CHAPTER FOUR

6.2K 222 12
                                    

CHAPTER FOUR



SABADO ng maisipan ni Keno na magpunta sa bayan. Namimiss na kasi niya ang kaniyang mommy sa kanilang hindi kalakihang Parlor Shop. Alas kwatro na iyon ng hapon, mas gusto niya kasing lumabas ng ganong oras dahil hindi na masyadong mainit. Dumaan muna siya sa isang fastfood at inorderan ng makakain ang kaniyang mommy.

Dalawa ang nagsisilbing ina niya. Ang tatay niya ay tinatawag niyang mommy at mama naman ang tawag niya sa ina niya. Magulo ba? In-short bakla kasi ang napangasawa ng mama niya. Naging lalake lang ito noong binuo siya. Okay lang naman iyon sa mama niya. Habang naglalakad na nga siya papunta sa parlor shop nila ay napahinto siya ng may makitang pamilyar na tao sa loob ng isang restaurant. Nanlaki pa ang mga mata niya ng lapitan niya ito upang makilala.

"Claere? Michael?" Akala ba niya ay break na ang dalawa? Sa paraan ng pag-uusap ng dalawa ay kilig na kilig ang mga ito.

Paano nalang si Alexandra?

Kailangan niya itong ipaalam kaagad kay Alexandra. Hindi naman pwede na ginagamit ito ni Michael habang may girlfriend pa pala ito. Hindi na siya dumeretso sa Parlor Shop, dumeretso nalamang siya sa bahay ng kaibigan.


***


"ALEXANDRA, listen to me, you crazy!" wika ng kaibigan ni Alexandra. Nagulat siya nang biglang nadalaw ang kaibigan sa bahay niya kaya nga heto ay naghahanda siya ng me-meryendahin ng kaibigan. Inuulit ulit nito na nakita raw nito kanina si Michael kasama si Claere sa isang restaurant.

May dalang pagkain si Keno at para sana daw iyon sa mommy niya pero dahil sa nakita ay dumeretso daw ito sakaniya. Nagulat siya nang biglang nadalaw ang kaibigan sa bahay niya kaya nga heto ay naghahanda siya ng memeryendahin ng kaibigan. Inuulit ulit nito na nakita raw niya kanina si Michael kasama si Claer sa isang restaurant.

"Keno, Michael told me nga na they already broke up." sagot niya at binabalewala ang sinabi ng kaibigan. May tiwala na kasi siya nobyo. Oo, hindi man sila pormal na nagligawan ng binata ay itinuturing na niyang nobyo ito dahil may nangyari naman na sakanila.

Oh, assuming lang ako?

"Eh pano kung hindi pa pala? Why are they together?"

"You know, maybe they just ate together as friends. Don't be so judgmental Keno. Can't exes be friends?" natatawa niya pang saad ngunit may kung anong katanungan na umusbong sa isip niya, papano kaya kung hindi pa pala naghiwalay ang dalawa?

"Naku, bahala ka nga." Tila naiinis nitong saad saka padabog na umupo sa couch. Maya-maya pa ay suminghot-singhot ito. "Bakit may amoy Michael dito sa couch mo?"

Talagang magaling ang pang-amoy ng kaibigan. Tiningnan pa siya nito na parang nang-uusig.

"N-nandito kasi si Michael kagabi." Pag-amin niya, kaya nanlaki nanaman ang mata ng kaibigan. "What? Why? I didn't know he was coming here, Keno."

"So ano may nangyari na naman?" Tumango siya at napayuko. "What Alexandra? Ganon ganon lang yon? Huh? Paglalapit ay bubukaka ka kaagad?"

"Hindi naman sa ganon, Keno." In some point, tama naman ang kaibigan, hindi niya kayang hindian si Michael. Siguro nga ang pagtingin niya rito ay naging pagmamahal na ng tuluyan. Aminado siyang bobo siya pagdating kay Michael. Oh mas mabuting sabihing marupok siya.

"My head hurts because of you, Alexandra. So, kayo na?"

"Y-yeah. I mean, something happened between us, didn't we? E-edi s-siguro kami na."

STANFORD SERIES #1|ALEXANDRA|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon