9■■■ Fighting Medusa.

131 13 2
                                    

"Andiyan na siya... " Gaele.

May narinig kaming tunog ng gumagapang at dumidilang ahas. Malamang 'yon na si Medusa.

"Medusa!" Napasigaw si Xavian nang lumabas si Medusa mula sa gitnang tunnel. Umungol si Vlinder na handa ng umatake.

ROARRRRRRRRRRRRRR!

"Hindi siya isang machine robot o gynoid. Isa siyang Cyborg Monster!" Naive.

Higanteng halimaw. Typical Medusa. Silver ang katawan nito. Pinaghalong cells at metal. Pula ang mga ahas nito sa ulo. Isa ba siyang tao na ginawang halimaw? Awa at galit ang lumarawan sa mga mukha namin.

"Layu--an-niyo--ang-mga-anak-ko!" Medusa. Parang robot siya kung magsalita. Nag echo ang matinis pero ala kidlat niyang boses sa buong kweba.

Anong sabi niya anak? Paano niya naging anak ang mga bata?

Tumalikod ito at akmang ihahampas ang mala metal na buntot sa amin. Nasa kinatatayuan namin ang mga bata. Napaiwas kami. Napatakbo sa kung saan.

Naidikit niya ang mga buntot sa mga batong bata. Hinaplos ng buntot niya ang mga bata. Paunti unting naging tao muli ang mga ito! Parang binalatan ng balat bato at namuo muli ang mga himaymay ng laman.

"Nickie!" Napatakbo ako kay Nickie.

"Ate!" Nagkasalubong kami ni Nickie. Nagyakapan. Ramdam naming yumayanig na ang kweba.

"Kailangan na nating umalis dito!" Si Xavian. "Mga bata sumunod kayo sa akin!" Patakbong sumunod ang mga bata. Mas lalong yumayanig ang kweba. Karamihan naman sa mga bata ay nag-aalangan habang nakatingin kay Medusa pero napasunod na rin dala ng pamimilit ni Xavian at panic dahil mas lalong lumalakas ang yanig. May parte na ring gumuguho.

Nagtaka ako. Bakit nag-aalangan pang sumunod ang mga bata?

"Ingatan mo ang mga bata Xavian!" Naive.

"Tara na Naive tapos na ang misyon natin, sumunod ka na rin!"

"Hindi pa pwede Xav. May kailangan pa akong malaman. Sige na umalis na kayo!"

Nagsigawan at nag-iyakan na ang mga bata.

MAMAAAAAAAAAAAA

Pinaulanan muna ni Naive ng bolang apoy ang Medusa Cyborg Monster. Nag-iiwas si Medusa pero nananantiya ng paraan kung paano mapupuruhan ang kalaban. Sumugod naman si Vlinder at nakipagkagatan sa halimaw.

Hindi nasasaktan si Medusa. Nagpaulan naman ng maraming bubog ng salamin si Petalouda.

"ATE! Hindi siya masama!" Si Nickie.

"Huh Nickie? Anong ibig mong sabihin?! Tara na!"

Tumakbo na kami palabas ng kweba.

"Sige Nickie sundan mo ang Kuya Xavian mo, sumunod ka sa kanila. Hihintayin ko pa sina Gaele at Naive."

"Pero ate hindi kita iiwan..."

"Sige na Nickie!"

NAGULAT KAMI SA MALAKAS NA SIGAW NI NAIVE!

"GAELE!"

Napatakbo akong muli sa loob. Sumunod naman si Nickie. Naging bato sina Gaele at Petalouda!

"Wag kayong tumingin sa mga mata niya Nickie at Kristine!" Pinaulanan pang muli ng maraming bolang apoy ni Naive si Medusa habang iniikutan ito ng nag-iiwas tingin.

Umatras sandali si Vlinder. Nagform ng dalawang malalaking cannon sa magkabilang gilid. Sinugod muli nito si Medusa. Pinaputukan nito si Medusa ng magkakasunod na bolang apoy.

"Akin-na--ang---mga-anak-ko! Papata-yin--ko-kayong---la-hat!"

"Wala kang anak! Sabihin mo sino ang gumawa sa'yo nito at baka matulungan ka pa namin!" Naive.

"Akin-na-ang-mga---anak--ko! Pa-patayin----ko-kayong-lahat!" Naglabas ng laser beam ang mga mata ni Medusa. Nadudurog ang mga natatamaan ng laser beam. Nadudurog ang lapag.

Inatake si Naive! Tumilapon ng matindi si Naive sa pader ng mabatong kweba! Nanghihina ito at umuungol na napasandal sa pader. Si Vlinder naman mas pinalakas ang pag-atake. Nagform pa uli ng dalawang malalaking cannon sa taas ng naunang dalawang cannon.

Papalapit na sumugod sa amin si Medusa! Umikot ng patalon sa ere ng mabilis at akmang ihahampas ang metal na buntot sa amin ni Nickie!

Niyakap ko ng mahigpit si Nickie. Pinangharang ko ang braso ko sa panghahampas ng buntot ni Medusa.

Laking gulat naming lahat! Sa pagsasanggalang ko sa kapatid ko, namuo sa braso ko ang malahiganteng pakpak! Holographic metal wing! Nagliliyab ito hindi malakahel na apoy kundi puting apoy! Kumislap lamang ito saglit upang protektahan kami ni Nickie na nagsilbing shield!

Tumilapon naman si Medusa paatras sa sobrang lakas ng pwersa. Nabalutan ng usok ang paligid dala ng alikabok.

Naglaho kaagad ang holographic metal wing na nabuo sa braso ko. Sa isang kisap mata lang ito lumabas. Natulala ako sa braso ko at hindi makapaniwala. Ganoon din si Naive na nanghihina at si Nickie na namangha.

May parang gumagalaw sa likuran namin ni Nickie...

Napalingon kami patalikod...

Lumitaw mula sa likuran namin ang isang Giant Holographic White Phoenix! Nagliliyab sa nakakasilaw na puting apoy!

●●●◑◑◑◑■■■◐◐◐

Next Chapter: Knocked out Medusa.

◐◐◐●●●●■■■◑◑◑

Tattooed Warrior PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon