1■■■ Manila, 4018 ■

519 27 15
                                    

Manila, 4018.

Ito ang panahon kung saan Monarkiya na ang uri ng pamahalaan sa Pilipinas. Ang matunog na pangalan noon na naupo sa pwesto ay nasundan ng kaniyang kapatid bilang presidente, ang pamangkin niya na sumunod hanggang sa iisang apilido nalang ng pangulo ang namumuno kada termino. Marami ang nakuha nilang boto mula sa bawat halalan. Malinis ba o marumi ay walang nakakaalam.

Siyempre, marami ang nagreklamo, tumutol, mga pulitikong nakiisa sa taumbayan at nag-aklas din sa pwesto, ang simbahan na lumaban. Pero masyadong mautak at makapangyarihan ang kasalukuyang nasa pwesto. Naging patas siya sa taumbayan, binigay niya ang nararapat. Umangat ang Pilipinas. Ramdam na ramdam ang pagbabago hanggang sa makuha niya ang tiwala ng mga tao at angkan pa niya uli ang naihalal. Naging kakampi ng lalaking pangulong ito ng Pilipinas ang mga sundalo, ganoon din ang pamahalaan ng America. Oo tango ang ito sa kaniya.

Sa una ay masaya ang mga tao pero nang ramdam na ang kahirapan at indineklara nito na nasa ilalim na uli ng Martial Law ang Pilipinas, marami ang tumutol, nagkaroon uli ng People Power Revolution III. Kung gaano karami ang tumutol, ganoon din karami ang may gusto. Nagkaroon ng matinding pagsabog sa Ikatlong People Power Revolution. Marami ang namatay. Walang hustisya dahil hawak ng pangulo ang hustisya. Kaniya-kaniyang libing ng mga bangkay. Walang pinili bata, matanda, mayaman o mahirap, nagsisilbi sa simbahan o ordinaryong tao lamang. Milyon-milyon ang namatay at nabawas sa populasyon. Parang hindi mahulugang karayom na mga langgam na binuhusan ng asido at sa isang iglap maraming nabawian ng buhay. Humingi ng tulong ang mga organisasyon at mga nakakatataas, parte man ng pamahalaan o hindi sa mga pinuno ng America at iba't-ibang bansa pero nakapagtatakang malaki ang tiwala nila sa nakahalal na pinuno ng Pilipinas.

Ano ang ginawa niya? Bakit ganoon nalang kalaki ang tiwala ng mga ito? At nagsawalang kibo na lamang ang mga ito sa crisis na pinagdadaanan ng Pilipinas.

Hindi makalaban ang mga tao. Walang laban dahil hawak ng Pangulo ang batas. Kakampi niya ang lahat ng mga sundalo o militar. Lahat ng uri Navy, Air force o panlupa man. Hawak niya ang batas. Hawak ng angkan niya ang batas hanggang sa Martial Law. Naging Dictatorship to Monarchy.

Sa tinagal-tagal ng pamumuno ng angkan niya ay umabuso ang mga ito. Naging makasarili. Lumaganap ang korupsyon. Ang mga mayayaman, naghirap. Ang mga mahihirap, mas pinahirap. Ang Royal Council of the Philippines, tinamasa ang karangyaan.

Nakamit na ng ibang mga bansa ang modernisasyon sa Science and Technology. Kung saan ang mga sidewalks na gawa sa bakal ang gumagalaw imbes na tao ang naglalakad. Jet na ang common na ginagamit for transportation. May 80 flyovers per city na gawa sa bakal,transparent. 5 minuto mag-iiba ang kulay to black then 5 minuto pa ulit, balik sa original nitong kulay, silver. Ito ang gumagalaw, imbes na kotse.

Black and silver lang ang kulay ng mga kotseng hindi gumagamit ng gulong at mukha ring Jet ang itsura.

■MANILA, 4018■

"SLUMS" ang tawag ng ibang bansa sa siyudad na 'to. Dito ang mga sobrang naghihirap naninirahan ayon sa utos ng Royal Council.

"WAHHHHH!!! Anak! Anak! Sige Kuya salamat. makakaalis ka na." Malakas na sigaw ng mama ni Kristine abot abot mula sa mailman ang sulat.

"Ano yun Ma?"

"Ito na..." ngumiti ng nakaloloko habang binubuksan ang sulat.

"Oh ano Ma. Ano daw sabi?"

"Tanggap kayo mga anak!"

"Hala Ma! Totoo? MY GHADDD! Ang saya Ma!" Napatalon siya sa sobrang tuwa.

"Weh ate? Yehey!" Ang bunso niyang kapatid napatalon at napangiti din.

"At bukas na bukas na ang alis natin! Susunduin tayo ng army!"

"Wow!" Si Nickie yumakap sa nanay.

"Kristine anak, Nickie wag niyong sasayangin ang opurtunidad na 'to. Pili lang kayo na nabigyan ng ganitong klaseng oportunidad ng Royal Council." Caressing the hair of her younger sister.

"Oo naman Ma. Group hug." Niyakap ang nanay at kapatid.

Sa 1990th Anniversary ng Royal Council. Bilang pasasalamat, nagbigay sila ng scholarship sa 30 kataong mapipili. Pag-aaralin sa Phoenix Academy sa Occultus Island kung saan mga mayayaman lang at kilala mula sa iba't-ibang bansa ang nakakapag-aral. Karamihan mga anak ng hari at reyna, mga lider ng iba't ibang bansa, mga anak ng mga may-ari ng kilala at mayayamang companies mula sa iba't ibang bansa.

Dala ng pagkabagot. Naisipan ni Kristine na magregister, magfill-up ng form sa internet kasama ng kapatid niya. Hindi niya akalain na mapapabilang sila.

May dalawang sundalo na pumupunta sa bahay ng mga sumali para imbestigahan ang background or ang pamumuhay ng mga ito. Titira ang mga ito sa loob ng 3 araw para magmatyag. Submitting reports to the Royal Council. Royal Council na ang magdedecide at mamimili.

■■◐■■●

"Nandiyan na." Naglalakad papunta sa pinto ng condo niya para pagbuksan ang bisita. Naka-Black Lacy bra at panty pa siya. Walang paki-alam kung makita ng bisita ang hubog ng katawan. Pinapatuyo ng towel ang mamasa masa pang mahabang itim na buhok.

Binuksan niya ang pinto...

"NAIVE..."

■■◐■■

Tattooed Warrior PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon