But I stayed. I stayed in our home. After that day, hindi pa ulit umuuwi si Dan. Ready na ako. Ready na akong sabihin sa kanya lahat.
Ready na akong balikan ang nakaraan para maintindihan niya ako. Pagkatapos ng pag-uusap namin na ito, maiintindihan ko kapag ayaw na talaga niya. Ready na rin akong umalis sa bahay na ito.
Bigyan lang niya ako ng pagkakataon na ipaliwanag ang sarili ko, sapat na iyon.
Tatlong araw na siyang hindi umuuwi rito. Hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi rin alam ng mga kaibigan niya. Last na 'to Dan. Pagkatapos nito, tatanggapin ko na talaga na wala na tayo.
Gusto yata talaga niyang umuwi rito na wala na ako.
Pero kailangan niya akong maintindihan kahit kaunti lang. Hindi ko naman sasabihin sa kanya lahat ng ito para mahalin ulit niya ako. Gusto ko lang sabihin sa kanya para mabawasan ang galit sa puso niya.
Hinihintay ko siya sa labas ng bahay namin. Noong nakita niya ako sa labas ay kaagad niyang inayos ang pagmamaneho at lumiko para bumalik sa pinaggalingan niya. Tumakbo ako para maabutan siya at noong naabutan ko na siya ay kinakatok ko ang bintana niya pero hindi manlang siya lumilingon sa'kin.
"Dan please! Listen to me!" Paulit-ulit ko itong isinisigaw sa kanya pero hindi siya huminto. Mas binilisan pa niya ang pagmamaneho kaya nadapa na ako. Mabuti nalang ay nahawakan ko ang tiyan ko para protektahan ang anak ko.
Noong tumayo ako, nakarinig ako ng isang malakas na busina. Parang namanhid ang buong katawan ko. Alam kong nakahiga na ako sa kalsada pero hindi ako makagalaw.
Then I saw Dan. I smile, "Dan... sabi na nga ba... babalik ka..."
"KELLY!!!!" Ito ang huling narinig ko bago ako mapapikit.
*
Naririnig kong maraming tao kung nasaan ako. Nag-uusap sila pero hindi malinaw sa'kin kung ano ang pinag-uusapan nila.
Hindi ko pa maidilat ang mga mata ko. Nasaan ba ako?
Teka...
Naaksidente ako?
Sinubukan kong igalaw ang kamay ko para sana hawakan ang baby bump ko. Hindi ko iyon magawa dahil sa kamay na nakahawak sa'kin. Si Dan ba ito? Ang sakit din ng ulo ko.
Maya maya ay narinig ko ang boses ni Mama Fe. Sinubukan kong magsalita pero parang hindi naman nila ako naririnig.
"....Mama...Fe..." pag-ulit ko sa pagtawag sa kanya.
"Mama! Si Kelly! She speaks! Tinatawag ka po niya," narinig kong sinabi ni Dan kasabay ng pagkawala ng kamay na nakahawak sa'kin.
Unti unti kong idinilat ang mga mata ko.
"...Mama Fe..." pagtawag ko ulit sa kanya.
"Salamat sa Diyos! Anak! Ano'ng nararamdaman mo?" Kung may lakas lang akong matawa ay tumawa na ako. Ngayon ko lang narinig kay Mama Fe ang pagbanggit niya sa Diyos.
"Ano...po'ng...nangyari?"
Nakita ko si Dan sa likuran ni Mama. Hindi siya makatingin sa'kin. Umiiyak si Mama Fe at Renren. Nandoon din sina Mommy at Daddy. Ayoko man isipin pero naglakas ng loob akong magtanong sa kanila.
"Ang baby ko?"
Parang naglaho ang lahat ng pangarap ko noong nakita ko ang mga itsura nila. Sa pamamagitan ng mga iyak nila, nasagot na nila ang tanong ko.
"Hindi... hindi... 'yong baby ko... Mama Fe... 'yong baby ko..." Bigla nalang akong nagwawala at naramdaman kong tumutulo na ang mga luha ko. Sa bawat paggalaw ko ay nararamdaman ko na sumasakit ang katawan ko pero wala iyon kumpara sa sakit na nararamdaman ko. Hindi pwedeng mawala ang anak ko! No! It can't be! This can't be happening!
"...Renren...sumagot ka! Nasaan...ang baby ko? Nag-iingat naman ako... Hindi... hindi..." Walang gustong sumagot sa tanong ko. Alam ko na ang sagot nila pero kailangan nilang sumagot!
"Kelly, huwag kang masyadong kumilos. Hindi ka pa magaling," pagpapaalala ni Mama Fe.
Hanggang sa lumapit sa'kin si Dan.
Wala akong ibang nararamdaman kung hindi sama ng loob!
"Huwag kang lalapit sa'kin!!! Nawala ang anak ko dahil sa'yo! Pinatay mo siya!"
Naki-usap si Mama Fe na lumabas muna si Dan kaya lumabas siya. Hindi ako makapaniwala na wala na ang anak ko. Iningatan ko siya ng ilang buwan. Minahal ko na siya kahit hindi ko pa nakikita. Bakit kailangan mangyari ang lahat ng ito?
All I know is that I am crying non-stop! I am not even the crying kind! But it feels like my tears will not stop!
Wala na...
Wala na ang anak ko...
Hindi ito pwede...
Baby ko...
'Yong baby ko...
Pilit akong pinapakalma ni Renren. Hindi kami nag-uusap. Hindi siya nagsasalita pero alam ko sa mga ikinikilos niya na nag-aalala siya sa'kin. Alam kong sinisiguro niya ako na normal itong nararamdaman ko. Alam kong naiintindihan niya ako.
Iyon ang kailangan ko ngayon, 'yong taong makaka-intindi sa'kin.
"Kelly, gustong pumasok ni Dan. Pwede ko ba siyang papasukin?" pagtatanong ni Renren.
"Ayaw ko siyang makita," sagot ko naman.
Narinig kong bumukas ang pinto. Siguro ay lumabas si Renren para sabihin kay Dan na ayaw ko itong makita.
Maya maya ay kusa nalang tumulo ang mga luha ko.
This can't be true.
Hindi naman ito totoo 'di ba?
Bakit kailangan pang mawala ng anak ko? Hindi ko talaga maintindihan!
Iyon ba ang kailangang maging kapalit para lang pakinggan ako ni Dan? Sana pala umalis nalang kaagad ako kagaya ng gusto niya! Sana pala iniwan ko na siya! Sana una palang, sumuko na ako! Kung naging matalino lang ako sa pagdedesisyon ko noon, sana hindi nawala ang anak ko!
Bumalik si Renren at nakita niyang umiiyak pa rin ako. Hinayaan lang ulit niya ako.
Nag-stay lang siya sa tabi ko. Hindi kami nag-uusap pero nagkakaintindihan kami.
Sana lahat ng tao kasing lawak ng pag-iisip na mayroon ang kaibigan ko.
And I saw Dan...
Nakatingin lang siya sa'kin habang nag-aabang sa labas ng room ko. Hindi ko na ulit siya kayang tingnan kagaya ng pagtingin ko sa kanya pagkatapos ng aksidente na ito. He judged us. Not just me but also my baby.
He used to be my partner. My friend. My everything.
He used to understand me.
He used to be my outlet whenever I'm stressed and whenever I hated the world. He was there when I thought no one can actually appreciate my existence except for my best friend and mum. He used to make me feel like I am the only girl he sees. He used to do everything to make me happy. He used to love me.
But he used me. He only used me.
Damn.
Is this what they called broken?
How can I possibly feel this pain if I am not even aware that I can love someone so crazy like this?
He used to do everything just to make sure he is on my side if I needed him.
He said he will love me. Always... and... All ways.
So... what happened???
BINABASA MO ANG
✓ Always, All Ways (Preview)
Romance(PUBLISHED UNDER KM&H BPF) READ THE COMPLETE CHAPTERS ON DREAME OR GRAB A COPY OF THE BOOK "Yes, cheating is a choice and he chose to do that but asking for a second chance is also a choice, right? He made that choice and I willingly accepted him." ...