Umabsent ako ngayon. Intramurals naman eh tsaka wala naman attendance na kailangan pirmahan. Madaling araw na ako natulog kagabi. Tinapos ko kasi yung librong binabasa ko eh nabitin ako kaya binasa ko ang part 2. Kanina pa akong gising pero tinatamad ako bumangon. Pinasok na nga ako ni Mommy sa kwarto para siguro sabihin na pumasok na ako. Sinabi ko naman sa kanya na hindi ako pupunta ng school ngayon dahil na rin sa puyat at sa katamaran ko. Kinakalikot ko lang ang Ipad ko. I decided to log in to my Facebook acc. Pagkalog in ko nakita ko ang iba't ibang pictures ng Mr. and Ms. Intramurals kahapon. Meron ding mga pictures ng mga ball games. Inopen ko ang page ng Camera Club ng school para tignan ang iba pa nilang pictures. Pinindot ko ang isang album na may Intramurals na nakalagay. May nakita akong pictures namin na magkakabarkada na stolen. MY picture pa nga ni Maika at ni Keith na magkasama eh. Three photos yun. Tinignan ko ang comments at nakita ko ang mga comment ng barkada. Tukso nanaman. Pinatay ko ang Ipad ko tapos pumunta na ng banyo para maligo at magtoothbrush.Pagkatapos ko maligo lumabas na ako ng banyo para magbihis. I picked out a green shirt na may nakalagay na Vigan at plain white shorts tapos nagsuklay. Bumaba na ako pagkatapos. Walang tao sa bahay. May nakita akong note sa ref stating na umalis si Mommy to go grocery shopping. Dapat isinama na lang ako. Gusto ko din lumabas eh. Nakatulog pa sana ako sa pagdadala ng gamit. I heaved a sigh. Nagluto ako ng pancakes, hotdog at egg tapos dinala ko ito sa entertainment room at nanood ng TV.
Nanonood ako ng Phineas and Ferb ngayon. I know, napakatanda ko na for cartoons but who doesn't love cartoons? Habang nanonood ako ng Phineas and Ferb sa Disney channel biglang nagvibrate ang phone ko. Akala ko text lang kaya hindi ko pinansin pero nung nag vibrate uli kinuha ko na ito at tinignan kung sino ang tumatawag. Nakita ko ang pangalan ni Keith. Nagdalawang isip pa ako kung sasagutink ko ito o hindi pero sa huli I answered the call.
Inilayo ko muna yung phone ko sa bibig ko then I cleared my throat. "Hello?" sabi ko
Uy Ysabela! Bakit hindi ka pumasok? Ang daming naghahanap sa'yo, pati boyfriend mo. sabi ni Keith sa kabilang linya. Narinig ko na may nagsisigawan sa likod.
"Ahh.. Ano, masama kasi yung pakiramdam ko eh. Pasabi na lang kay Duane na itetext ko sya mamaya." sabi ko tapos hininaan ang volume ng TV. Baka kasi marinig nyang nanonood ako Phineas and Ferb eh baka sabihan pako ng bata.
Ahh. Ganun ba? Puntahan ka namin dyan? Tutal, sabi naman ng kapatid mo ay wala ka kasama sa bahay? sabi nya. Wow ha. So kilala nya pala ang kapatid ko.
"Naku, wag na!" sabi ko naman agad. Pupunta pa sila dito eh di aasikasuhin ko pa sila? Wala naman kaming maid dahil sabi ni Mommy dapat hindi daw kami masanay ng may maid dahil paano na daw pag tumanda na kami? Baka daw hindi namin kaya ang sarili namin at kung ano ano pa.
Sige sige. Baba ko na 'to ha? Tawagan na lang kita mamaya or itetext. May ikwekwento kasi ako sayo. sabi nya. Halata sa boses nya na nakangiti sya ngayon. Tungkol nanaman siguro kay Maika yun.
"Sige. Bye" sabi ko agad tapos ibinaba ang tawag kahit hindi pa sya nakakapag bbye.
Nilaksan ko ang volume ng TV at tinext si Duane na okay lang ako. Nagkatext pa kami nun.
Dumating sina Mommy ng mga 6:30 na. Kasama nya si Daddy at Danii. Nagpunta daw si Mommy sa office ni Daddy tapos tumulong dun sa mga paper works ni Daddy tapos sinundo daw nila si Danii sa school ng mga 5:20. Traffic nga daw kaya ngangayon sila nakarating. Nagluto agad si Mommy tapos kumain na kami.
"How was your last day of Intrams, anak?" tanong ni Daddy kay Danii habang nakain kami.
"Really boring. Wala na kasing contest tapos wala na rin po ball games kaya we made tambay na lang and we tried the booths." sagot ni Danii. Ayan ang isa pang dahilan kung bakit hindi na ako pumasok kanina. Pag third day kasi wala ng ginagawa. Patambay tambay na lang.