CHAPTER SIXTEEN

4.8K 158 5
                                    

CHAPTER SIXTEEN


MONTH had passed. Nagising si Alexandra dahil nakaramdam siya ng pangangasim ng kaniyang sikmura. Para siyang naduduwal pero wala namang lumalabas. Mabuti nalang at sabado nang araw na iyon, dahil pakiramdam niya ay nanghihina siya. Sa nakalipas na isang buwan, naging busy sila ni Michael.

Lagi naman silang nagkakamustahan at kung minsan ay nag di-dinner. Kahit kasi weekends ay may show ito. At maliban doon ay marami siyang dinadaluhan na kung anou-ano sa showbiz. Naiintindihan niya naman ang nobyo.

Dahil sabado naman, susulitin niya ang magpahinga. Lately kasi, pakiramdam niya ay mabilis siyang mapagod at sumasakit ang ulo niya. Siguro dahil sa kaka over work niya. Nag-ring ang cellphone niya at napangiti siya ng makitang si Michael ang tumatawag.

"Hello," Bati niya. Napabangon pa siya sa kama.

"I miss you, babe." Kinilig siya sa sinabi ng binata. Iba talaga ang epekto sakaniya ni Michael. "How are you?"

"I am fine. Namimiss na kita, Michael." She said in a seductive voice. Narinig niya naman ang pagtawa ng mahina nito sa kabilang linya.

"Don't seduce me. I might leave my show and come to attack you." Natawa pa siya sa sinabi nito.

"Then do it." nang-aakit pa niyang saad. "I'm naked and waiting for you to attack me."

It is easy to say those things the past few weeks. Siguro dahil komportable na siya sa binata.

"Alexandra, I am not joking!" Sumeryoso ang boses nito. "Sobrang miss na miss na kita alam mo ba iyon?"

Napangiti naman siya.

"I know, Michael. Do your job, well. Papanoorin nalang kita mamaya sa TV." Saad niya nalang. "I love you, Michael. Can't wait to see you."

"Wala akong lakad bukas. Let's go on a date." Napangiti siya sa sinabi nito. "I love you, Alexandra."

She felt energized after the call. Tumayo na nga siya mula sa pagkakahiga upang maligo. Pupuntahan niya na lamang si Keno at aayain itong mag-shopping. Nakakaramdam parin siya ng pangangasim. Hindi naman naparami ang kain niya. Dahil simula noong nagkasakit siya ng Gastroenteritis sinimulaan niya nang huwag kumain ng marami.


***


"ALAM mo Keno, lalake lang iyan. Cheer up, girl!" Sabi ni Alexandra sa kaibigan. Nasa shop siya nito at nagpapa manicure at pedicure. Habang mina-manicure at pedicure siya ng mga tauhan ni Keno, nag-uusap silang dalawa. "Akala ko ba ay, wala lang sa iyo ang mga lalaki?"

Nakipag-break daw kasi ang boyfriend nito at hindi nito matanggap na hindi ito ang mismong nakipaghiwalay. Kundi iyong lalaki.

"Nakakainis lang kasi, Alexandra! Gusto ko ako yung nakikipag-break, eh." Pairap pa nitong saad sakaniya.

"Wow, ganda mo rin eh no? Ang art emo naman." nagbibiro niyang saad kaya tumawa ang kaibigan. "Anyway, bukas may date kami ni Michael."

"Ikaw na! Ikaw na talaga!" Nakabungisngis na saad nito. "Pumunta ka ba dito para bwisitin ako?"

"Ah. Sir Keno, excuse me po." Napalingon sila sa nagsalita. It was Joan, Keno's assistant/secretary. May hawak pa itong telepono at mukhang may gusto itong sabihin sa kaibigan.

"Yes, Joan?" tanong nito.

"May gusto pong magpa-appoint sainyo mamayang 3PM. Is that okay?" taanong nito. Tumingin naman siya sa kaibigan. Nagpagusapan kasi nila kanina na magsho-shopping sila mamayang hapon at sigurado siyang hanggang gabi silang maglilibot sa mall.

STANFORD SERIES #1|ALEXANDRA|R-18|COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon