"Pasia for three points!" sigaw nung announcer na nasa tabi lang namin.Nandito kami ngayon sa gymnasium. Nasa may pwesto kami kung nasaan ang mga players ng G10 or Fourth year. Pinapanood namin maglaro ang boyfriend ni Kaycee na si Vincent. Kanya kanya nga kaming cheer dito. Yung ibang fourth year nasa may bleachers. Ang kalaban namin ay ang Second year.
"Go Pasia!" cheer ni Sesa at ni Kaycee. We like to call him Pasia kesa sa Vincent. Haha
"Hernandez steals the ball from De Guzman and...boom! 2 points for the Second year!" sabi nung announcer.
PRRRRRT. Pumito ang coach at parang nagsignal na tapos na ang game.
Lumapit sa amin ang mga players. Binigyan naman ni Kaycee si Pasia ng tubig. Binigyan din ng mga kaibigan ko yung ibang players, bingiyan ko naman si Bruce ng tubig. Nagthankyou sya tapos ininom nya iyon.
"Kapagod." sabi ni Patrick na isa sa mga players.
"Atleast nanalo tayo diba? Worth it naman yung pagod natin." sabi ni Bruce na katabi ko lang. Nakakahiya ngang tumabi kay Pasia at Bruce eh. Ang tangkad kasi. Nagthumbs up si Pasia kay Bruce habang umiinom. Pinapahidan naman ni Kaycee ng pawis si Pasia sa noo habang nakatingkayad. Medyo maliit kasi si Kaycee. Lampas balikat ni Pasia. Haha
"May dala ka bang pagkain?" tanong ni Pasia kay Kaycee.
"Huh? Wala. Bakit? Nagugutom ka ba?" tanong ni Kaycee. Tumango naman si Pasia tapos hinila si Kaycee. Susunod sana kaming magkabarkada pero biglang sumenyas si Pasia na wag sumunod. "Canteen lang kami!" sigaw nya sa amin.
"Ano? Saan tayo ngayon?" tanong ni Rafael sa amin.
"Uli na lang tayo ng campus." sabi ni Sesa. Tumango naman kaming lahat.
"Bela!" Narinig kong may tumatawag sa akin galing sa likod. Lumingon ako at nakita ko si Joshua na palapit sa akin. Isa din 'to sa mga kaibigan ko. Kaibigan din sya ni Duane.
"Hi." kumaway ako sa kanya at ngumiti. Nang makalapit sya sa akin nagbeso kami at nagyakapan. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko sina Krisha na iniintay ako. Sinensyasan ko sila na hahanapin ko na lang sila. Tumango naman sila at umalis na.
"Kaloka ka girl. Hirap tumakbo." sabi nya ng bumitaw sa yakap.
"Bakit ba? May importante ka ba na sasabihin sa akin kaya ka tumatakbo?" tanong ko sa kanya.
"Hinahanap ka kasi ng boyfriend mo. Kaloka kayong dalawa. Di ata uso ang cellphone dun eh! Di man lang ba magtext na lang para magkitaan na lang kayo imbes na mag Dora the Explorer ako!" sabi ni Joshua habang winagayway ang kanyang mga kamay sa ere.
Napatawa naman ako sa kanya. Nakita ko si Duane na naglalakad palapit sa amin. Nginitian ko sya at nginitian din naman nya ako.
"Oh. Ayan na pala eh." sabi ni Joshua tapos inirapan si Duane. Tumawa naman si Duane at inakbayan na lang si Josh. Sinamaan ng tingin ni Josh si Duane.
"Let go of me. Pagkatapos mo pahanapin sa akin ang girlfriend mo na pauli uli ng campus!" inirapan ni Josh si Duane.
"Sorry na naman Baby Josh. Alam mo naman na love kita eh." sabi ni Duane kay Josh. I cocked my head sidewards at itinaas ang dalawa kong kilay. Napatingin naman sa akin si Duane.
"Akala ko ako ang love mo? Okay." sabi ko tapos ngumuti. Napatingin naman din sa akin si Josh. Tinanggal ni Duane ang pagkakaakbay kay Josh tapos lumapit sa akin. Nag 'hmp!' na lang si Josh tapos umalis na.
"Eto naman. Selos agad. Tara na nga hanapin natin ang kaibigan mo!" sabi ni Duane tapos inakbayan ako. Inirapan ko lang sya tapos naglakad. Hinanap namin ang mga kaibigan ko. Nagpunta kami ng canteen pero ang nakita ko lang doon ay si Pasia at Kaycee na nagsusubuan ng chichirya.
"Oh. Ayan pala sina Pasia eh. Tara doon!" sabi ni Duane at akmang hihilahin ako pero hinila ko sya pabalik.
"Wag. Kailangan nila ng alone time. Kaya nga humiwalay silang dalawa sa amin kanina pagkatapos ng laro ni Pasia eh." sabi ko tapos hinila sya. Hinalikan naman nya ako sa pisngi.
Tinignan ko naman sya ng nakakunot ang noo. Ngumiti lang sya sa akin.
Nakita naman namin sina Krisha sa may student lane na para tinutukso nanaman si Maika at Keith. Lumapit kaming dalawa doon at umupo sa may bench kung nasaan sila nakapwesto. Paikot yung bench eh tapos sa gitna may puno.
"Kayo ha. Ngangayon kayo dumating. May pa request request ka pa ng kanta sa DJ booth!" sabi ni JB tapos tinuro si Keith.
Ngumiti lang si Keith tapos kinamot ang batok nya. Nakangiti lang din si Maika.
Nakinig lang kami Duane sa kabarkada. Crush ko pa naman si Keith. I sighed. Nakita nya ako. Ngumiti sya sa akin tapos ngumiti din ako pabalik. Nagkulitan pa silang lahat. Magkaholding hands nga sila ni Maika eh. Sinandal ko na lang yung ulo ko sa balikat ni Duane tapos pumikit.
"Ayos ka lang?" tanong si akin ni Duane habang nilalaro ang dulo ng buhok ko. Tumango lang ako.
"Nasayo na ang lahat, minamahal kita pagkat, nasa'yo na ang lahat pati ang puso ko~" kanta nilang lahat. Yun ata yung nirequest ni Keith sa DJ booth na dedicated daw para kay Erika. Nakapikit lang ako kaya hindi ko kita yung reaction nung dalawa.
Maghapon lang nilang tinutukso sina Keith at Maika. Tapos kami ni Duane nagkwentuhan lang tungkol sa nangyari sa mga nakaraang araw. Sinabi ko din sa kanya na crush ko si Keith. Lagi ko ineemphasize yung word na crush at lagi ko sinasabi sa kanya na sya ang mahal ko at sabi ko sa kanya hindi ko hahayaan ang sarili ko na mahulog ng tuluyan kay Keith. Ngumiti naman sya knowing that.
Hinatid na nya ako sa bahay pagkatapos nung araw na yun. Pagkadating ko sa bahay naamoy ko yung aroma ng cookies. Pumunta ako sa kusina at nakita ko si Mommy na may nilalagay na cookies sa isang plato. Dalawa ang plato ng cookies doon.
"Hi Mom." bati ko sa kanya tapos hinalikan sya sa pisngi.
"Hey sweetie. Bring these to your sister upstairs. The other plate is for you." sabi nya sa akin habang inaabot ang plato ng cookies. Kinuha ko iyon tapos umakyat. Pumasok ako sa kwarto ni Danii at nakita ko syang nanonood ng MTV. Inaabangan siguro nya kung ilalabas yung music video ng Night Changes ng One Direction. Ibinaba ko yung cookies sa lamesa na katabi ng kama nya.
"Cookies daw." sabi ko.
"Thank youuuu." sabi nya tapos kumuha ng isa at binalik ang tingin sa TV.
Lumabas ako ng kwarto nya at pumunta sa kusina. Nakita ko si Mommy na nagdidilig sa may garden. Kinuha ko ang plato ng cookies at pumunta sa salas. Binuksan ko ang TV at naghanao ng magandang mapanood. Tinigil ko ang channel sa Star Movies kung saan pinalalabas ang The Covanent. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Duane kung nakauwi na sya. Nagreply naman sya agad ng 'oo'. Hindi na lang ako nagreply at binaba ang phone ko tapos nanood ulit ng TV. Bumukas ang pinto at pumasok si Daddy.
"Hi Dad." bati ko sa kanya. Tumango naman sya at tumabi sakin sa couch. Kumuha sya ng isang cookie sa plato at kinain ito.
"What're you watching?" tanong nya sa akin habang tumitingin sa TV.
"The Covanent." sabi ko. Tumango na lang sya at he stayed there for a few minutes tapos umakyat na ng kwarto.
I decided to go upstairs na lang kasi I felt like sleeping. Pagkapasok ko sa kwarto i took of my pants and changed to shorts. Humiga ako sa kama at mabilis na nakatulog.
--
Nagising ako ng mga 6:30. 3 hours na rin pala akong tulog. Bumangon ako at bumaba. Nakita ko na nasa salas si Daddy at si Danii nanonood ng cartoons. Si Mommy naman ay papunta pa lang sa salas na nay dalang bowl of grapes. Napansin ny siguro ako na nasa taas ng hagdan.
"Oh anak. Umuna na kami kumain ha? May ulam at rice dyan sa table. Kumain ka na lang, okay?" sabi nya sa akin tapos umupo. Bumaba ako ng hagdan tapos dumiretso sa kusina para kumain.
Pagkatapos kong kumain kumuha ako ng ice cream sa ref at kumain. Habang kumakain ako naglalakad ako papunta sa salas para sabayan sila sa panonood ng TV. My day always ends like this. Sa couch katabi ang parents at ang katapid ko watching something. It's either news or a movie. Nagpicture kami at inupload ko iyon sa Instagram with a caption of "Bonding." with a couple of emoji tapos shinare ko rin iyon sa Facebook at Twitter. Nilagay ko muna ang phone ko sa table sa harap namin at nanood ng TV.