Chapter 3

3 0 0
                                    

A/N
Paepal muna. Sinong nagbabasa ng Unwated Girlfriend ni vampiremims? Kaway kaway dyaan~ Grabe yung ending kaiyak. HAHAHA. Sigii. Yun lang. Hahaha

---

Mga 11 na ako nagising. Kinuha ko ang phone habang kinukusot ang kaliwa kong mata. Chineck ko kung may nagtext sa akin. Meron akong tatlong messages. Isa kay Duane at isa sa unregistered number. Binasa ko yung dalawang message na galing kay Duane. Isang good night message at isang good morning message. Nireplayan ko din naman sya ng good morning. Binuksan ko naman yung isang message. Galing sa isang Globe number ang message. 'Hi :)' lang naman ang nakasulat doon. Hindi ko na lang nireplayan dahil hindi ko naman kilala. Bumaba ako ng kama at pumunta sa banyo para gawin ang morning rituals ng mga babae. Lumabas ako at nagtuyo na ng buhok at nagbihis narin ng isang shorts atisang oversized shirt na binigay sa akin ng Daddy ko. Lumabas na ako para makakain.

Pagkalabas ko ng kwarto narinig ko ang kantang Night Changes ng One Direction na nagpeplay sa TV. Bumaba ako ng hagdan at pumunta sa may salas. Music video pala ito. Kita ko naman ang kapatid ko na sumasabay sa kanta habang umiikot na parang kinikilig. Lumapit ako sa kanya.

"Si Mommy at Daddy?" tanong ko habang tumitingin sa kusina, baka kasi nandun si Mommy. Si Mommy kasi laging nasa kusina tapos si Daddy naman malimit nasa office dito sa bahay na nagsisilbing small library na rin namin.

"Ano?" sigaw ni Danii. Lumapit sya sa glass table na nasa sala at kinuha yung remote. Tinutok nya yung remote sa TV at pinause ang video.

"Sabi ko, asan si Mommy at Daddy?" tanong ko at lumapit sa couch tapos umupo.

"Ahh. Nasa office. Kailangan daw kasi ni Daddy ang tulog ni Mommy sa preparations for a certain party para sa company kaya ayun." sabi nya tapos tumabi sa akin sa couch. Inilipat naman nya yung setting ng TV sa mga channel na at hindi na sa files.

"Gutom na ako." sabi nya habang nagbrobrowse ng channel sa TV.

"Wala bang luto si Mommy dyan? Walang iniwan?" tanong ko sa kanya.

"Wala eh. Tara magpadeliver ng Yellow Cab. Parang gusto ko ng isang malakiiing pizza. Manhattan meat lovers ha? Yung pinakamalaki." kumuha sya ng unan at hinug nya habang nakatingin sa TV.

Kinuha ko naman yung wireless phone na katabi lang ng couch, dinial ko ang number ng Yellow Cab at sinabi ang order namin pati na rin ang adress. Makalipas ang 30 minutes may nagdoorbell.

"Ako na." sabi ko sa kapatid ko na busy sa kakapanood ng cartoons. Tumango naman sya at inayos ang upo.

Lumabas ako at nakita kong nandun na nga ang delivery guy na may dalang isang malaking pizza. Binuksan ko ang gate at kinuha ang pizza tapos binigay ko na ang bayad at binigyan rin sya ng tip. Nag thank you naman sya tapos sumakay na sa motor nya. Tumango naman ako at isinara na ang gate. Pumasok na ako sa loob dala ang malaking pizza box.

"Yehey! Dali dali. I'm starviiiing. Ang laki nyaan!" sabi ni Danii tapos lumapit sa akin at kinuha ang pizza na hawak ko. Pinatong naman nya yun sa lamesa at binuksan.

"Wow!" sabi nya at kumuha ng isa.

Pumunta naman ako sa kusina para kumuha ng dalawang baso. Tinignan ko sa ref kung ano ang pwede inumin. Nakita kong may coke pa dun kaya yun ang kinuha ko. Naglakad ako papunta sa salas dala ang dalawang baso at isang bote ng coke. Tinabi ko iyon sa pizza.

"Palitan naman natin ang pinapanood. Ang panget eh. Cartoons and pizza? Nuh-uh." sabi ko sa kapatid ko na ngumunguya ng ng pizza. Kumuha na din ako ng isa at kinagatan ito. Inilagay nya yung setting ng TV sa files tapos sinelecf ang folder na Movies.

"Choose. Korean, English or Tagalog?" tumingin sya sa akin

"Hmm. Korean." sabi ko. Sinilect naman nya yung folder na Korean Movies tapos lumabas yung mga clips. We decided to watch The Classic. Kumakain ako ng biglang nagvibrate ang phone ko. Nagtext nanaman yung unregistered number.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon