10■■■ Knocked out Medusa. Geraki, White Phoenix. YIN YANG Mask.

135 12 0
                                    

Napatulala kaming lahat sa likuran ko. Lumabas ang isang Giant Holographic White Phoenix.

"Isa ka ring... Irizumi Warrior..." Si Naive.

"Hindi... Anong ibig sabihin nito?!" Hindi ako makapaniwala pero wala naman akong makapang takot sa Giant phoenix robot na nasa harapan ko ngayon.

"Geraki... Geraki ang ngalan ko... Tawagin mo akong Geraki... Ako ang iyong Phoenix Spirit, Immortal Guardian... Irizumi Warrior." Ibinaba nito ang ulo na para bang kinakausap ako. Tinitigan ko ito sa mata sa mata. Puting dyamante ang mga mata nito na nag-aalab. Hinaplos ko ang mukha niya. Parang may nag-uudyok sa aking gawin 'yon. May gumugulo pati sa aking isip bulto ng matipunong lalaking nagsasalita. Silver na mahaba hanggang tuhod ang buhok nito. Nagliliyab ito na nakasuot ng pangharing damit pero nakapants na puti. May laurel leaves ito sa ulo simbolo ng karunungan. Hindi ko maaninag ang mukha pero ang sarap sa pakiramdam ng malalim nitong boses.

May nakuha akong feather na gawa sa pinaghalong malambot na aluminum at kristal mula sa ulo ni Geraki. Mainit ito. Kumikinang at nagliliyab pero ng mapasakamay ko na ay unti unting nauupos ang apoy.

"Geraki..." Nasabi ko ang pangalan niya ng mahina.

Tumubo ang dalawang holographic metal wings sa magkabilang braso ko. Mga pakpak na metal na kasinlaki ng braso ko na nakadikit. Kawangis at kakulay ng mga pakpak ng Phoenix.

Ang malasilver naman na feather sa kamay ko ay nagliwanag at naging isang malaking espada!

Mabigat ito. Nararamdaman ko pero nakapagtatakang kaya kong buhatin. Gawa ito sa purong kristal na kumikinang na may badge ng ibong phoenix na gawa sa ginto sa hawakan. Kawangis ito ng higanteng gold sword necklace na suot ni Geraki. Kitang kita ko ang repleksiyon ko.

KATULAD DIN AKO NINA NAIVE AT GAELE! Nawala ako sa realidad saglit. Tulala pa rin sa ibong nasa harapan ko. Hindi makapaniwala.

Dapat ko ba itong ikatuwa o ikabahala?

AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!

Napahiyaw ako sa sakit. Namimilipit sa sakit ang kanang braso ko! Parang inuukitan o tinatatakan ng matulis na patalim. Nagliwanag ito! Unti-unti itong nagkakaroon ng marka at guhit na sugat parang bumubuo ng kung anong larawan. Nagdudugo ito habang inuukitan. Pulang pulang sugat. Sobrang sakit!

AAAAAAHHHHHHHHHHHHH!

"MGA--HANGAL!--" Tinalikuran ko si Geraki at napaharap sa sumigaw ng malakas na si Medusa pero agad ding naglihis tingin. Nasulyapan kong nagliyab din ang mga mata ni Medusa sa pula. Handang magpatama ng pulang laser beam sa amin. Hinila ko pang lalo si Nickie at idinikit sa akin.

Inatake kami ni Medusa! Naglabas siya ng matatalim at pulang pula laser beam mula sa mga mata niya.

Pinagkrus sa harapan namin ang mga pakpak ni Geraki. Prinotektahan kami na nagsilbing shield sa amin ni Nickie. Dahil sa pinaghalong kristal at aluminum ang mga pakpak nito na parang salamin bumalik kay Medusa ang mga atake niya.

"AHHHHHH--ANG-MGA--MATA-KO!" Para itong ahas na naputulan ng buntot sa paggalaw. PaS-S ito. Umuusok ang mga mata nito na naglalabas ng naglolokong laser beam.

"Medusa!" Naive nagbato ng bolang apoy. Hindi na ito nagliliyab. Wala itong saplot. Hubad. Lumapit naman dito ang nagliliyab na si Vlinder at hinaplos haplos gamit ang ulo ang mga sugat ni Naive. Immune sa apoy si Naive.

"Alam kong tao ka! Sinong gumawa sa'yo nyan?!" Dagdag ni Naive. Paika ikang tumayo. "Sino?!"

Gumapang ng mabilis palabas ng kweba si Medusa! Tumakas!

Umatake si Geraki. Ibinuka ang matulis na tuka. Naglabas ito ng mainit na apoy papunta kay Medusa!

Pero huli na! Masyadong mabilis ang paggapang niya. Naglaho nalang siya sa paningin namin. Nagiba naman ang tunnel na natamaan ng kapangyarihan ni Geraki. Natunaw ang pader ng parang asido.

Tattooed Warrior PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon