HANNA'S POV
Matapos ang naging pag-uusap ni Tristan at nang mama niya ay kinausap ako ni Ma'am Tes patungkol sa pagsama kay Tristan sa bahay niya.
Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi dahil wala pa kami sa tamang...alam n'yo na. Hindi niya kasi alam na may galit si Tristan sa akin na kahit ako hindi ko alam. Dahil si Ma'am Tes na ang nakisuyo na samahan ko si Tristan para may mag-alaga at gumawa ng mga gawaing bahay ay wala na akong nagawa. Pumayag nalamang ako baka ma-disappoint ko pa si Ma'am ang laki pa naman ng utang na loob ko sa kaniya.
Agad kaming umalis pagkabukas at nagpaalam naman ako ng maayos kina Gleah at sa kasamahan ko. Dahil nga sa pumayag ako, nandito ako ngayon sa bahay ni Tristan at inaayos ang mga gamit dito. Gano'n pa rin wala kaming kibuan ni Tristan at wala naman siyang balak kausapin ako kaya nananahimik nalang ako.
Meron naman akong kwarto dito kagaya nung una kaya laban na.
Agad akong lumabas ng kwarto at ang tahimik. Parang walang tao kaya agad kong tinignan ang kwarto ni Tristan pero wala siya roon.
"Nasan kaya 'yon?"
Mukhang umalis ata siya dahil,siguro, nandito ako or what?
Dahil sa tapos ko nang gawin ang lahat, as in lahat, kaya nagpahinga nalang ako sa kwarto ko.
"Ma...Pa, tama ba 'tong ginawa kong disesyon?"
Tanong ko sa kawalan. Bigla namang nahulog 'yung frame kaya nagulat ako. Mabuti nalang hindi nabasag.
Medyo natakot ako dahil do'n kaya pumikit nalamang ako at dahan-dahang natulog.
...
10:30 na ng gabi wala paring Tristan na umuwi.
"Ano kayang nangyari ?"
Nakaramdaman naman ako ng kunting kaba baka kung napano na 'yon. Kanina pa siya wala rito at hindi pa bumabalik. Sana naman, walang nangyari sa lalaking iyon. Alam ko na may galit siya sa 'kin na hindi ko alam pero dapat hindi siya nagkakaganiyan. Siguro pagnandito si Ma'am Tes baka inatake na sa puso 'yon dahil sa pag-aalala.
Meron naman akong cellphone na bigay ni Ma'am in case of emergencies, pero wala naman kasi akong number ni Tristan. Pagnalaman 'to ni Ma'am baka mas lalong magalit sa akin si Tristan dahil siguradong pagagalitan 'yon. Malaki naman na siya siguro uuwi rin 'yon.
Hindi na ako tumawag pa at hinintay ko nalamang si Tristan na maka-uwi. Pero paghindi pa siya makakauwi hanggang magdamag tatawagan ko na talaga si Ma'am.
Ala una na nang madaling araw na may narinig akong pagbukas ng pintuan kaya agad akong lumabas para tignan. Nagbabakasakali na si Tristan.
"Mabuti naman naka-uwi kana."
Sabi ko sa kaniya at tinignan naman niya ako.
"Malamang uuwi ako dto ako nakatira."
"Kumain kana?"
"Anong bang pakialam mo?"
Pilisopo nitong tanong at umakyat na sa kwarto niya. Hindi ko na dinibdib pa ang sinabi niya at nagpasalamat nalang na naka-uwi siya. Mukhang kailangan ko na ring matulog dahil ang bigat na ng mga mata ko kakahintay sa kaniya.
...
Kahit na ala una na ako nakatulog pinilit ko paring maka bangon ng maaga para makapag-prepare ng pagkain ni Tristan dahil siguradong may pasok pa ito sa kaniyang trabaho. Agad akong tumungo sa kusina para gawin ang mga dapat gawin. Mabuti nalang at wala pa si Tristan at siguradong tulog pa ito ngayon.
BINABASA MO ANG
BRING BACK MY PRESENT
FantasyNang malagay sa bingit ng kamatayan ang kaniyang buhay, hindi niya inakalang isang lalaki ang magbabago nito. Inakala nitong normal lamang ang naging daloy ng lahat, pero sa hindi inaasahan nalaman nito ang tunay na naging dahilan kung ba't nagbago...