Chapter 4

1 0 0
                                    

7:30 na ako nagising kahit 6 daw dapat nasa school na. Ewan ko ba kay Ma'am. Wala naman kaming gagawin sa Intrams kundi tumambay at manood ng laro. Hindi naman kasi ako kasali sa mga ball games at kung anong contest. Nagtext din sa akin si JD kagabi na 8am ang kitaan sa 7/11 na katabi lang ng school namin para sabay na raw kami papasok sa school at kumuhang Intrams shirt.

Nagtutuyo ako ng buhok. Bati na kami Duane, tumawag kasi sya sa akin kanina ng mga 1:30 nagsorry sya dahil hindi daw sya nakapagreply sa mga texts ko. Sobra daw kasi syang nagtampo eh. Nagsorry din ako dahil mas inuna ko si Keith kesa sa kanya. Nag okay na lang sya tapos nagusapa kami hanggang 2:45. After kong magtuyo ng buhok. Pumunta ako sa closet ko at kumuha ng isang pair ng jeans at ang aking P.E shirt tapos sinuot ko ito. Bumaba na ako para kumain ng breakfast.

"Danii?" tawag ko kay Danii. Sumilip ako sa kwarto nya pero nakita kong wala na sya. Bumaba ako sa hagdan at pumunta ng kusina.

"Umalis na kanina pang mga 6am. Bakit ngangayon ka magaalmusal?" tanong ni Daddy sa akin ng makapunta ako sa kusina. Nakaupo sya dun habang nagkakape.

"Hi Dad. Pwede naman po kahit anong oras pumunta sa school eh. Intrams naman po tsaka hindi naman po ako kasali sa mga ball games eh." sagot ko kay Daddy tapos pumunta sa ref at kinuha ang carton ng milk at nagsalin sa baso.

"Why are you still here? Don't you have something to do at the office? and where is Mommy?" tanong ko kay Dad tapos umupo katapat nya. Nasa harap sya ng laptop ngayon. Kumuha ako ng banana doon sa may fruit basket na nasa gitna ng dining table.

"Tapos nanaman ang mga paper works ko sa office. Mamaya na lang ako pupunta doon ng mga 1:30 for the meeting. Your Mom is out with her friends, shopping." sabi nya tapos uminom ng juice.

Tumango naman ako. Inubos ko na yung banana at ininom ko na ang gatas ko. Tumayo na ako at nagpaalam kay Dad na aalis na ako. Tumango naman sya at sinabing mag ingat ako.

"Kuya Joseph, tara na? Sa 7/11 na lang ha? Dun ko po kasi imemeet ang mga kaibigan ko." sabi ko kay Kuya Joseph tapos sumakay na ng kotse.

Nagtext sa akin si Sesa, tinatanong kung nasaan na daw ako. Nireplayan ko naman sya na papunta na tapos binulsa ko ang phone ko.

Nakarating naman kami agad ng 7/11. Nagbabye ako kay Kuya Joseph tapos bumaba na ng kotse. Pumasok ako sa 7/11 at nakita ko na nasa isa silang lamesa sa tabi. Ako na lang pala ang hinihintay. Tinignan ko ang relo ko. 8:15 na pala.

"Sorry. Medyo na late." sabi ko sa kanila tapos ngumiti at nag peace sign.

"Ayos laaang. Tara na sa loob?" sabi ni Maika tapos tumayo at lumabas na ng 7/11. Sumunod naman kaming lahat. Nag swipe kami ng I.D tapos dumiretso na ng Languages Department para kumuha ng Intrams shirt.

Nung nasa 2nd floor kami kung saan located ang mga faculty room pumunta kami sa Languages Department . Nakita namin nandun si Ma'am Punzalan.

"Ma'am." sabi ni Maika ng mahina "kukunin po namin yung Intrams shirt?" sabi nya.

Iniangat naman ni Ma'am ang tingin nya samin. "Ah! Oo. Pirma muna kayo dito tapos kunin nyo na lang dito sa box." tinuro ni Ma'am yung box na nasa tabi nya gamit ang ballpen na kanyang hawak.

Pumirma naman kaming lahat tapos kinuha ang shirt sa box. Nagpaalam kami kay Ma'am tapos dumiretso na ng cr para magpalit sa Intrams shirt.

"Parang ang sikip nung akin." sabi ko ng makalabas ng cr. Nandun na ang boys sa labas at hinihintay kami.

"Hindi naman. Sakto lang naman sa'yo." sabi ni Maika tapos hinawakan ang laylayan ng shirt ko.

"Oo nga." pagsangayon ni Sesa.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon