080 | Closure

80 3 2
                                        

a/n: UPDATE!! FINALLY NAINSPIRE NA ULIT AKO PARA MAGSULAT! THIS CHAPTER IS DEDICATED TO MY SUPPORTIVE READER AN_D33 thank you so much for the support! ily <3333

080 | Closure

Hindi lang natapos ang lahat doon. Because after the dinner celebration. May pa-hirit pang ginawa ang staffs at manager ang grupo ng X1. At iyon ang mag-bar. The truth is, gusto ko na talaga umuwi at magpahinga for three consecutive days. Kaso, ayaw ko naman masabihan ng snob at kill joy ng kompanya nila. And stain big hit (my company together with bts & txt) name. Kaya wala akong nagawa kundi sumama sa kanila. Tuwang tuwa pa nga si Fabbie sa naging desisyon ko. Paano kase makakadamoves na daw siya finally kay Hangyul.

Maharot.

"Tara sa baba Aurora!" Pagaaya ni Fabbie.

Nandidito kami sa King's Club. A well-known high end bar. At nasa vip room kami. We could see people dancing and having fun from here. Dito kase hindi masyadong maingay. Hindi katulad sa baba na kahit sumigaw ay hindi kayo magkakarinigan. I'm glad they choose to be here. But as time goes by, unti-unti na silang umaalis at nakikipagsaya na sila sa baba. Including most of X1 members.

"I'm fine here."

Fabbie pouted. "Ang kill joy mo ha!"

Ops. Nakalimutan niya atang boss niya ako? But I'll let it pass. It's Fabbie. My dearest best friend I got.

"Baba na ako! If ever na mabagot ka, sunod ka lang. Okay?" I just nodded and shoo her away.

Minutes had passed. Kaming apat na lang pala ni Hyeonjun, Minhee at Eunsang ang natitira kung di pa sila iimik.

"Tara sa baba pre?" Rinig kong aya ni Hyeonjun kay Minhee.

Napatingin ako sa kanila.

Pilit hinahatak ni Hyeonjun patayo si Minhee. Pero ang huli nagtataka lang sa ginagawa ng una.

What's with them?

"Kakagaling lang natin dun kanina ah!" si Minhee, takang taka ang mukha.

"Oo nga! Alam ko!" si Hyeonjun naman. "Pero kailangan ang kagwapuhan mo sa baba!" Tapos nanlalaki pa ang mata at ngumu-nguso ito.

"Wag ka ngang ngumuso dyan! Mukha kang bibe!" si Minhee ulit. "Atsaka, ba't ba nanlalaki yang mata mo? Tarsier lang?"

Sumimangot si Hyeonjun. "Gago." Tapos ngumuso sa akin at may tinuro kung saan.

Agad naman tumayo si Minhee.

"A-Ah! Tara na nga! Ba't di mo agad s-sinabi!" Tapos dali dali silang bumaba.

Weird.

Tapos duon ko lang na-realized. I am alone here with Eunsang! Napalingon tuloy ako kung saan siya naroroon. Parehas kaming nasa magkabilang dulo ng upuan.

Hindi naman halata na ayaw namin sa isa't isa diba?

At dahil ayaw nga namin sa isa't isa. I decided to follow Fabbie downstairs. Bahala na kahit naiirita ako sa ingay. What is important. Makalayo ako kay Eunsang.

Chill and cool akong naglakad sa harapan niya at bumaba. It was really awkward to be with him alone. It seems we have cold war to each other. At.... nasasaktan ako. Okay. I'm... still not over... him. Hindi naman kase iyon kadali makalimot. Talagang sinasanay ko lang yung sarili ko na hindi talaga pwede. Lalo na't kita ko na his trying his best to avoid me. Pero hindi naman iyon maaari dahil nasa iisang project kami. Hindi naman pwedeng forever na lang kami iiwas.

I spotted Fabbie waiting for her drink in the bar counter. Kaya lumapit agad ako sa kanya. Thankfully, naririto lang siya at hindi sumasayaw. Dahil paniguradong mahihirapan ako sa kanya.

"Hey," pagkuha ko sa atensyon niya.

Agad naman itong ngumiti ng makita ako.

"Buti at naisipan mong bumaba?"

I snorted.

"Napilitan lang ako. Naiwan kaming dalawa sa taas. And it's awkward kaya bumaba na ako dito at hinanap ka."

Tumaas ang kilay niya doon.

"Ooh. Kaya pala pababa na din siya." Sabi niya bago sumimsim sa kanyang cocktail drink habang may tinitingnan sa malayo.

Napatingin din ako sa tinitingnan niya.

And there I saw him. Malapit ng makababa sa hagdan pero may lumapit sa kanya. At babae iyon.

I look closely at na-realized na si Kim Yerim iyon. Isa sa mga sikat na girl group na handle ng SM Entertainment. And she's not just that. Miski taga Star and Pledis Entertainment na boy groups ay may nagkakagusto sa kanya! Kung tutuosin ay wala pa ako sa kalingkingan niya.

At aaminin ko na. I'm slightly jealous. Yes. Slight lang talaga.

"Masaket besh?" nang-aasar na biro sa akin ni Fabbie.

"And why would I be?" Sige deny pa. Magaling ka naman dyan e.

"Bakit nga ba hindi, Aurora?" Sabi niya. "Gusto mo isa-isahin ko pa kung bakit? Dahil kung gagawin ko iyon. I'm hundred percent sure na bago mo pa marealized ang lahat. Tuluyan ng wala sa'yo si Eunsang."

Napatitig na lang ako sa kanya.

"Iisa-isahin ko pa ba o lalapitan mo na siya?"

And without blinking. Nasa harapan na ako ng dalawa.

Yeri smiled as she notice me. Bakit ba ang ganda nito?

Napabaling ako kay Eunsang na nagtataka.

"What do you need?" taka nitong tanong sa akin.

Napatingin akong muli may Yeri bago sumagot. "G-Gusto sana kitang makausap."

"About what? Kakatapos lang ng project natin."

Shet. Bakit ba ang sungit neto kahit kailan?

"Ahh. Hindi tungkol doon."

"Pwede bang mamaya na lang? I'm still talking with her." Turo niya pa kay Yeri.

I suddenly felt like crying. Is he asking me to go away?

"It's nice seeing you here, Eunsang. Text-text na lang" Sabi pa ni Yeri bago umalis.

At naiwan na naman kami ni Eunsang mag-isa.

"What now?" Masungit nitong turan.

"A-ano.." i paused. "Gusto sana kitang m-makausap..."

"What for?"

Agad akong napayuko. Wait. Ano nga ba ang gusto ko sabihin?

"Wala?" Cold nitong saad. "You're wasting my time."

At tumalikod agad siya sa akin. And my instict is to stop him. Kaya inabot ko ang braso niya at pinigilan siya.

"Wait!" pigil ko sa kanya.

Tumigil naman siya.

"What?!" Asik niya.

"Closure!" sigaw ko. "I want us to have closure!"

Napapikit ako sa kahihiyan. Seriously, Aurora? Closure pa talaga ang ginawa mong dahilan?

"Naging tayo ba?" I felt a loud stung. My heart shuttered into pieces.

My whole body crushed.

stripper, eunsang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon