CHAPTER THIRTEEN

5.2K 182 6
                                    

CHAPTER THIRTEEN



KINAGABIHAN ay nagprisinta si Alexandra na siya ang mag-luluto ng kanilang dinner. Umuwi na rin si Mang Roberto. Pinauwi ito ni Michael dahil gusto nitong sila lang dalawa sa bahay at tatawagan nalang nito ang caretaker kapag may kailangan. Habang inere-ready ang mga kailangan niya sa pagluluto ay nasa pool area si Michael at umiinom ng beer. Hinayaan niya nalang muna ito. Kailangan nito ng pahinga lalo na at mas nakakapagod ang trabaho nito kaysa sa kaniya.

Maraming pinamili si Mang Roberto. Karamihan ay mga seafoods. Dahil napapalibutan sila ng dagat ay mayaman ang lugar sa mga seafood, especially flying fish. Tinuruan pa siya kanina kung papano lutuin ang mga iyon. Dahil matalino naman siya ay nasundan niya lahat ng itinuro. Magluluto siya ng Seaweed soup o kilala din itong lumot soup doon. Isa pang lulutuin niya ay Escargot, isa itong malalaking seashells isa rin ito sa typical na dish sa Batanes.

Matapos niyang magluto ay tinawag na niya si Michael para kumain.

"Wow! Kuhang kuha mo kaagad ang lasa ng seaweed soup at Escargot ah!" manghang saad ni Michael habang sila ay kumakain.

"Mang Roberto really patiently taught me how to cook these for you." aniya.

"By the way, Alexandra. Saan mo gustong pumunta bukas?" tanong nito. Napaisip siya, wala siyang masyadong alam na lugar doon.

"I don't know but I really wanna go to a beach." Nakangiting saad niya. Iyon talaga ang gusto niya. Ngumiti naman si Michael at tumango.

"Okay, let's go to Morong beach tomorrow." Lumapad ang ngiti niya at napa-yes pa siya sa sinabi ng binata.

Matapos kumain ay nagligpit siya habang si Michael ay nauna na sa taas. Nang matapos siyang mag-ligpit ay sumunod na rin siya sa kwarto nila. Nadatnan naman niyang mahimbing na natutulog si Michael. Hinaplos pa niya ang mukha nito.

"Good night, Michael." She whishpered and she kissed his forehead. "I love you."

Kukumutan niya sana ito pero nagulat siya ng hinila siya nito pahiga at niyakap. Nakapikit pa ito habang ginawa iyon. Dahil mahigpit ang yakap ni Michael ay hindi siya makaalis kaya naman niyakap nalamang niya ito hanggang ito ay makatulog.

***

MATAPOS mag-breakfast nina Alexandra ay nagbihis na agad sila. Ngayon na kasi sila pupunta sa Sabtang Island kung saan matatagpuan ang sikat na tourist destination sa Batanes, ito ang Morong beach. She's wearing High-Waist Trousers, Scarf, sunglasses and hoops. Samantalang si Michael, nakasoot ito ng plain round neck shirt with blazer shorts cargo pants and sunglasses.

Gwapong gwapo talaga si Michael sa soot nito. Sa Calibre Navarra sila sumakay papuntang sakayan patungo sa kabilang isla, sa Sabtang. Marami talagang turista ang dumadayo sa Batanes. Marami silang nakasabayan sa speed boat na mga tourista mapa-pilipino man o foreigners.

Habang nasa speed boat sila ay kumukuha siya ng larawan kasama si Michael. Panay ang selfie niya. Ayaw niya yatang palampasin ang bawat oras na hindi siya nakakakuha ng letrato. God knows how she love the place. Habang nasa speed boat sila ay nakahawak sa kaniyang baywang si Michael. Kaya naman lihim siyang kinikilig rito.

"Oh my gosh! Si Michael Stanford!" Napalingon sila ng may magsalita. Agad namang nagsoot ng cap si Michael.

"Ha? Paano naman makakapunta si Michael ditto?" Sagot ng kasama nitong babae.

"Sabagay. Maybe, nagkamali lang ako." bawi rin ng babae. Nakahinga siya ng maluwag dahil don. Mahirap na, nasa kalagitnaan pa man din sila ng dagat. Mamaya ay magkagulo doon at iyon pa ang maging sanhi ng pagkamatay nila. Gusto niya ang tambalan nina Jack at Rose pero ayaw niyang mamatay sa lunod katulad ni Jack. Nang makarating sila sa Island ay nagkanya kaniya ang mga laman ng speed boat.

STANFORD SERIES #1|ALEXANDRA|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon