[WARNING: MATURE CONTENT (WITH SENSITIVE SUBJECT MATTER)!!!]
Kelly Angela Madrigal: Hi Dan. It's Kelly, kailan ko pwedeng kuhanin 'yong gamit ko? Thanks.
Daniel Martin Ramirez: Anytime Kelly. Sabihin mo lang kapag pupunta ka na.
Kelly Angela Madrigal: Kailan ka wala sa bahay?
Daniel Martin Ramirez: Tomorrow morning.
Kelly Angela Madrigal: Okay. I'll get my things tomorrow morning.
Daniel Martin Ramirez: Sure. Drive safely.
Paulit-ulit ko pang binasa ang conversation namin ni Dan. Damn! How can I forget this? Ang sabi ko sa kanya umaga ko kukuhanin ang gamit ko! Anong oras na!? Four o'clock na!
But still, I need to get my things. May kailangan ako roon. Hindi ko na pwedeng ipagpabukas pa! Kailangan ko nang magsimula ulit! Sobrang occupied ba ng utak ko para makalimutan 'yong gamit ko? Naiinis ako sa sarili ko!
Paano kung nandoon siya? Ayaw ko siyang makita! Nakakainis talaga!
Kaagad kong inayos ang pagkakaparada ng sasakyan pagkatapos ay pumasok na sa bahay. Good thing, tahimik ang lugar at wala ang sasakyan ni Dan. So, wala pa siya sa bahay? Nasaan kaya siya?
Okay, why would I care?
Dumiretso ako sa kwarto ko para ayusin ang mga gamit ko. Walang nagbago sa itsura ng mga gamit ko dahil ganito ko rin ito iniwan.
Isa-isa kong inilagay ang mga gamit ko sa sasakyan.
But honestly, his house is a total mess. Sobrang kalat at gulo ng gamit niya.
Nagmadali na akong ayusin lahat ng gamit ko kasi baka maabutan pa niya ako. Speaking of maabutan, narinig ko ang sasakyan niya kaya bumaba na ako at nakasalubong ko siya. Namumula nga siya. Naka-inom kaya?
Erase! Erase! Ano naman ang pakialam ko?
Hindi naman siya nagulat na nandito ako dahil nakita na niya ang kotse ko.
"Ahm... sorry. Nakalimutan kong kuhanin kanina," pagpapaliwanag ko kaagad sa kanya. "Don't worry, kakatapos ko lang. Paalis na rin ako," dagdag ko pa.
Tiningnan niya lang ako. "Sige... mag-iingat ka Kelly."
Aalis na sana ako pero napansin ko kasi na humahawak siya sa mga gamit na malapit sa kanya. Lasing ba siya? Nilapitan ko siya at inalalayan.
"Hoy Dan! Sobrang init mo naman. Nilalagnat ka!"
Sobrang init talaga niya kaya inalalayan ko siyang humiga. Buti nalang nakauwi pa siya!
"Kelly, I'm... okay..." sabi pa niya kahit halatang hindi siya okay.
Hindi ko naman siya pwedeng iwanan dito. Inayos ko 'yong gamit sa pampababa ng lagnat. Kumuha ako ng gamot niya at nagluto ako ng kahit anong pwede niyang kainin para may laman ang tiyan niya kapag uminom ng gamot.
Nakatulog nga kaagad siya sa sobrang taas ng lagnat niya. Pambihira. Napakagulo na nga ng bahay niya ay hindi pa inaalagaan ang sarili. Sa itsura niya ay mukha pa siyang galing sa trabaho. May balak ba siyang magpakamatay?!
Ginising ko siya para kumain ng kaunti dahil kailangan pa niyang uminom ng gamot.
"Dan, kumain kana..."
"Hindi ako nagugutom," pagmamatigas pa niya habang nakapikit pa.
"Pero kailangan mong kumain para maka-inom ng gamot."
BINABASA MO ANG
✓ Always, All Ways (Preview)
Romance(PUBLISHED UNDER KM&H BPF) READ THE COMPLETE CHAPTERS ON DREAME OR GRAB A COPY OF THE BOOK "Yes, cheating is a choice and he chose to do that but asking for a second chance is also a choice, right? He made that choice and I willingly accepted him." ...