Chapter Nineteen

92 10 0
                                    


Kahit masakit ang mga paa ay pumasok pa din siya.
Ganun na lang ang pag-tataka niya ng mga kumpulan ng mga reporter sa labas ng clinic niya. Hindi pa niya naipaparada ang sasakyan ay dumudugong na siya ng mga Ito.
The heck!.

" Miss Jasmine Buenaflor totoo po ba na pinag-tangkaan ang buhay niyo ni Spencer DeCuna?"

" Totoo ba ang balitang nag-sasama na kayo ng Bilyonaryo si King Ross.?"

" May napapabalita na malapit na kayong ikasal, totoo po ba yun Ma'am?"

Mga klase ng tanong na bumulaga sa kaniya ng makababa siya ng sasakyan.
Napa-iling nalang siya.
Pero bago siya lalo pang dumugin ng mga reporter ay may humila na sa kaniya papasok ng clinic niya.
It's no other than her loser friends.
Itinaob ni Nat ang sign na " close " sa pintuan ng clinic niya.

" Bakit?" Patay malisya niyang wika.
Tinaasan siya ng kilay ni Nat at Raffy si Kweenie naman napailing nalang. Habang si Gabbie ay busy sa mag-inom ng milk tea nito.

" Bruha kang babae ka halika ka nga." Hinila siya ni Nat papuntang office niya.
Pinaupo siya nito sa swivel chair niya habang masama ang tingin na ipinipukol sa kaniya ng mga Ito.

" Mag-paliwanag ka? Paanong nagkaroon ng boyfriend na hindi namin kilala at hindi man lamang namin alam.? " Tanong ni Nat.

" Nasaan si Mandy bakit wala-"
Hinampas ni Raffy ang mesa ng office niya.

" Wag mong ibahin ang usapan, Hasmin." Si Nat ulet.

" Ouch my nails." Ngiwing wika ni Raffy habang hinihipan ang mga kuko.

" Sino ba kasing nagsabi sayong hampasin mo yang table?, Mas matibay pa yan sa fake mong kuko. "

Sagot naman ni Gabbie sa kakambal.
Iningusan lang ito ni Raffy.

" So ano na? "

Bumuntong hinginga siya at detalyadong ikuwento sa mga ito kung paano sila nagka-kilala ni King.
Pati yung nangyari sa kaniya kagabi ng pag-tangkaan siyang patayin ni Spencer.

" Tara tambay tayo sa grocery store baka makahanap  din ako ng fake ng boyfriend. " Biglang Sabi ni Natasha.

" Baliw kang babae ka." Sambit ni Kweenie sabay hampas sa balikat nito.
Natawa siya sa dalawa.
Habang tahimik lamang si Gabbie at sinisimut ang sago sa milk tea nito.
Napa-iling nalang si Raffy sa ginagawa ng kakambal.

" Ang tanong loser inlove ka na ba sa fake jowaers mo.? " Natawa siya sa paraan ng pag-sasalita ng kaibigan.
Nangalumbaba siya at malalim na nag-isip is she?.

" Alam mo Jas di mo na kaylangan sagutin, kitang-kita sa mukha mo." Wika ni Raffy.

" Paano mo nasabi ? " Biglang tanong ng kambal nito.

" I know kasi na-inlove nako dati. " Sagot ni Raffy.

" Nice.. Goodluck sayo girl. Mukhang mabait naman si King. Bagay kayo. " Wika ni Kweenie.

" Thank you guys. Ano sa tingin niyo?" Tanong niya.

" Wag kang pa-demure girl. Tell him how you feel, ganern.! " Wika ni Nat.

" Expert ang datingan natin ah? Kamusta Naman kayo nung May-ari ng katunggali mong restaurant.?" Tanong ni Kweenie.

" Tinik siya sa paningin ko, wag na wag mong mababanggit ang tukmol na yun." Inis na sagot ni Nat.

" Nag-sampa ka na ba ng kaso laban sa baliw na lalaking yun? " Pag-iiba ng usapan ni Gabbie.

" Makukulong siya sa bilangguan, sisiguraduhin ko yun" inis na sagot niya.

THE LOSER CLUB SERIES: 1 Jasmine Buenaflor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon