary ng pagkamatay nina mommy at daddy. I really missed them so much.
I was so devastated for the past few years na natakot akong dalawin ang puntod nila. I'm so afraid that I might not be able to take everything that happened. I remained miserable. But... I need to have courage now.
I took a shower and took my bag. It's been a while since lumabas ako ng bahay. Nasilaw ako dahil tirik na tirik pala ang araw ngayon samantalang sa kwarto ko mas madilim pa ata sa madilim.
Sumakay ako ng kotse and I was about to start the engine pero di gumana. Okay I admit five years ko na siyang di ginagamit and I never thought na lalabas pa ako ng bahay kaya di ko napaghandaaan.
I guess I have to take a cab.
-------------------------------
Pagkarating ko sa sementeryo ay nagdadalawang isip parin ako kung kaya ko na ba talagang makita sila.
It's been years yet everthing that happened to me are still painful. I knew deep down inside that they will always be my hidden scars.
"Inhale... Exhale... Relax Zeph, it's alright." sarili ko na lamang ang makakapagpalakas ng loob sakin at wala ng iba kaya kailangan ko ng tumuloy.
Dahan dahan akong naglakad papunta sa puntod. Hindi naman ito mahirap hanapin dahil sa bungad lang ito ng sementeryo.
Nagbabadya nanaman ang pagpatak ng aking mga luha nang makalapit ako ng tuluyan.
"Ma , Pa , patawad po." mga katagang paulit ulit kong sinasabi habang umiiyak. Muli nanaman bumalik sa akin ang mga ala-ala kung paano sila nawala noon na hanggang ngayon ay hindi parin tanggap ng sistema ko.
Their deaths remained as a mystery. I was too shocked back then when they told me that my parents died due to poisoning.
I was scared dahil di ko lubos maisip kung sino ba ang gagawa ng ganto sa pamilya ko.
In the end, the investigation took years but they never found an answer nor the culprit.
I shrugged off every thoughts and looked around the cemetery.
I stayed there for hours hanggang sa hindi ko namalayan na sumapit na pala ang dilim. Noon takot na takot ako sa dilim ngunit ngayon parang naging parte na lamang ito ng aking buhay. I have to go baka wala na akong masakyang taxi.
Akmang tatayo na sana ako sa aking kinauupuhan ngunit bigla ko na lamang hindi magalaw ang aking mga paa.
Am I paralyzed?
No way.
I can still feel my feet but I can't control them. Naweweirduhan nanaman ako sa mga nangyayari.
Then a sudden appearance of light made me totally blinded for a second. What was that? Gusto kong tumakbo papalayo dahil sa nakikita ko ngayon ngunit patuloy parin akong hindi makagalaw.
Nababaliw na ba ako? Am I imagining things? The light became human shaped and it is pointing something inside my bag.
"What?" bigla na lamang bumukas ang bag ko at lumutang ang isang kapirasong papel. Sa isang iglap bumalik lahat ng ala-ala ko noong awarding ceremony.
Magkaparehong liwanag ang kasalukuyan nakikita ko ngayon at ang liwanag na nakita ko noon. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, unti-unting lumipad ang kapirasong papel sa aking mga kamay.
Tila pinapahiwatig nito na may importanteng nakasulat doon, na dapat kong basahin ngayon.
Matapos kong buksan ang papel ay bigla rin naglaho ang liwanag. At bumagsak na lamang ako sa lupa, di makapaniwala sa kung anong nangyari.
Napatingin ako sa papel na hawak ko. Ano nga bang meron dito?
Malakas ang kabog ng dibdib ko habang binabasa ko ang nakasulat dito.
Isang tula...
Blangko ang isip at walang ideya
Di alam paano paglalaruan ang bawat kataga
Tila ba hindi mahanap ang tamang salita
Upang mabuo ang handog na tula
Batid kong di mo ito agad mabibigyang pansin
Ngunit ito nalang ang paraang maaring gamitin
Kahit pa kapahamakan ang sapitin
Basta't malaman mo lang ang aking adhikain
Masamang pangitain ang nagbabadya
Tigilan ang pagtangis at huwag mangamba
Kahit saang mundo ka pa nakatira
Sa kapalaran nati'y handa akong tumalima
----------------------------------------------------------------------------------------------
THANK YOU FOR READING !!!
KINDLY VOTE AND LEAVE A COMMENT :)
YOU ARE READING
The Fallen Poems
Fiksi UmumMadalas ang takbo ng buhay ng tao ay bigla nalang mag-iiba. Kung akala mo ay madali lang mabuhay ay nagkakamali ka, sa isang iglap lahat ng meron ka ay pwedeng mawala. Sa gitna ng kadiliman, may isang nilalang na handang tumulong kay Zephyrine, ng...