05

156 21 37
                                    

Nagpasama ako kay Renren sa lugar na madalas naming tambayan ni Dan kapag gusto namin sa tahimik sa lugar.

Nagtataka siya dahil ayaw kong makipag-usap at makipagkita kay Dan pero bukambibig ko naman.

Wala naman kaming dapat pag-usapan. He made it clear before that accident happened. Marami pa akong naiwan na gamit sa bahay niya at kukuhanin ko nalang iyon kapag handa na akong harapin siya.

"I thought you don't like thinking about him? Hindi ba mas maaalala mo siya sa lugar na 'to? You guys used to date here," she said while we are walking.

"You're right. I don't like thinking about him but I want to remember him. 'Yong Dan na mahal pa ako. Paano nga ba kami nagkaganito?"

Hindi na siya sumagot kasi alam kong itinanong din niya ito sa kanyang sarili noong nagkaproblema sila ni Kiel.

Our second chance was wasted. Sayang 'yong chance na ibinigay sa'min. Sinayang lang namin. Pwede rin kaya kami sa marami pang chance?

Umupo kami sa tabi ng isang puno. Tahimik pa rin talaga rito. Kahit anong ingay ng mundo, mayroon talagang lugar na mahahanap mo ang peace of mind.

Tahimik lang kami ni Renren habang nakatingin sa malayo.

"Renren, mali ba 'yong ginagawa ko?" pagtatanong ko sa kanya.

"Alin?"

"Mali bang sinisisi ko si Dan? Alam mo naman na nasaktan ako sa pagkawala ng anak ko, mali ba 'to?" Then all of a sudden, I started to cry again!

"No, Kelly. Kahit nasasaktan siya sa nangyayari, alam ko naman na at some point ay naiintindihan ka niya. Pero sana hindi 'to umabot sa point na tuluyan kayong magkakasakitan dahil sa sisihan. Sana hindi kayo matulad sa'min ni Daddy kasi maraming oras ang nasayang. Pero hindi masasayang 'yong oras mo kung healing naman ang pinaglalaanan mo. Kaya mo 'yan."

"Thank you, Renren."

"I'm always here for you. Always, all ways," pang-aasar pa niya. Alam niyang linya ito ni Dan. "Ops! Wrong choice of words. Haha! Peace!"

Ipinagpatuloy namin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Parehas naman kami ng reason ni Renren kung bakit nagugustuhan namin ang ingay sa bar.

Gusto namin sa lugar na iyon hindi lang dahil gusto naming uminom. Simple lang naman, gusto namin ang ingay sa ganoong lugar kasi we feel so alive. The music is so loud that we can feel so alive on that place. We found comfort on that loud place. Sino'ng mag-aakala na may ganoon kaming mararamdaman sa magulong lugar?

Sumandal ako sa kanya.

"You don't have to rush everything Kelly. Do it on your own pace."

"I know Renren. I am just thankful that you're here...with me."

"Ano ka ba? Of course! Anytime!"


*


Since I am jobless, wala akong ginawa kung hindi tumambay sa mga lugar na hindi ko napuntahan noong buntis ako. Well, except for the place where I used to find a comfort. At the bar.

Pero ngayon, I don't feel like going to other places. I just want to stay here with Mama Fe. Pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Kanina pa ako gising pero hindi pa ako bumabangon. I want to stay here in bed all day.

I received a message from Dan saying his usual good morning, how are you, don't forget to eat, I'm sorry messages.

Umayos lang ako sa pagkakahiga ko. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong nangyari ang aksidente na iyon. Kailangan ko na rin magsimula ulit sa buhay ko. Ayoko naman na maging pabigat ako kay Mama Fe. Maghahanap na ulit ako ng trabaho sa susunod na araw. But not now.

✓ Always, All Ways (Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon