PRESENT 5

4 0 0
                                    

HANNA'S POV

Nang magising ako ay agad akong nagsaing ng kanin at nagluto ng makakain para sa almusal ni Tristan. Hindi ko parin makalimutan ang nangyari kagabi sa kunting usapan namin. Sa tuwing naaalala ko iyon ay bigla akong napapangiti. Hindi iyon maliit na bagay lamang—kundi malaking bagay na iyon sa akin. Sa ilang linggo na pamamalagi at nakakasama ko si Tristan—ang taong nagligtas sa akin—ay ngayon ko lamang siya naka-usap ng gano'n.

Binuksan ko ang ref at ipinasok do'n ang isang pitsel ng tubig para palamigin. Pagkatapos kong mailagay iyon ay paglingon ko pabalik ay si Tristan ang bumulaga sa akin.

"I-Iinum ka?"

'Di ko alam kung ba't bigla akong kinabahan ng makita ko siya. Hindi ko alam kung ba't ang lakas ng dating ni Tristan ngayon. Nakapang-puti na sando at boxers lang pero parang ang subrang gwapo niya ngayon. Kailangan ba talaga ganiyan maka tingin pag bagong gising?

Bigla naman itong naglakad papunta sa akin at ako naman hindi maka galaw dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nang makalapit ito ay bigla siyang huminto.

"Excuse."

Sabi nito kaya nagbigay daan ako, binuksan nito ang ref at kumuha ng isang apple. Nasa likuran ko nga pala ang ref, pero hindi ko lang alam kung para saan ang mga titig na 'yon. Para bang seryoso pero nakakakilig.

"Ah, Sir. Tristan,"

Tawag ko at agad naman itong napatingin sa akin.

"Why?"

"Pag bumalik po 'yong lalaki kahapon, 'yon pong sinabi ko kagabi, ano pong gagawin ko kung sakali?"

"Yung sabi mong gwapo?"

"O-Opo."

"Sabihin mo h'wag na siyang bumalik."

"Pe-Pero po kung bumalik ulit."

"Tanungin mo ang pangalan. Tapos sa bihin mo, 'Hoy gwapo h'wag kanang babalik dito ha baka magalit amo ko' 'yon ang sasabihin mo."

"S-Sige po."

Pagkatapos ay agad din siyang bumalik sa kwarto niya habang dala ang apple na kinuha niya sa ref.

Hindi ko alam kung bakit parang medyo pilosopo pagkakasabi ni Tristan, pero hindi ko na iyon binahala pa at pinagpatuloy ko nalang ang mga ginagawa ko.

...

"Hanna, ma tanong ko lang, may relatives kaba rito?"

Natigil naman ako sa pagkain ng biglang pagtanong ni Tristan sa akin.

"Wala, hindi ko alam kong may relatives pa sina mama at papa rito. Ni isang beses kasi walang pinakilala si Mama at Papa sa akin. Basta ang alam ko lang tinakwil silang dalawa ng lolo't lola ko."

"Ba't naman daw tinakwil?"

"Ayaw kasi ng mga magulang ni mama kay papa dahil..."

"Dahil?"

"Dahil mapapahamak lang daw kami."

Matapos iyon ay hindi na niya ako tinanong pa at tinapos nalang naming dalawa ang almusal. 'Di rin nagtagal ay nagpaalam si Tristan na papasok na siya sa kaniyang trabaho.

Matapos kong gawin ang mga gawaing bahay ay nagpahinga muna ako sa sala.

"Kung hindi ko kaya iyon ginawa, ganito parin ba kaya ang naging sitwasyon ng buhay ko?"

Tanong ko sa sarili ko ng maalala ang mga bagay bagay sa nakaraan ko. Hindi kami mayaman na pamilya, simple lang ang pamumuhay namin. Tapos biglang lumabo ang relasyon nilang dalawa at naghiwalay. Ayaw nadin ni Mama kay Papa pero ng dahil pinilit ko silang dalawa nag bago ang lahat. Nagkabalikan sila at iyon din nalaman ko kung ano ang trabaho ni Papa at bakit ayaw na ni mama sa kaniya. Pero ng dahil sa pagpilit ko at paghadlang sa tadhana nag bago ang lahat. Nagtalo ulit sila at sa panahong iyon nangyari ang bagay na hindi ko inaasahan.

BRING BACK MY PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon