Always, All Ways - Epilogue

77 11 67
                                    

Second chances are not given to everyone. If you failed to be happy on your second chance, don't lose hope. Who knows? You can have a third chance!

Kaya nga mas maganda na gamiting term ang second chance kasi kapag hindi nag-work, mayroon pang third, fourth, fifth and so on. Parang Plan A lang iyan na kapag hindi naging successful, mayroon ka pang Plan B hanggang Plan Z.

Ang galing 'di ba? Hindi ka lang isang beses pwedeng sumubok. Pero hindi ibig sabihin na dapat mo na balewalain ang unang pagkakataon dahil kagaya ng sinabi ko, hindi lahat ng tao ay mabibigyan ng isa pang pagkakataon.

Sa sitwasyon namin ni Dan, maraming pagkakataon ang ibinigay sa'min ng tadhana hanggang sa kami na mismo ang gumawa ng paraan para maging masaya kami. Hindi madali, maraming masasakit na pangyayari pero kinaya naming dalawa.

About my past, hindi maiiwasan na naaalala ko pa rin iyon pero sa tulong ng mga propesyonal na tao ay kinakaya ko. Malaki rin ang tulong ni Dan sa mga pagbabago ko sa pagharap sa mga kinatatakutan kong maalala. Hindi siya umaalis sa tabi ko kapag kailangan ko siya.

Nakakatuwa lang na hindi man ako ang ideal girl na pinangarap niya ay natanggap ako ni Dan. May tao talaga na matatanggap ang lahat sa'yo kapag totoong mahal ka nito.

Love is so powerful and meaningful.

Hindi mo kayang isa-isahin ang ibig sabihin nito dahil hindi natatapos ang ibig sabihin ng love.

"What are you doing here?" pagtatanong ni Dan noong nakita ako sa labas ng kwarto namin.

"Nag-iisip lang," sagot ko naman sa kanya.

"About what?" Lumapit siya sa'kin at niyakap ako.

"Iniisip ko kung bakit ako nagpakasal sa'yo, kung bakit ako nakipagbalikan sa'yo, kung masaya pa ba ako at kung paano ako tatakas sa sitwasyon na mayroon tayo ngayon." Naramdaman kong lumuwag ang pagkakayakap niya sa'kin.

"Why? Are you serious? May ginawa ba ako para isipin mo iyan?" bulong niya.

Natatawa talaga ako sa kanya kapag pinagti-tripan ko siya at biglang nagbabago ang mood niya. Kapag ganito talaga ang sinasabi ko sa kanya ay kaagad kong napapansin ang pagka-lungkot sa tono ng boses niya kaya kinikilig pa rin ako. Hindi siya nagsasawa sa pang-aaway ko sa kanya.

I faced him. "Joke lang, hindi na kita kayang pag-tripan dahil baka bigla kang pumayag."

Sumandal ako sa kanyang dibdib at niyakap ko siya.

"What's wrong with you? Sobra naman yata ang mood swings mo ngayon?"

"Nagsasawa ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Of course not!" Bakit kailangan sumigaw?

"Pagod lang ako."

"Pinagod ba kita? Sorry, Kelly," natatawang sagot niya.

"Gago! Hindi kagaya ng iniisip mo!"

Nagtawanan lang kami roon at nagbigayan ng green jokes na paboritong-paborito niya.

Ako pa rin naman si Kelly na hindi kailangan ng approval ng ibang tao. Like what I've said before I just need myself, to respect myself. I gained that respect through the help of people who trust me.

Kagaya ng nabasa ko, "Nothing is worth losing yourself". Renren and I are promoting self-love! We experienced a lot, but what important is that never lose respect and love for yourself because nothing is worth losing yourself.

Dan gave me the new meaning of my life. I'm glad that I made the right decision not to let go of his hand. He learned how to hold my hand too, so, we can enjoy our journey together.

"You asked me before if I will allow you to hold my hand to start our journey," pagsisimula ko. "It's my turn to ask you. Will you allow me to hold your hand for a new beginning?" I continued.

"What do you mean?" he asked.

"Care to answer my question, Dan?" I asked, remembering that he also asked the same question. But with a twist. "Wait," I whispered to stop him from answering it.

"Hmm, should I start calling you... Daddy Dan?" I asked again. Hindi ko inaasahan na makikita ko siyang umiyak ngayon.

I just called him Daddy Dan to spread the good news!

Tatlong beses ko na siyang nakikitang umiyak nang sobra! Una, noong natuto siyang mag-share about his life. Second, our wedding day! I get a lot of bullying because he was so emotional while I'm walking down the aisle! Third, giving the news that we received the best gift... of having a baby.

"Always," he promised.

"All Ways," I answered, satisfied with all the pain I had to endure because it is all worth it!

Our story will not end in cliché words like The End.

It should be...

Our Always, All Ways... will start now!

✓ Always, All Ways (Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon