Chapter Twenty-two

101 8 0
                                    

" Are you still mad at me?." Tanong nito habang nag-mamaneho.

" Medyo... " Sagot niya tsaka umayos ng upo at tumingin sa labas ng sasakyan.

" Hindi na kita ulet bibiruin, ayokong magalit ka ulet sakin. " Tumingin ito saglit sa kaniya. At malapad na
ngumiti
" It's a promise. "

" Okay lang naman na biruin moko, wag lang yung sobra. " Maikli niyang sagot at biglang mapa-diretso ng upo.

" Where are we going? Akala ko Sabi mo mag-didinner lang tayo.? " Tanong niya ng makitang papalabas na sila ng metro Manila.

" Uhmm.. yes, magdi-dinner nga lang tayo. " Ngiting sagot nito.

" Ano nanamang pakulo mo ha?." Tiim na tiningnan niya Ito. Mapang-asar na ngitian siya nito.

" Gusto ko lang na masulo ka, I really miss you, You know?." seryosong wika nito tsaka saglit na tumingin sa kaniya. She stared back kahit sa daan na ulet ito tumingin.

Miss nya daw ako!!!

" Wala ka na namang planong masama sakin diba? Dinner lang Yun?. "

" Bakit gusto mo ba meron?. Pilyong tanong nito.
Kinurot niya ang braso nito.

" Yan ka na naman sa kurot mo, next time you do that you will have to face a consequences. "

" Well kasalanan mo naman kasi, Kung ano-anung pumapasok sa utak mo. Manyak. "
Sumimangot lang siya ng tumawa ito ng malakas.

After an hour of driving, nakarating sila sa Tagaytay.
Huminto ang sasakyan nila sa mataas na gate ng isang 2 storey na bahay. It looks like a vacation house.

" Kanino bahay to? " Tanong niya ng makitang makitang may dinaial Ito sa phone.

" My family own this vacation house." Sagot nito na may sumagot sa kabilang linya.

" Hello, anadito na po kami sa labas Manang Gina. Okay po. " Pagkatapos nitong makipag-usap sa phone ay lumingon Ito sa malaking bahay at sinundan niya ang tingin nito at lakad-takbong lumapit sa kanila ang isang matandang babae at binuksan ang gate.
Pagkaparada ng sasakyan nito ay hindi na niya hinintay na pag-buksan pa siya nito, nauna na siyang lumabas at tiningnan ang kabuuan ng malaking bahay, kahit gabi na maaaninag pa din ang ganda ng bahay.
Lumabas mula sa bahay ang isang matandang lalaki.
At nakangiting lumapit kay King.

" Maganda gabi po senyorito, mabuti po at napasyal ulet kayo dito sa bahay bakasyunan ninyo. " Masayang bati ng matandang lalaki kay King.

" Maganda gabi din ho Mang Tonio matagal-tagal na din po ng huling mabisita ko itong bahay. Maraming Salamat po sa pag-aalaga dito sa bahay. " Ngiting sagot naman ni King.

" Nako wala po iyon, masaya kami ng asawa ko na mapag-lingkuran ang pamilya ninyo senyorito" bumaling sa kaniya ang matanda.

" Siya po ba ang Girlfriend nyo ? Kay ganda naman. "

" Bagay ho kayo senyorito " sigunda naman ng matanda babae na ngayon ay nakalapit na sa kanila.
Nagulat siya ng hapitin nito ang kaniyang bewang.

" Yes, sya po ang girlfriend ko, " kinindatan siya ng Loko. " Siya po si Jasmine. " Pakilala nito sa kaniya.

Kahit hindi mo naman talaga ako girlfriend,

Bulong niya sa isip, tsaka tinaasan ng kilay ang lalaki. Nginitian lang siya nito ng nakakaloko tsaka pinisil ang ilong niya. Ginantihan naman niya ito ng kurutin niya ang tagiliran nito, ngunit hindi naman iyon masakit.

" Ang sweet nila ano, Tonyo? "

" Bagay sila parehas na pilyo. " Rinig nilang sa pag-uusap ng dalawang matanda.

THE LOSER CLUB SERIES: 1 Jasmine Buenaflor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon