07

153 20 50
                                    

Akala ko naman magiging maayos na ulit ako dahil nasabi ko na kay Dan ang gusto kong sabihin sa kanya. Bakit hindi pa rin ako matahimik?

Why am I waiting for his messages?!

Naka-upo lang ako sa isang coffee shop because I'm waiting for Oscar. Hindi ako makapaniwala na mag-uusap kami ngayon dahil sinunod ko ang payo ni Renren. Kaya raw hindi matahimik si Oscar ay dahil hindi ko siya nabigyan ng maayos na closure. Hindi rin ako makapaniwala na pagkatapos ng pangungulit at pagpapaliwanag ni Oscar sa'kin ay napapayag niya akong makipagkita sa kanya. Masyadong masakit ang ala-ala na iyon para sa'kin kaya pinag-isipan kong mabuti ang pakikipagkita sa kanya. Sabi nga ni Renren, "Do it on your own pace."

Sadyang inagahan ko dahil baka umatras pa ako kapag nakita ko kaagad si Oscar. I heard he has a new girlfriend but I just want to make sure na he won't blackmail me with his videos and pictures. How can I start new life kung iniisip ko iyon? But since I can't control him, sasabihin ko nalang sa kanya na hindi na talaga ang mga gusto kong sabihin.

If he posts our video online, wala na akong magagawa roon. Kahit hindi nakikita ang mukha namin doon, alam ko pa rin sa sarili ko na nagkamali ako ng desisyon noong gabi na 'yon. Hindi lang dapat siya ang sisihin ko.

Hindi ko rin naman sila guguluhin ng girlfriend niya. In fact, sabi ko naman sa kanya ay huwag na kaming magkita kung ayaw ng girlfriend niya na makipag-kita siya sa'kin. Gusto raw niya akong makita at pumayag naman daw ito kaya pumayag ako.

Umupo kaagad siya sa harapan ko.

Matagal na niyang gustong makipagkita kahit noong boyfriend ko pa si Joe at kahit noong naging kami rin ni Dan. Hindi lang talaga ako pumayag dahil bukod sa wala na kami ay nirerespeto ko ang mga karelasyon ko.

Bago ko naging boyfriend si Dan, may Joe at Oscar muna. Kagaya nga ng sinabi ko, marami akong past relationship na hindi seryoso at hindi ako proud sa mga iyon. Alam kong marami akong nasaktan at may pagkakamali rin naman ako sa kanila.

Si Oscar ang pinaka-pasaway na naging boyfriend ko. While Joe is the most gentleman. At si Dan naman ang lalaking pinaka-minahal ko.

"Thank you, Kelly. Finally, pumayag kana na makipag-usap."

Umayos ako ng pagkaka-upo. Nakakakaba rin palang makipagkita sa ex-boyfriend lalo na kung hindi good ang naging ending 'no?

"Oscar..." Kinakabahan lang ako. Hindi man ako naging matinong babae, I don't deserve to have that video para makita ng buong mundo 'di ba? Oo, ito talaga ang kinakatakot ko. Kahit pa hindi ako makikilala sa video na 'yon. What happened that night should be between the two of us.

"Kelly it's all my fault. I'm stupid selfish jerk. Alam ko... alam ko na ang laki ng kasalanan ko sa'yo. I heard what happened to your baby. I'm really sorry." Hindi ko naman inaasahan na ganito kaagad ang sasabihin niya. Maraming beses na niya itong sinabi sa messages at sinubukan din niyang magpunta sa bahay.

"Oscar," pagtawag ko ulit sa kanya. "Alam kong minahal mo ako and I'm sorry na hindi ko natumbasan 'yong ibinigay mong pagmamahal sa'kin noon. Masyado na nating nasaktan ang isa't-isa. Sana... tama na?" pagpapatuloy ko. Hindi pa naman huli ang lahat para mabigyan ng closure ang isang bagay. Kahit pa marami na ang nagbago dahil iyon ang nararapat na gawain.

Tiningnan ko siya sa mga mata. "Sana mahalin mo 'yong girlfriend mo nang higit pa sa pagmamahal na ibinigay mo sa'kin. Naiintindihan mo naman 'di ba? We tried. I tried to love you back but it's just not meant to be, we are not meant to be. Mas lalo lang natin sinaktan ang isa't-isa at nandamay pa ng ibang tao. But thank you for everything..." Kahit naman madaming masasakit na nangyari, hindi ko naman makakalimutan na siya ang unang nagparamdam kung paano mahalin nang totoo. Nagkataon lang na hindi ko iyon kayang tumbasan.

✓ Always, All Ways (Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon