PRESENT 2

7 1 0
                                    


HANNA'S POV

Lumipas na ang dalawang linggo at masasabi kong maayos naman ang naging pamumuhay ko rito sa malaking mansyon ni Ma'am Tes. Hindi naman maiiwasang may mga araw na mahirap pero lumalaban lang para mabuhay.

Sa ilang linggo ko na pagtra-trabaho ko rito pakiramdam ko palaging mainit ang dugo sa akin ni Tristan. Minsan, tuwing nagkakasalubong kami para bang may nagawa akong masama. Wala naman akong karapatang mag complain, pero ayaw ko lang talaga na may galit ang isang tao sa akin na hindi ko alam ang naging dahilan. Hindi ko naman siya inaway o anuman, alam ko na nasaksihan niya rin mismo ang pagkamatay ng mama ko pero hindi naman iyon sapat na rason para iwasan at pag-initan niya ako. Gusto ko sana siyang kausapin pero baka magalit lang siya lalo. Pero kung hindi ko naman siya kakausapin baka mas lalo lang lumala.

Buong tapang akong pumunta sa may kubo na pinapamalagian ni Tristan tuwing dapit hapon habang umiinom ng mga alak. Wala naman sina Ma'am Tes dito para pagsabihan siya.

Habang papalit ako sa kaniya ay para bang mas tumatambol ang puso ko sa kaba. Natatakot ako nab aka sigawan na niya naman ako.

"S-Sir Tristan."

Sambit ko ng makalapit ako sa kaniya at dahan dahan niya naman binaling ang tingin sa akin. Tinitignan niya ako naparabang ayaw niya akong makita.

"Ba't ka nandito?"

Irita nitong tanong at agad naman na blanko ang utak ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Kung nandito kalang para bwesitin ako, umalis kana lang."

Dagdag nito at uminom ng alak.

"M-Magtatanong lang sana ako."

Mgalang na sabi ko sa kaniya at para bang mas lalo ko siyang nainis dahil sa galit ng mga mata niya kaya napayuko nalamang ako.

"B-Bakit ka galit sa 'kin?"

"Diba sabi ko umalis kanalang? ALIS!?"

Pagtataboy nito kaya agad akong umalis sa harapan niya habang pinipigilang umiyak. Biglang sumikip ang dibdib ko dahil sa malakas na pagsigaw niya. Masakit lang dahil hindi ko man lang nalaman ang dahilan.

Mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto namin ni Gleah at binuhos dun ang ang pag-iyak.

"Ma...Pa miss ko na kayo subra."

Sabi ko sa kawalan. Nagbabakasakali na marinig nina mama at papa. Walang araw na lumipas na hindi ko sila naaalala. Minsan, napapanaginipan ko sila na masaya kaming kumakain sa aming munting bahay. Masasabi kong bahala na kung mahirap basta masaya lang at samasama. Pero, malabong mangyari iyon dahil ako nalang mag-isa ngayon.

Agad kong pininusan ang mga mata ko nang marinig ko ang ingay ng kasama ko.

"Andiyan kalang pala kanina pa kita hinahanap."

Sabi nito kaya humarap ako sa kaniya ng nakangiti.

"Umiyak ka na naman?"

"H-Hindi. Wala 'to na p-puwing lang."

"Naalala mo ulit mga magulang mo?"

Biglang natong nito kaya natigilan ako.

"Naiintindihan kita Hanna, alam ko na mahirap para sa iyo 'yon pero kailangan mong magpakatatag."

Bigla naman niya akong niyakap na nakapagpagaan ng kalooban ko. Mabuti nalang talaga ang bait ni Gleah sa akin.

"Halikana, may aayusin pa tayo. Darating daw sina Ma'am Tes mamaya."

Biglang balita nito kaya bigla namang bumilog ang mga mata ko sa gulat.

"Talaga?"

"Oo."

Kaya agad kaming lumabas at tumulong sa pag-aayos ng mansyon at pagluluto. Kailangan dapat maging maayos ang mansyon para maging komportable ang amo namin.

Ilang oras lamang ay natapos naming gawin ang pag-aayos kaya naman subrang pagod kaming lahat. Nandito kami ngayon sa kusina ni Gleah para uminom ng tubig at makapagpahinga. Natigil lamang kami ng biglang umalingaw-ngaw ang boses ni Ma'am Tes sa loob ng mansyon.

"Nasa'n si Tristan!?" Sigaw nito kaya naman agad kaming sumilip na dalawa ni Gleah para makita kung ano ang mga nangyayari. Agad namang lumabas si Tristan at nakipag-usap sa kaniyang ina na medyo galit ngayon. Hindi na namin marinig dahil medyo malayo kami. Agad naman silang umakyat at sa tingin ko ay sa opisina sila mag-uusap na dalawa. Halata sa mukha ni Ma'am Tes ang disappointment at inis. Siguro nalaman niya kung ano ang ginagawa ng anak niya dito sa loob ng dalawang linggo. Walang ina naman siguro ang papayag na inom lang ng inom ang anak niya ng alak araw-araw. Kahit sinong magulang magagalit talaga.

"Mukhang galit talaga si Ma'am 'no?"

Biglang tanong ng kasama ko.

"Oo nga eh. Ngayon lang ba siya nagalit ng ganiyan?"

"Oo, ngayon ko lang siya nakitang galit kay Tristan. Noon kasi pagnandito ang anak niya ay masaya siya. Si Sir. Tristan naman ngayon ko lang nakitang naglalasing. Malimit ko lang makitang umiinom 'yan."

Bigla naman akong napaisip kung ano ang pinagdadaanan ni Tristan. Ang alam ko, nagpapakalasing ang isang tao para makalimot sa problema.

"Ano kaya ang problema ni Sir?"

Biglang tanong ni Gleah. Hindi ko siya sinagot dahil wala rin naman akong alam kung ano ang nangyayari kay Tristan. Pero bilang isang tao na tinulungan niya, nag-aalala ako para sa kaniya. 

BRING BACK MY PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon