"Good morning. Ma'am Cabañueros." bati namin lahat sa Science teacher namin ng makapasok sya sa aming room.
"Good morning din class. Lahat ba kayo ay nagawa nung activity na ibinigay ko kahapon? Yung page 236?" tanong nya samin ay inilapag ang mga gamit nya sa table.
"Yes Ma'am. Lahat po nakapagpasa." sabi ni Kaycee.
"Very good. Checheckan natin yun ngayon, okay?" sabi ni Ma'am.
Bingyan ni Ma'am ng papel yung mga nasa unahan. "Get one and pass" sabi nya.
Ng maluha ko na yung papel na iniabot sa akin ni Andrea na nasa unahan ko tinignan ko kaagad kung kanino ito. Nakita ko ang pangalan ni Karl sa taas. Naglagay ako ng Checked by sa lower right at pinirmahan ko ito.
"Okay class. Lahat na ba meron?" tanong sa amin ni Ma'am.
"Opo." sabi namin.
"Okay. Let's check na. Number one is letter C." sabi ni Ma'am sa amin. Chineckan ko naman yung number one ng papel ni Karl.
Ng matapos na kami sa pagchechek ipinarecord na ni Ma'am. Sinabi namin ang score nung mga hawak namin na papel. Tapos sabi ni Ma'am ibigay na daw namin sa may ari. Ibinigay ko kay Karl ang akin tapos bumalik na ako sa upuan ko.
"Bela. Oh." Iniabot sa akin ni Patricia yung papel ko. Kinuha ko naman ito at tinignan ang score. Hmm. Not bad. 18/20.
"Itago nyo na yan. Get your books at buksan ito sa page 239." sabi samin ni Ma'am. Kinuha ko ang book ko tapos binuksan ko iyon sa page na sinabi ni Ma'am.
Nagdiscuss si Ma'am tungkol sa mga atom at neutron at kung ano ano pa. May ipinakita din sya sa amin na video sa TV tungkol sa mga electrons. After nun umalis na sya. Ang sunod namin na class ay Mapeh.
Nanood lang kami ng mga play sa TV na prinesent sa amin ni Ma'am Jacinto. Yung play sa China, Russia, Malaysia, Thailand at Japan. Diniscuss din nya yung mga characters doon at kung bakit ganun ang set up nung stage. Pagkatapos ng Mapeh ay recess na.
Nagpunta kami ng canteen ni Flor at Rica.
"Nakakatuwa yung mga play sa Japan ano?" sabi ni Rica nung makaupo na kami sa isang table.
"Oo nga eh. Ang daming props tapos ang gaganda ng mga costume nila." sabi naman ni Flor.
Nagkwento pa sila tungkol sa mga play habang kumakain. May dumaan sa amin na isang 2nd year na lalaki at G7 na babae. Umupo sila sa table na katabi lang ng sa amin.
"Uy girl. Alam mo bang yang babaeng yan." nginuso ni Ate Rica yung lalaki na nasa lamesa na katabi namin. "Hindi na virgin." pabulong na sabi nya.
Lumaki ang mara ni Flor. Muntik na nga nyang maibuga yung iced tea na iniinom nya.
"Eh?" sabi ko naman. "Sinong may sabi? Paano?" tanong ko. G7,di na virgin. Wow ah.
"Kay Lisa. Ex daw yan nung Anthony something. Taga public yung Anthony pero fourth year na. Ayun. Nagchurva daw sa CR sa Compark. Diba wala naman masyadong napunta sa compark? Eh ayun. Dun gumawa ng milagro. Nagbreak daw sila ng malaman na jontis si girl. Ang alam ko nakunan itong si girl ng mga 3 months pregnant lang ata. Maliit palang tyan nun." sabi nya.
Napatingin ako sa kabilang table at nakita ko silang naglalampungan. medyo tumingin din yung babae sa amin pero ibinalik uli yung tingin dun sa boyfriend nya ata?
"Shh. Rica, hinaan mo naman ang boses mo baka marinig nila tayo. Ayan lang sila oh." sabi ko tapos palihim na ininguso yung dalawang katabi namin.
"Sorry naman daw." sabi nya tapos uminom ng tubig. Nagaya na si Flor na bumalik na ng room dahil magtitime na. Math pa naman sunod namin. Umakyat na kami tapos pumasok na kami ng room. Sabay pa nga kaming pumasok ni Ma'am Barairo sa room. Doon kami dumaan sa likod na pintuan.