Chapter 1

25 2 0
                                    

One day the world revolves around you,

Fate is always in favour,

But you'll never know when everything will disappear

Until it happens in the cruelest way.

ZEPH'S POV

"I was six years old when I saw the famous book of Cupid and Psyche in a bookstore. I didn't have enough money to buy it so whenever I walk home after school, I'll visit the bookstore. After three months, the owner asked me kung bakit ako laging nandoon. I told her that I've always wanted to read that book. Then bigla nalang niyang binigay sakin yung libro. Because of that, I started believing that someday my life would also turn upside down and find true love. Katulad ng mga bida sa tipikal na istorya, laging may happy ending. That's the reason why I'm standing right now in front of y'all. Thank you so much for this award, especially to my readers. I love you all."

Matapos kong banggitin ang aking speech ay nagpalakpakan ang mga tao. Kung dati pangarap lang ito, ngayon ay realidad ko na.

Isa lang naman ako sa mga libo-libong tao na humanga sa istorya ng dalawang nilalang na sina Cupid at Psyche. Sino nga ba namang hindi nangangarap na balang araw ay mahahanap nila ang kanilang 'the one.' A love that you'll fight for the rest of your life. A love that is worth it to wait for.

Ever since I was a kid, I have always admired their love story. They served as an inspiration for me to also write a story about "perfect love." I never thought that I would come this far and I'm always thankful for that.

A year ago, I was just a typical girl who's waiting for a miracle to happen but then I realised that there's no glory without hardwork. My dedication brought me here in the spotlight.

Pagbaba ko ng stage ay sinalubong ako ng kaibigan kong si Lianne. Mahigpit niya akong niyakap, kitang kita sa lapad ng ngiti niya na masaya siya para sa akin.

"Bongga naman ng bestfriend ko! The Best Writer Award of 2015 goes to...... Zephyrine Alison Ferrer!"

Tawa lang kami ng tawa sa panggagaya niya sa emcee. Pati boses kuhang kuha, may talent talaga tong bestfriend ko.

"Look, pinagtitinginan na tayo dito. Let's go home na, excited na akong ipakita kina mama at papa itong award."

Para sa mga magulang koi tong award na ito. Sila yung sumuporta sakin kahit na para bang napakahirap abutin ng mga pangarap ko noon.

"CR muna ako ha Zeph, di ko na matiis hehe."

"Okay hintayin nalang kita sa car."

Habang naglalakad papuntang parking lot, may mga sumalubong sakin para magpa-picture. Medyo natagalan kaya siguradong mauuna pa si Lianne sakin sa kotse.

It took me 30 minutes para makatakas sa kanila, dali dali nakong pumuslit sa loob ng kotse.

Ngunit pagbukas ko palang ng pinto ay nakakasilaw na liwanag ang bumungad sakin. Napapikit na lamang ako ng mariin.

"Lianne tigilan mo nga iyan!" sigaw ko dahil ansakit talaga sa mata. Pero laking gulat ko nang wala namang tao sa harapan ko, ni anino wala akong makita. Tanging papel lamang na nakatupi ang bumungad sakin. Di ko alam kung matatakot ba ako o ano.

Bubuksan ko na sana ito nang biglang kumatok si Lianne kaya naman itinago ko nalang ito sa aking bag.

"Saan ka galing? Nauna pa akong makarating sayo sa kotse even though it took me 30 minutes to escape from the crowd." bungad ko sa kanya ngunit hindi siya nagsasalita. Tanging malalalim lang na hininga ang naririnig ko na nagmumula sa kanya.

"Anuba bakit hindi ka nagsasalita? Anong nangyari sayo bakit parang pagod na pagod ka?" sunod sunod kong tanong pero wala parin siyang sagot. Nakatingin lamang siya sakin na parang mangiyak ngiyak.

"Zeph..." panimula niya ngunit tila nagdadalawang isip parin kung itutuloy ba niya ang sasabihin niya o hindi. Hinayaan ko muna siyang kumalma hanggang sa banggitin niya ang mga katagang sumira ng mundo ko.

"Zeph, I'm sorry. Nasa hospital ngayon ang mga magulang mo. Kritikal ang lagay."

Bigla nalang akong natahimik, this day is full of surprises. I'm sure this is another prank from mom and dad to congratulate me. Palagi silang ganon mula nung bata pa ako.

"Lianne times up na muna tayo sa joke time okay?" I said sarcastically "gamit na gamit na kasi sa mga movies yung line na binanggit mo."

"Shut up, I'm serious. Let's go to the hospital right now."

Pinagmasdan ko lamang siya habang nagdadrive. Pumapatak narin ang mga luha niya at doon lang nag-sink in sakin ang mga sinabi niya.

Please... It can't be.... 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THANK YOU FOR READING!!!

KINDLY VOTE AND LEAVE A COMMENT :)

The Fallen PoemsWhere stories live. Discover now