Chapter Four

149 12 0
                                    


Maclaren yan ni Duke,yan yung ipapa-katay ni King kay Nate.
😂

Maingat na pinaranda ni Jasmine ang sasakyan sa labas ng malaking bahay ng kanyang Auntie, nag-dorbel sya ng dalawang beses at lumabas sa malaking bahay ang isang katulong ngayon lamang niya Ito nakita, maybe bago lang Ito.

" Good evening po Sino po sila? "
Tanong katulong.

" Hi good evening I'm Jasmine pamangkin ako ni Aunt Marnie"

" Ah kayo po pala yung iniintay nila ma'am , pasok po kayo pasensya na po bago lang ako dito ako nga po pala si Marie "
pakilala nito sa sarili at pinag-buksan siya ng gate .
Ngumiti lamang siya dito at pumasok na sa loob na kabahay.
Napakunot siya ng noo nang nabungaran ang puting tile ng bahay na may patak patak ng kung anong bagay, kulay brown iyon na may orange at green. Is this a poop?
May narinig siyang ingay sa itaas ng bahay.

" Ano tong nasa sahig? "

Tanong ko kay Marie na nakasunod pala sa kanya.

" paint po yan ni sir Vince pinag-laruan ni Phoebe, kaya yung naririnig nyong ingay sa taas ma'am pinagagalitan ni ma'am Wendy si sir Vince at yung anak niya."

" Ah ganun ba , aakyat muna ako sa taas " paalam ko sa katulong

" Sige po ma'am lilinisan ko lang itong mga pintura sa sahig."

Tumango lamang siya dito at umakyat nakaka-ilang hakbang pa lang ako nang marinig ang tili ng pamangkin.

Napasinghap siya nang Makita itong tumatalbog este tumatakbo Ito pababa nang hagdan.

" Tita Jas help me! "
Sigaw nito.

" What the , ? What happen to you? Phoe? Bakit puro pintura yang katawan mo? "
Umakap Ito sa kanya sa binti na ikinatili niya ang pants nya! Puno na nang pintura! Holy moly!

" It's an art Tita! I'm a human art "

Mukhang proud na proud pa ang pamangkin sa itura nito na ngiwi niya. Ang buong mukha nito ay puno ng pintura naka-suot lamang ito ng pink na short na ang dibdib, tyan at mga braso nito ay puno din ng pintura.

" Sweetie mukha kang hinulog sa kanal alam mo ba yun? I think you need to take a bath na "

Umiling-iling Ito.

" No! This is for my art project for tomorrow I need to stay like this is my art! " Sigaw nito .

" Phoebe! Umakyat ka ditong Bata ka! "
Narinig niyang sigaw ng pinsan niya mula sa taas ng hagdan may mga pintura din suot nitong slacks at blazer mukhang kakauwi lang nito galing sa office.

Nakita niya sumunod na dumungaw sa hagdan ang asaw nitong si Kuya Vince, na punong-puno din ng pintura ang suot-suot na damit.

" Princess you need to listen to your mama sa garden tayo matutulog pag-di ka pa naligo. "

" Kasi naman Vince bakit mo iniwan nakabukas yang art room mo , Alam mong malikot ang kamay ng anak mo eh, Hala kumbinsihin mo yang maligo sa kulungan ni Pochi kayo matutulog "
Galit nitong sagot sa asawa na ngayon ay nag-kakamot na nang ulo.

I look at my niece na nakakapit pa din sa mga binti niya.

" Come on Phoebe makinig ka sa Mommy at Daddy mo "

" No! This is my art project Tita Jas help me I don't want to take a bath "

Nakasimangot na Ito at mukhang maiiyak na.

THE LOSER CLUB SERIES: 1 Jasmine Buenaflor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon