Today, our class is only half-day. Sinamahan ako nina Lucas, Marco at Shane sa panonood ng baseball game.
I wonder why the student council president is here with us.
"Eeeeh? Bakit ka naman nakatitig sakin ng ganyan, Tristan? For your information, hindi ako mahuhulog sayo dahil may boyfriend na ako." sabi ni Shane.
"At wala rin naman akong ganyang intensiyon sayo. Nagtataka lang ako kung bakit ka nandito."
She's acting cute in front of us and suddenly grabbed Lucas' arms. "Sinamahan ko lang naman ang boyfriend ko dito. Ehe."
Parang biglang tumigil sa paggana ang utak ko. Itong si Marco parang naduduwal pa.
"Kayo? Kayong dalawa?!" Sigaw ni Marco sa kanila. "Lucas! Halos araw-araw tayong magkasama di mo man lang sinabi sakin yan?" Nagsimula na siyang magdrama. "Nangako tayong sabay tayong magkaka-lovelife di ba? Isa kang taksil!"
Lukas sighed. "Kaya ko nga hindi sinabi eh. Hay."
"Huwag mo akong kausapin, taksil!" At lumipat si Marco sa tabi ko.
"Oy, Tristan, bakit ba kasi tayo nandito?"Tanong ni Shane.
"Tamad akong umuwi kaya pinagbigyan ko na si Aelia na manood ng game nila."
"Aaah. Yung manager?" She smiled and gave me a teasing look. "Girlfriend mo?"
I kept quiet.
Lucas butted in. "Hayaan mo na siya. Mamaya magagalit na naman yan. Hahaha. Siyanga pala, Tristan, hindi na ba talaga maglalaro si Aelia?"
"Yun ang sabi niya sakin. Bakit?"
"Hmm.. nagtaka lang kasi ako. Noong isang araw nakita ko siyang nag-jogging sa park tapos kahapon nasa batting center naman siya."
"Ah. Hindi lang talaga mawala sa kanya yung pagkagusto niya sa baseball. Minsan, hindi siya nakokontento na nakikita niya lang ang laro. Sa tingin ko nga, gusto niya pa ring maglaro sa field."
"Yet she dislocated her shoulders." Sabi naman ni Marco. "Mula palang elementary naglalaro na siya ng baseball eh. Ganun talaga siguro kapag mahal mo yung ginagawa mo."
He turned to me. "Ikaw, Tristan? Wala kang planong sumali sa isang sport sa school? Ba't di ka nalang sumali ulit sa track and field?"
Bakit nga ba? "Hindi ko alam. Parang...wala akong gana eh."
"So...hindi mo alam kung anong gusto mong gawin?" Shane asked.
"Ewan." I whispered and took a glance at Aelia who's seriously focusing on the game and doing her best with her work.
YOU ARE READING
My Little Sun
RandomThere are many stars in our galaxy but there is only one sun! (The Sun is my Favorite Star, Frank Asch) Yes, I've seen a lot of stars but she's the prettiest and shines the brightest whenever she smiles. (Tristan Ramos) PS. This story is already co...