HANNA'S POV
Napaka unfair naman ng tadhana, ba't niya pa kailangang ilayo ang mga taong mahalaga sa 'kin. Naging mabait naman akong anak. Hindi ko naman sinusuway ang mga magulang ko. Diba sabi panga sa commandments "Honor thy father and mother" ginawa ko naman. Minahal ko sila ng subra at sila lang ang taong nagmahal sa akin ng subra-subra. Pero, ba't kailangan pang kunin kaagad sa akin!
"Mamaaaaa!" I yelled with pain. Hindi ko maiwasang maluha dahil dito mismo sa lugar na 'to binaril ang mama ko. Dito mismo sa lugar na 'to nawalan ako ng ina. At ngayon, wala na ang katawan niya at dugo nalang ang nag iwan ng bakas. Wala akong pakialam sa iilang dumadaan at nagsisitingin sa akin. Dahil wala akong nararamdamang hiya ngayon kundi sakit at puot.
Sana manlang makita ko ang katawan ng mama ko para manlang mayakap ko siya kahit sa huling sandali.
"Hija, ok kalang ba?" Biglang lapit sa akin ng isang babae at kinalabit ako.
"O-Ok? Ok po bang mamatayan ng ina!?" Hindi ko maipigilang magtaas ng boses dahil sa sakit. Alam kong nagulat ang babae sa pagtaas ng boses ko kaya umalis din agad ito.
"M-Ma, hindi ko man alam kung ano ang mangyayari sa buhay ko...pero, gaya ng sinabi n'yo mabubuhay ako at magiging masaya, kahit mahirap." I burst into tears. Para bang ang nadagan ang dibdib ko ng subrang bigat dahil hindi ako makahinga at ang sakit ng lalamunan ko. Gusto kong sumigaw pero subrang hina ko na—naubos na kakaiyak ko.
Ilang minuto ang nakalipas ay napag-isipan ko nang bumalik sa bahay ng tumulong sa akin.
Mabuti nalang nang mangyari ang pamamaril dumating siya kung hindi dahil sa kanya'y siguro wala na ako. Pero sana wala nalang siya ng mangyari 'yon para sabay na kami ni Mama.
...
Nang makarating ako sa bahay ay kumuha ako ng tubig sa gripo dahil nakakahiya naman kung sa ref eh tinulungan nanga ako nung tao.
Pumasok ako sa loob ng kwarto na pinahiram sa akin at humiga. Wala akong ibang maisip para mawala 'tong sakit na nararamdaman ko. Gustuhin ko mang magpatiwakal pero sabi ni mama sa akin na kailangan kong mabuhay. For what?
Wala na sila ni Papa ta's wala pa akong mga kakilala dito sa amin na pwedeng kumupkop sa 'kin. Ang hirap ng ganito. Ang hirap maging mahirap ta's wala kapang magulang.
"Ba't kaya nangyari 'yon?" Tanong ko sa kawalan habang pinipigilan ang mga luhang tumutulo. "Ba't pa nila kailangang mawala?" At humagulgol ako ng iyak. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko habang humahagulgol sa sakit at awa sa sarili.
Nakakaaawa ka self. Napakamalas.
...
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa narinig ko na katok.
"Baka naka uwi na siya?" Usal ko at agad na lumas ng kwarto at binuksan ang pintuan.
"Anak ba't—" Hindi na naituloy ng babae ang sasabihin niya ng makita niya ako pagkatapos kong buksan ang pintuan. Akala ko siya pero ibang tao ang sumalubong sa akin.
"Sino ka?" Nagtatakang tanong nito sa akin.
"P-Pasok po muna kayo." Alok ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kaba.
"Nasaan ang anak ko?" Tanong nito sa akin habang nakatingin sa akin kaya agad akong yumuko.
"May pinuntahan po." Magalang na sagot ko.
"Umupo ka hija," Utos nito kaya agad naman akong umupo baka pagalitan ako. "Sino ka?" Tanong nito.
Napalunok muna ako bago sumagot. Nakakahiya.
BINABASA MO ANG
BRING BACK MY PRESENT
FantasiaNang malagay sa bingit ng kamatayan ang kaniyang buhay, hindi niya inakalang isang lalaki ang magbabago nito. Inakala nitong normal lamang ang naging daloy ng lahat, pero sa hindi inaasahan nalaman nito ang tunay na naging dahilan kung ba't nagbago...