HANNA'S POV
Sabado ngayon at mukhang walang trabaho si Tristan dahil hindi naman siya umalis ng bahay. Nasa kusina lang siya habang ginagamit ang laptop niya.
Mabuti nalang at hindi gaya ng dati si Tristan, yung uuwi ng lasing tapos ang init ng ulo sa akin. Malaki talaga ang pasasalamat ko na nagbago na si Tristan at mas naging mabait na siya sa akin. Hindi kasi gaya no'n, tuwing may gusto akong sabihin para bang babalutin ng kaba ang katawan ko bago ako makapagsalita; ngayon kasi ang bait na niya at nakakausap ko na.
Habang naglilinis ako sa sala ay bigla namang dumaan si Tristan at mabilis na lumabas ng bahay. Hindi ko alam pero parang ang init ng ulo niya ngayon, siguro dahil sa trabaho niya. Pumunta naman ako sa kusina ng matapos kong linisin ang sala. Humigop ako ng malamig na tubig para naman maibsan ang uhaw ko.
"Ba't ba galit ka parin sa 'kin hanggang ngayon?"
"Sa tingin mo hindi ko parin nalilimutan 'yong ginawa mo sa 'kin?"
Nabigla naman ako ng biglang umalingaw-ngaw ang boses ni Tristan at mukha talaga itong galit. Halata sa mukha ni Tristan ang pagkainis ng pumasok ito ng kusina.
"Come on Tristan, matagal na 'yon."
Biglang sabi nung kasama ni Tristan at mukhang pamilyar ang boses ng lalaking 'yon. Nagulat nalamang ako ng biglang pumasok ang lalaki na 'yon sa kusina. Pakiramdam ko parang bumilog ang mga mata ko ng makita ko siya.
"Oh, Hi Ms. Beautiful."
"Ikaw!?"
Gulat na tanong ko ng makita ang lalaking subrang hangin. Hindi ko alam pero parang nabalot din ako ng inis ng makita ko ang pagmumukha niya. Wala paring pinagbago—mukha paring mahangin.
"Magkakilala kayo?"
Biglang tanong ni Tristan kaya naman napalingon ako sa kaniya.
"Oo, Sir. Tristan. Siya yung sinasabi ko sa 'yo."
Sagot ko sa kaniya at inis na tinignan ang lalaking kaharap ko.
"Ba't kaba bumalik Jay-ar?"
Biglang tanong ni Tristan sa kaniya. So, Jay-ar pala ang ang pangalan ng mahangin na'to.
"Bumalik ako para ibalita sa'yo na..."
"What!?"
Irita na tanong ni Tristan sa kaniya dahil sa pambibitin nito.
"Ikakasal na siya."
Biglang sabi ni Jay-ar at para namang nagulat si Tristan.
"Pa-paano mo nalaman?"
Tanong ni Tristan kay Jay-ar at halata sa boses nito na nasasaktan ito.
"Nakita ko siya kasama yung fiancé niya."
Sagot nito.
"No. Hindi 'yan totoo, ilang linggo palang bago kami naghiwalay. Hindi niya magagawa sa'kin iyon."
Sabi nito at naupo, para bang nawalan ito ng lakas dahil sa mga nalaman niya. Siguro ang tinutukoy ni Jay-ar ay yung babaeng kasama ni Tristan sa litrato. Hindi ko alam pero parang nasasaktan ako para kay Tristan. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa.
"Sana nga hindi."
Sabi ni Jay-ar at inis na tinignan ito ni Tristan.
"F**k you ka Jay-ar! Alam kong hindi niya magagawa sa 'kin iyon. Alam kong may gusto ka rin sa kaniya kaya ginagawa mo 'to."
Sigaw ni Tristan sa kaniya na ikinagulat ni Jay-ar.
"Tristan, alam mong wala akong gusto sa kaniya."
Dipensa nito.
"Umalis ka. Umalis kana!"
Inis na sigaw ni Tristan, wala ng nagawa si Jay-ar at mabilis din itong umalis. Para naman akong nabingi dahil sa sigaw ni Tristan.
Kahit na nakaalis na si Jay-ar ay halata parin sa mukha at pagkuyom ng kamao ni Tristan na inis parin siya sa mga nalaman nito.
Hindi ko rin alam kung nagsasabi rin ba ng totoo ang lalaking 'yon kay Tristan.
Walang anu-ano ay binitbit ni Tristan ang kaniyang laptop at mabilis na bumalik sa kaniyang kwarto. Hindi naman ako makapaniwala sa mga nasaksihan ko ngayon.
Sino ka ba talaga Jay-ar?
...
Matapos ang mainit na sagutan nina Tristan ay hanggang ngayon hindi parin ito lumalabas ng kaniyang kwarto. Hindi rin ito bumaba para mananghalian kaya naisipan ko nalang na dalhan siya ng pagkain sa kwarto niya.
"Sir. Tristan?"
Tawag ko at kumatok. Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya kaya binuksan ko nalamang ang pinto. Nakita ko itong babad sa kaniyang laptop at parang may tinitignan.
"S-Sir? Kumain na po kayo."
Tawag ko sa kaniya pero hindi nito ako sinagot. Nilagay ko nalang sa mesa niya at dahan-dahang umalis ng kwarto.
Siguro affected parin siya sa mga sinabi ng lalaking iyon kanina. Baka siguro ikakasal talaga iyong babaeng tinutukoy nilang dalawa.
Hindi ko naman maintindihan kung ba't ako nasasaktan ngayon. Siguro, nasasaktan lang ako para kay Tristan kung totoo man 'yon.
...
Lumipas ang hapunan hindi parin lumalabas ng kaniyang kwarto niya si Tristan. Hindi ko naman magawang puntahan siya sa kwarto niya dahil baka may ginagawa. Siguro kinukomperma niya kung totoo ba iyong sinabi ni Jay-ar kanina.
Naghintay pa ako ng ilang oras kung kakain paba si Tristan pero sumapit nalang ang 9 hindi parin siya bumababa.
"Hindi na siguro 'yon kakain."
Sabi ko at pumasok nalamang sa kwarto ko at nahiga.
Kung aalahanin ko ang naging reaksyon ni Tristan kanina nung marinig niya iyon, grabe ang gulat ito at para bang hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. Hindi ko naman siya masisi kung ba't siya nainis ng gano'n kay Jay-ar. Hindi lang talaga siya siguro makapaniwala sa mga sinabi nung lalaking 'yon.
Bago ako natulog ay pinagdasal ko muna si Tristan na sana maging ok siya. Pagkatapos ay humiga na ako sa kama.
"Ba't ba ako nababagabag ng ganito?"
Biglang tanong ko sa sarili.
Isa lang naman akong kasambahay ni Tristan dito na tinulungan niya ng muntikan ng mamatay, pero hindi ko dapat ilagay ang sarili ko na makisali at mabagabag sa kaniyang buhay.
"Ay ano ba 'tong naiisip ko."
Para naman akong mababaliw kakaisip kung ano na ang nangyayari kay Tristan ngayon, pakiramdam ko may hindi mangyayaring maganda.
Pinilit ko nalang ang sarili ko na makatulog para maaga akong magising bukas. Marami pa naman akong gagawin.
...
SORRY FOR THE TYPO. ERRORS AND GRAMMARS. THANK YOU FOR UNDERSTANDING.
BINABASA MO ANG
BRING BACK MY PRESENT
FantasyNang malagay sa bingit ng kamatayan ang kaniyang buhay, hindi niya inakalang isang lalaki ang magbabago nito. Inakala nitong normal lamang ang naging daloy ng lahat, pero sa hindi inaasahan nalaman nito ang tunay na naging dahilan kung ba't nagbago...