"Anak, gising na. 5:30 na, maliligo ka pa ha. Ang bagal mo pa naman kumilos." binuksan ni Mommy yung ilaw ng kwarto ko tapos tinapik ako sa mukha.
I grunted. Nakakatamad naman pumasok sa school. Pero syempre kailangan dahil sabi ni Mommy wala daw ako matututunan kung nasa bahay lang ako. Ayoko naman maghome study, gusto ko rin naman magkafriends kaya ayun. School.
"Anak, gising na." ulit ni Mommy. Naramdaman ko na umupo sya sa gilid ng kama ko tapos. Niyugyog nya ako dahilan para bumangon na ako.
"Gising na. Gising na." sabi ko sa kanya habang nagkukusot ng mata. Tumayo si Mommy sa kama tapos pumunta na sa may pintuan.
"After mong maligo, pumunta ka na sa baba para mag breakfast ha?" sabi nya tapos lumabas na.
Tumayo na ako sa kama ko tapos dumiretso na ng banyo. Nagtoothbrush, naligo at nagbihis na ako ng uniform. Nung lumabas na ako ng kwarto pumunta ako sa may salamin at nagtuyo ng buhok. After nun lumabas na ako para magalmusal.
Pagkababa ko ng hagdan kita ko si Mommy, Daddy at si Danii na nasa lamesa na. Si Mommy naglalagay ng kanina sa bawat plato, si Daddy sumisipsio sa kape nya ng hindi tinatanggal ang tingin sa dyaryo habang si Danii naman ay may ginagawang kung ano sa kanyang tablet.
"Good morning." bati ko sa kanila nung makalapit na ako sa lamesa.
"Good morning din anak. Kain na." sabi ni Daddy. Umupo na ako tapos naglagay ng bacon at egg sa plato ko.
"Ate, can you please pass the bacon. Thank you." sabi sa akin ng kapatid ko. Binigay ko sa kanyang yung plato ng bacon, ng makakuha na sya ibinigay nya sa akin yung plato at ibinalik ko naman sa pwesto yung plato ng bacon.
Nagkwentuhan kami ng kung ano ano at natapos din agad. Sasabay kami kay Daddy ngayon dahil maaga daw sya kailangan sa office. Nagpaalam na kay kay Mommy at sumakay na ng kotse.
Nang makarating na kami ng school nagpaalam na kami kay Daddy tapos bumaba na. Nagswipe kami ng I.D ng aking kapatid at dumiretso sa quadrangle kung saan ginaganap ang flag ceremony. Kita namin na may nakapila nang mga estudyante, pumila na kami ni Danii. Naghintay pa kami ng kaunting minuto bago pa mag start ang flag ceremony. Sinimulan iyon ng prayer, sinundan ng pagkanta ng national anthem tapos mga pledge at hymn tapos energizer na. After nun pinaakyat na kami. Medyo nagtagal yung pagkarating sa floor namin which is 4th floor dahil may policy kami na kailangan sundin. Ang Keep Right Policy.
"Bye Ate!" paalam sakin ni Danii bago kumaripas ng takbo papunta ng kanyang room. Mas una kasi yung room ko kesa sa room nya kaya ayun. Nang makapasok na ako ng room namin may iilan ng tao na nandun.
"Good morning Bela!" bati sa akin ni Elleyn na pinakamaaga laging nadating sa school.
Nag good morning din ako tapos pumunta na sa upuan ko which is katabi ng bintana. Ang room namin ay medyo malaki para sa 38 students. Mayroon itong isang malaking bintana sa right side kung saan kita ang HRM building, Students Lane at Quadrangle. Meron ding isang flat screen TV na nakadikit sa may dingding, ginagamit ito para sa mga presentation at discussion ng mga teachers. Mayroon ding isang mahabang glass board sa unahan. Maaga pa kaya napagdesisyunan ko na magbasa ng libro habang wala pang 7.
Nagsidatingan na lahat ng mga kaklase ko ay wala parin ang aming Science teacher na si Ma'am Cabañueros. Imposible namang late yun dahil maaga lagi syang dumarating. Minsan nga 6:30 pa lang andito na yun. Natahimik kami ng biglang pumasok si Ma'am Guico sa aming room. Si Ma'am Guico ay ang aming Assistant Principal. Strict din sya.
"Good morning... G10 Mimaropa?" iniangat ni Ma'am ang tingin nya na galing sa papel na hawak nya.
Tumango naman kami bilang sagot. Ibinalik ni Ma'am ang tingin sa papel na kanyang hawak tapos tinignan kami ulit.