3■■■ On the way to OCCULTUS.

303 21 13
                                    

Kristine's POV.

Hinihintay namin nina Mama at Nickie ang mga sundalong susundo samin. Chinecheck ko ang mga gamit ko baka may nalimutan ako.

"Oh mga anak nandito na pala sila. Sige mga ser tuloy kayo." Si Mama sa pinto.

"Hindi na! At wag niyong asahan na kami pa ang magbibitbit ng mga dala niyo! Labas na!" pasigaw na sabi ng matabang sundalo na naka-Silver na pinaghalong black military outfit. May gold armor ito na suot na may Royal Council Badge sa upper right chest tanda na ito ay taga-Royal Council.

Nagulat ako sa sumunod na nangyari! Pasindak na tinutok ng sundalo kay Mama ang rifle niya!

"Aba at loko ka palang bastos ka ah!" Palaban kong sabi sa sundalo.

Tinutok ang rifle sa akin!

"Anak tama na. Oh sige Ser umalis na tayo." Hinarang ni Mama ang sarili niya at naki-usap sa sundalo. Bakas sa mukha ang takot.

Sumunod na kami sa sundalo. Hindi ako makangiti imbes na excited. Sobra ang nararamdaman kong galit sa kalupitan ng Royal Council. Walang pinipili mahirap man o mayaman. Kung tutuusin kalahati ng sinisweldo ni Mama sa trabaho bilang factory worker sa paggawaan ng bakal, sa kanila din napupunta. Exclusive para sa corrupt na Royal Council. 1/4 nito napupunta sa Public tax. 1/4 nalang ang natitira sa amin. Ganoon din sa iba.

Nalilito ako sa nararamdaman. Galit at pasasalamat. Pasasalamat dahil pag-aaralin nila ako sa Phoenix.

Dapat ba akong magalit o matuwa?

Sumakay na kami sa white van na maghahatid sa amin sa airport kung saan sasakay kami ng airplane papuntang Indonesia.

Mula Bali, Indonesia, may port doon kung saan sasakay ng barko papuntang Occultus Island na magtatagpuan sa karagatan malapit sa South America.

Habang nasa airplane, kasabayan namin ang isang lalake na brown ang kulay ng buhok na gulo-gulo, nagpakulay na natulog kaagad pagkasakay na pagkasakay. Kinukulit naman siya ng babaeng naka-Bob haircut. Nakaupo sila sa kabilang gilid namin. Girlfriend siguro nito. May kasama silang dalawang sundalo na nakaupo naman sa likuran nila. Siguradong napili din ang mga ito o ang isa sa kanila.

Nakaupo naman sa likuran namin ang isang batang lalaki kasama din ang mama nito. May kasama ding mga sundalo.

Tahimik kaming lahat. Hindi man lang kumibo ang isa sa amin hanggang sa makababa.

Pagdating sa Bali, sumakay kami ng black limousine na walang gulong pero may laser sa ilalim na nag-aapoy kung saan road ang umaandar imbes na ito papunta agad sa port. Namangha ako sa nakikita. First time kong makakita ng ganito sa personal dahil walang ganito sa Pilipinas. Titig na titig ako. Walang pinapalampas.

Kasama pa rin namin ang mga kasama namin sa airplane kanina pero wala pa ring kibuan. Nagngitian lang ang mama ng batang lalaki at si mama. Nahuli ko namang sinusulyapan ako ng lalaking may brown hair, nakasandal sa balikat nito ang katabing babae. Nang mahuli ko naglihis ng paningin sa bintana.

Tahimik pa rin kami hanggang dumating sa Port.

■■◐

PORT.

Matapos naming hintayin ang iba pa naming makakasama.

"Seems that everyone's ready?" Ang spokesperson ng Royal Council, si Edith Delaver. Mga nasa 40s. Maganda. Sophisticated. Sexy pa rin ang pangangatawan pero may pasa sa right cheek na obvious na tinakpan lang ng concealer. Bakit siya may pasa? Pinagtitinginan ng mga tao ang pasa niya pero poise na poise pa rin siya at nakangiti.

30 katao kaming nandito bago umakyat sa barko kasama ang mga kamag-anak, kaibigan, mga bf o mga gf nila.

Nasa kaliwa namin ang babaeng seryosohin ang mukha pero maganda na naka-Black hood at hapit na hapit na jeans kasama niya ang isang lalakeng nakasalamin. Mukhang magBF/GF ang dalawa.

Tattooed Warrior PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon