HANNA'S POV
Matapos ang nangyari kahapon sa amin ni Tristan, hindi ko na nagawa pang umimik sa kaniya. Subrang tahimik na ng bahay at ingay na lamang ng vacuum ang maririnig. Naramdaman kong may tao sa likuran ko ngunit hindi ko na inabala ang sarili na tumingin at sa halip ay nagpatuloy nalang ako sa paglilinis.
"Uuwi ako mamaya ng seven...umm...mauna na ako."
Nakaramdam ako ng awkwardness matapos niyang sabihin iyon. Hindi ko rin alam kung ba't nag-abala pa siyang magpaalam sa 'kin. Siguro, naliwan siya matapos ang pag-uusap namin kagabi—na kahit maid lang ako rito may Karapatan parin akong mag-aalala sa kaniya bilang pagtanaw ng utang na loob.
Sa totoo lang, pwede naman niya akong hindi tulungan no'n dahil ako ang nagpumilit na hindi sumama. Pero dahil sa kaniyang mabuting kalooban ay tinulungan niya ako na mailayo roon. Kung babalikan ko ang araw na 'yon, grabe ang pagpupumilit ko na balikan ang ina ko dahil ayaw ko siyang iwan na nag-iisa. Pero dahil sa pagpigil sa akin ni Tristan, hanggang ngayon ay buhay parin ako.
Matapos kong linisin ang sala ay sinunod ko naman ang kwarto ni Tristan. Ang masasabi ko lang, subrang kalat at amoy alak ang buong sulok. Para atang nag-wild si Tristan dito kagabi dahil sa subrang kalat. Habang nililibot ko ng tingin ang buong kwarto, isang wall frame ang nakaagaw ng atensyon ko.
Isang babae at si Tristan na magkayakap at masaya.
"Girlfriend niya ata 'to."
Usal ko at dahan-dahang kinuha iyon para mas lalo kong matignan. Ang ganda ng girlfriend ni Tristan at subrang gwapo niya rito. Gwapo naman si Tristan ngayon, pero rito...subrang gwapo niya at inspired.
Malayo ngayon sa Tristan na nakikita ko. Ang sigla ng mga mata niya rito at ngiti ay hindi ko nakikita ngayon sa Tristan na nakakasalamuha ko ngayon.
Nag-break ata silang dalawa kaya palaging naglalasing si Tristan. Heartbroken ang anak ni Ma'am Tes.
Alam kaya 'to ni Ma'am Tes? Siguro, anak niya naman 'to. Lahat kasi ng bagay gustong malam ng ina natin—kung sino ang gusto natin at ba't tayo malungkot. Ganiyan kasi ang mama ko, everytime na malungkot ako gusto niya palaging malaman kung bakit para raw matulungan niya ako. Nakaka-miss lang dahil wala ng taong concern sa akin ngayon.
Kung sino man ang taong totoong concern sa atin, iyon ay ang mga magulang natin.
Binalik ko naman iyon ng maayos baka mahulog ko at magalit ng subra si Sir. Tristan sa akin. Ayaw ko ng madagdagan pa ang galit niya sa 'kin.
Agad ko ng sinimulan ang paglilinis sa kwarto at pagkatapos ay nilabhan ang mga damit. Medyo awkward sa brief na part.
...
Ala una ng hapon ay napag-isipan kung ilagay na sa labas ang garbage bag para kunin ng garbage collector. Pagkalabas ko ay may biglang itim na sasakyan ang huminto sa harapan ko.
"Dito ba nakatira si Mr. Tristan Suarez?"
"Bakit ho?"
"Dating kaibigan niya."
"Ahhh. Opo, dito po siya nakatira."
Pagkatapos ay agad na itong umalis. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ng lalaking iyon pero huli na ang lahat dahil nasabi ko na. Hindi tuloy mawala sa isip ko na baka may masama iyong balak kay Tristan o sa akin.
...
Hindi ko alam kung ba't panay ang tingin ko sa oras. Hindi naman sa sinabi ni Tristan na uuwi siya ng seven, pero hindi lang talaga ako mapakali.
Nasa kusina ako ngayon at naghahanda sa mga pagkain na niluto ko. I really tried my best na makapagluto ng masarap dahil ito ang unang tikim ni Tristan sa luto ko.
Bigla namang umalingaw-ngaw ang pagbukas ng pintuan kaya naman agad akong tumungo sa sala upang salubungin si Tristan.
"Ammm...nakapagluto ng ako ng hapunan. Nagugutom kana ba?"
Tumango naman ito bilang sagot sa tanong ko. Ibinaba niya ang kaniyang maliit na bag at agad na tumungo sa kusina.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang excitement ko at saya. Siguro, dahil ito ang unang beses na kumain ni Tristan na nandito ako.
Umupo ito at naghain ng pagkain, ako naman ay nakatingin sa kaniya ng nakangiti. Masaya ako dahil pakiramdam ko magiging mabait na sa akin si Tristan.
"Eat with me."
Alok nito at hindi na ako umayaw pa at nagpasalamat nalang. Masaya ako dahil sabay kaming kumain na dalawa. Tahimik kaming dalawa na kumain at walang imikan. Ok na sa akin iyon, kesa naman na umuwi siya ng lasing.
"Salamat sa pagkain, Hanna. Masarap."
Biglang sabi nito matapos kaming kumain na dalawa. Hindi naman maalis sa mukha ko ang ngiti ng marinig ko iyon galing sa kaniya. Agad itong umakyat at pumasok sa kaniya kwarto. Ako naman ay hindi mapigilang hindi mapangiti dahil sa sinabi niya.
"Salamat at na-appreciate niya ang luto ko."
...
Dumaan na ang ilang oras at hindi parin ako makatulog. Umalis ako sa higaan at tumungo sa kusina para uminom ng tubig.
"Ba't hindi kapa natutulog?"
Nagulat naman ako at muntikan ng mabilaukan dahil sa biglang pagsulpot ni Tristan.
"H-Hindi kasi ako makatulog."
"Uminom ka ng gatas."
"H'wag na. Ok na ang tubig."
"Ito nalang gatas ko ang inom mo."
Para naman siyang natigil matapos niya iyong sabihin.
"D-Drink this. Para makatulog ka."
At inabutan niya ako ng isang tasa ng may lamang gatas.
"Sa-Salamat."
Pagkatapos kong abutin iyon ay umupo ako para inumin iyon. Tinignan ko si Tristan at parang nagtitimpla ulit ito pero hindi gatas kundi kape na. May gagawin pa ata itong trabaho niya.
Bigla namang nag-flashback sa akin yung lalaki kanina.
"Tristan—I mean Sir. Meron nga palang dumating kanina na kaibigan n'yo."
Pagbabalita ko sa kaniya,
"Sino raw?"
"Hindi po nagpakilala. Basta kanina, paglabas ko may lalaki at nagtanung kung dito ka ba raw nakatira,"
"Ano namang sagot mo?"
"A-Ano...oo."
"Sa susunod kung merong magtatanong sa'yo patungkol sa 'kin tanungin mo ang pangalan."
"S-Sige po."
Medyo napahiya naman ako ro'n, hindi ko kasi na tanong ang pangalan eh. Dapat sa susunod pag may taong pupunta rito tatanungin ko na ang pangalan.
Pa'no kung kalaban niya 'yon?
"Ano ba ang itsura?"
"Maputi, matangos ang ilong, red lips tapos gwapo po."
"Gwapo?"
"Opo."
"Wala akong kaibigan na gwapo."
Pagkasabi niya no'n ay agad din itong umalis at bumalik ata sa kaniyang kwarto. May gagawin pa ata iyo kaya umalis. Dibali na, basta naka-usap ko siya ng hindi ako sinisigawan. At isa pa, pinagtimpla niya ako ng gatas niya.
Matapos kong maubos ang ininum ko ay agad nading akong pumasok ng kwarto at humiga. Bakas parin sa mukha ko ang saya dahil sa simpleng usapan namin ni Tristan. Pakiramdam ko, ito na ata ang daan para hindi na siya magalit sa akin. At sana, magtuloy-tuloy na gano'ng mood ni Tristan. Ang pangit siya kasi paggalit.
Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko at mahimbing na natulog.
...
SORRY FOR THE TYPO. ERRORS AND GRAMMARS. THANK YOU FOR UNDERSTANDING.
BINABASA MO ANG
BRING BACK MY PRESENT
FantasyNang malagay sa bingit ng kamatayan ang kaniyang buhay, hindi niya inakalang isang lalaki ang magbabago nito. Inakala nitong normal lamang ang naging daloy ng lahat, pero sa hindi inaasahan nalaman nito ang tunay na naging dahilan kung ba't nagbago...