02

165 21 59
                                    

Nandito na kami sa bahay na tinitirahan namin and we're back to normal. Akala ko totoong nagselos siya kay Joe, pinakamatinong ex-boyfriend ko. Akala ko totoo 'yong ipinakita niya sa parents niya. I thought he really cares for me.

But that's not the case. We only live together just because I am carrying his baby. That's it. Inaabangan ng lahat. Unang apo. So we need to act in love in front of his family kasi ayaw niyang ma-disappoint ang parents niya. I wanted to cry but I'm not the crying kind. Iyon ang pinagkaiba namin ng matalik kong kaibigan na si Renren. Itanong ko lang sa kanya kung ano'ng problema, pwede na siyang umiyak sa'kin.

Hindi pa siya handang iwanan ang pagiging binata niya kaya madalas pa rin siyang nagpupunta sa bar. Naghihintay lang ako na makauwi siya pero madalas ay nakakatulog ako sa sobrang pagod.

Totoong naghiwalay kami dahil nagkaroon siya ng ibang babae. Totoong humingi siya ng second chance sa'kin pero noong nalaman niyang buntis ako, bigla siyang nagbago at bumalik sa dati. Akala ko maayos na kaming dalawa pero hindi pa pala siya handa.

Five months palang naman ang tiyan ko at maliit pa ito.

Noong nasa party kami ng parents niya, iyon ang unang pagkakataon na nasaktan niya ako sa sobrang galit niya. Madalas kasi ay masasakit na salita lang ang naririnig ko sa kanya. Akala ko nga totoo 'yong regret na nakita ko sa mga mata niya. Nakalimutan kong magaling siyang umarte.

Hindi ko rin ine-expect ang naging reaksiyon niya noong nalaman niyang buntis ako. Pakiramdam ko ay pinandidirihan niya ako noong mga oras na iyon. Paano pa kaya kung malaman niya ang iba pang bagay tungkol sa'kin?

I stay because I wanted to have a complete family. Gusto kong mabuhay ang magiging anak ko sa kumpletong pamilya. Ayoko na magaya siya sa'kin. Hindi ko kakayanin kung magiging katulad ko ang buhay niya.

Narinig ko ang pagdating ni Dan. I used to be excited when I heard his car at our garage, pero ngayon nakakaramdam na rin ako ng kaba sa mga masasakit na salitang sasabihin niya sa'kin.

Tanggap ko naman ang mga iyon. Lumaki ako na masasakit na salita ang naririnig kaya balewala ito sa'kin. Masasaktan lang ako pero hindi ako magpapa-apekto.

"Dan, saan kana naman galing? Hindi sila Angelo ang kasama mo ngayon. Alam mo ba kung anong oras na?"

"Ano naman sa'yo? Bakit mo ako tinatanong ng ganiyan?"

"Tingnan mo lasing na lasing kana naman."

I was about to touch him para sana alalayan siya sa paglalakad pero umiwas siya sa'kin. Ngayon lang ito nangyari kaya may kung anong sakit akong naramdaman. It reminds me of something.

"I can still walk, you know?" sabi pa ni Dan. Hindi ko naman sinabing lumpo na siya 'di ba? Nakapag-drive nga siya kaya naniniwala akong kaya niyang umakyat mag-isa.

"Kelly," he called out, still not facing me.

"Yes?"

"You know, you are the biggest disappointment in my life," he said while walking upstairs.

DISAPPOINTMENT.

I think I heard that before.





Nagising ako dahil sa kakaibang nararamdaman sa katawan. Is it because of pregnancy? Gosh. Last na 'to! Ang hirap pala magbuntis!

Akala ko naman kasi ready na kami sa ganito. We're totally fine before I told him that I was pregnant! Hindi naman talaga ako mahihirapan kung may kasama ako habang nagbubuntis ako, kung kasama ko si Dan sa journey na ito.

Pagbaba ko ay nandoon si Dan at may kausap. He is smiling. Those perfect side smile. I wish he can smile like that for me again.

And I am aware that I am not the only girl in his life. Of course, hindi naman siya makikilalang babaero for nothing. And I accepted that too. Napag-usapan naman namin na once na lumabas na ang baby, sasabihin namin sa family namin na we can't be together. Hindi na niya ako isinasama sa future plans niya. We are talking about wedding kapag kasama ang parents niya, but of course, that can't be true. I am trying to fix what I need to fix. Umaasa ako na baka kapag nakita na niya 'yong anak namin, mahalin ulit niya ako. Posible naman iyon 'di ba? Sana posible sa'ming dalawa.

✓ Always, All Ways (Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon