CHAPTER TWENTY ONE
"MICHAEL, do you really love me?" Hinaplos ni Michael ang pisngi ng nobya ng tanungin siya nito.
"Always," nakangiti niyang sagot. Pakiramdam niya ay may gustong sabihin ang nobya. Nakatingin ito sa mga mata niya. Those, brown eyes of hers. Papangarapin niyang titigan iyon araw-araw.
"I have something to tell you, Michael." huminga muna ito ng malalim at saka matamis na ngumiti. "I went to see a doct—"
"Wait a minute, babe" hindi naituloy ni Alexandra ang sasabihin sakanya dahil biglang tumunog ang telepono ko. Ang manager niya ito. Alam niyang hindi tumatawag ang manager niya sakanya lalo na kapag alam nitong nasa bakasyon siya. Kaya tumayo muna siya mula sa pagkakahiga at sinagot ang tawag. Alam niyang importante ang sasabihin nito.
"Yes, Candie?" nakakunot ang noo niyang bungad dito.
"Bad news, Michael." sagot nito dahil doon ay naglakad siya papunta pa sa may porch at doon nakipag-usap. He has a bad feeling about that bad news of Candie, his manager. Candie is ten years older than him. Kaya para niya na itong nakakatandang kapatid, matagal na rin niya itong nakasama sa Shobiz Industry.
"What?"
"Tell me the truth, Michael. Are you married?" namilog ang mga mata niya sa tanong na iyon.
"What? Of course, I am not, Candie! You know that!" narinig niya ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. "Tungkol saan ba iyan?"
"There's this unkown person who's sending me photos of you. And I was really surprised by what I saw, Michael. Those pictures of you, were with a famous model Claere. It look like you two are married in France! There are also messages saying, ikakalat raw ng mga ito sa TV, RADIO at sa Internet. Na isa ka raw na manloloko. Even pictures of you and Alexandra in Batanes were sent to me. Sinasabing kabit mo ang dalaga!"
"What? That is not true, Candie! Who sent those? Na verify na ba?"
"Hindi pa. Pero malakas ang kutob kong mga kasamahan mo rin sa media ang nagpapakalat nito. Maraming inggit sa iyon Michael at gusto ka nilang siraan!" Napahawak siya sa kaniyang ulo.
"I know," iyon nalang ang nasabi niya. Matagal na siyang gustong siraan ng mga kasamahan niya. At naghahanap ang mga ito ng butas para mapababa siya sa pwesto.
"Then be careful! If you're dating two women, or three or four more, learn to be careful! Paano na yan ngayon? Your career will definitely be ruined and you will only be branded as a cheater and hooker!"
"What? I'm only dating Alexandra!" Inihina pa niya ang boses para hindi marinig ni Alexandra ang paguusap nila.
"Then, you are saying that these pictures are edited?"
"Send me those." utos niya sa manager. Pinatay muna niya ang tawag at tiningnan ang ipinadala ng manager na photos. Napasabunot na lamang siya ng sariling buhok ng makita ang pictures. All of the photos are true. But, there's a misunderstanding. Tinawagan niya ulit ang manager.
"Uuwi ako bukas diyan sa Manila. I have to fix this before it's too late." aniya.
"Then, paano mo ipapaliwanag ang mga letrato? Na na-photoshop lang ang mga iyon?"
"Those photos are not edited, Candie. All of those are a hundred percent true. 'Yung picture doon sa Batanes, ako iyon. But the photos of the wedding at saka yung date sa restaurant with Claer wasn't me." paliwanag niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/218639138-288-k672546.jpg)
BINABASA MO ANG
STANFORD SERIES #1|ALEXANDRA|R-18|COMPLETED
RomanceSTANFORD SERIES #1 Michael Drey Stanford and Alexandra Buenaventura DATE STARTED: March 30, 2020 DATE FINISHED:May 08, 2020 My first ever SPG Romance Book. I hope you guys like it.