11■■■ Battle: Warriors VS. Gorgons ◑Seduction ▲Trap. ●◐

222 13 4
                                    

"Pwede ka ba? Mamaya..." Si Alexa pinulupot ang braso sa leeg ni Sic,

bumulong. Sadyang idinikit ang malulusog na dibdib dito. Sic, japanese ito. Hindi naman ito kagwapuhan pero well known playboy ng campus. Muntikan na itong maexpelled last year dahil may nagreklamong babaeng hinarass niya. Ngumisi ngisi naman ito. Nasa swimming pool sila kung saan walang tao. Lunch. Nagbite lip uli si Alexa habang nanunukso ng tingin at ngiti.

"Wew! Oo naman!" Tuwang tuwa ang lalaki. Bakas sa mukha ang pagnanasa at excitement.

Idinikit ni Alexa ang hintuturo sa mga labi nito. Hahawakan sana ni Sic ang malulusog na dibdib ni Alexa pero tinabig ni Alexa ang mga kamay nito at ngumiti ng pabitin.

"Wag mong kalimutan magdala... Alam mo na... For... protection..." Nagnaughty smile.

"Naman. Thanks at pinaalala mo. You're naughty huh and I like it. Hihintayin kita sweet babe sa bar." Kumindat si Sic. Ngiting abot langit. Hinalikan ng marahas sa lips si Alexa. Iiwas sana si Alexa pero nahuli na nito ang mga labi niya. Babaero ito and such a pervert. Alam ni Alexa iyon na maraming girlfriends si Sic na hindi alam ng mga GF nito na pinaglalaruan sila. Ang mahalaga lang kay Sic ay ang kilig at sex na nakukuha sa mga babae.

Walang paki-alam si Alexa doon.

Inalam ni Alexa ang background nito sa mga kaklase. Binato kasi siya nito ng pie at nagpaparamdam na interesado sa kaniya.

"10:00..." Si Alexa. Ang mga kamay naman ni Sic ay naglandas sa likod ni Alexa, hinaplos ito pababa.

Bago pa man mapunta ang kamay ni Sic sa kung saan. Tinulak na ito ni Alexa ng malakas sa dibdib at kumindat.

"Wag kang masyadong excited... " Nagbite lip at nagnaughty smile.

"Yan ang gusto ko sa babae. Madaling nakukuha. Iba na talaga ang panahon ngayon. Lahat na kayo easy to get nalang. Ang saya!" Ngumisi ito ng proud na proud sa sarili. Tiningnan ng puno ng pagnanasa ang katawan ni Alexa.

"See you... " Kumindat si Alexa at tinutukso ang kaharap ng makamandag na mata. Tumalikod na ito. Sa pagtalikod niya, ngumiti siya ng palihim.

Nagkakaintindihan sila sa kabila ng magkaibang lengwahe dahil parehas silang may suot na Hologram Ring.

■◐■

Nagdive sa dagat ang babaeng nakamaskara ng YIN YANG, ang tumumba sa Gorgon Cyborg Monster Medusa. Nakita ito ni Kristine, napuno ng misteryo ang isip niya.

Sino ito? Sinadya ba nitong tapusin si Medusa para pagtakpan ang lihim? O para tulungan sila? Sigurado si Kristine na ang nauna ang motibo ng babae.

Ilang saglit pa may narinig silang kakaibang malakas na mga sigaw at iyak na masakit sa pandinig na para bang sasabog ang ulo nila. Matinis ito at kaboses ni Medusa!

Sumasakit ang ulo nila habang pinapakinggan ito. Pakiramdam nilang nababasag ang bungo nila. Napatakip ng tenga ang mga bata.

"Arayyyyyy! Ayoko na! Tama na!" Sigaw ng isang bata na napapaiyak na.

AAARRRRAAYYYYYY!

AHHHHHHHHH! SAKIT SA TENGA! TAMA NA PO!

AAAAHHHHHHHHH

AAAAAAAHHHHHHHHHH AYOKO NAAAA

Sigawan ng maraming bata na halos dumapa na sa sobrang sakit sa pandinig.

"Xavian ano 'yon?! Nickie magtakip ka ng tenga!"

"Ate ayoko na! Ayoko ng marinig!"

"Kristine baka may maitutulong naman yang powers mo! Ahhh! Ansakit!" Xavian. Nagpatuloy pa rin ang ingay na bumalot sa isla.

Tattooed Warrior PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon