Chapter Fifteen

91 9 1
                                    

Hindi pa siya nakakahuma sa pagka-bigla ng makita ni Jasmine si Lev. Umupo ito sa pwesto na kina-uupuan ni Empress.
His hair is not platinum blonde anymore, it's now a jet-black that added some dangerous aura around him. His also wearing a all black suit, mas lalo itong nagmulang nakakatakot. " Anong ginagawa mo dito? " Tanong niya.
" I'm having dinner with a friend. He knows your boyfriend too actually. " Wika nito tsaka ininom ang tubig na para kay Empress. " Ano naman ngayon?." Mataray niyang sagot. The guy just chuckled. " They right you have a peevish attitude. " Tumitig ito sa kaniya. " I wonder what King sees in you. You woman are all the same. " Seryosong wika nito.
" Alam mo mister, Kung ano man ang problema mo sa akin, o sa mga babae, Wala akong pakialam. Okay. Kaya pwede ba tantanan moko. At kung ano man ang nakita sakin ni King para magustuhan niya ako. Wala ka ng pakealam dun. So please lang umalis ka na kung okay lang. " Madiin niyang sagot. Hindi man ito natinag sa sinabi niya. Then suddenly his eyes landed straight to her back. Nawala ang nakakatakot na auro nito at napalitan iyon kalungkutan. He's eyes is full of sadness, rejection, bereavementt.
" What are you doing here. ? " Boses iyon ni Empress.
Sumandal si Lev sa upuan. " Makikipag- dinner sa kaibigan ko,.. Hindi ko Alam na nakabalik ka na dito?, We're have you been,? Empress. You're gone for almost 2 years. " Inis na inirapan ito ni Empress. " Bakit mo naman kaylangan malaman? Obligado ba akong sabihin sayo kung saan ako mag-punta. Get lost Lev. Ayoko nang makipag-usap sayo. Please... Wag ka nang lalapit pa sakin, pati nadin kila kuya. " Then tumingin si Empress sa kaniya. " Including ate Jas. Wag mong syang lalapitan. " Malalim na bumuntong hinginga Ito at mahinang tumawa then, nakaka-lokong tiningnan sila ni Empress. " Ate? You call her ate...tsk. nilason din ba ng babaeng ito ang utak mo.? " Wika nito. Napapikit siya ng mariin at naikuyom ang kamay. Mabilis niyang inabot ang baso na may lamang tubig at binuhos sa mukha nito. Narinig niya ang pagsinghap ni Empress at sa gilid ng paningin niya ay nakita niyang tumayo ang tatlong lalaki na pare-parehong nakasuot ng itim na suit. Itinaas ni Lev ang kamay. Like a signal then mabilis na umupo ulet ang tatlo. Kinuha nito ang table napkin na nasa lamesa at pinunasan ang mukha. " Umalis ka na please Lang. Hangat di pa nauubos ang pasensya ko Mister. Ayoko ng negative vibes ngayon please lang nakakaubos ng energy eh, tsaka kotang-kota kana sakin alam mo ba, " itinaas niya kamay. " Masakit pa din ang kamay ko dahil sayo, pati ang pang-iinsulto mo sakin ngayon-ngayon lang. Ano ba talagang problema mo sakin. ? " Nakita niyang napapatingin sa pwesto nila ang ibang costumer ng restaurant. " At Isa pa ayoko na ng Isa pang eskandalo. Trending na trending nako kagabi pa ayoko nang magtrending ulet. So please Alis na shoo! Alis.! " Nagtangis ang bagang nito at binitiwan ang table napkin na pinang-punas sa mukha. " You have some nerve, Lady. " Wika nito. Bigla itong hinarang ni Empress.
" Please, I don't want to see your face again."
Sandali nitong tinitigan si Empress bago lumabas ng restaurant kasunod ang tatlong aliporres nito. Napabuntong hininga siya at napahawak sa dibdib. My gosh! Ang sakit sa heart.
" Okay ka lang ate? " Tanong nito " yes, gutom lang Ito. " Sagot niya. Then dumating din sa wakas ang pag-kain nila.

Nagresintang ihatid niya pauwi si Empress ngunit tumanggi Ito. Masayang kasama mag-shopping si Empress, sobrang daldal nito at malambing. Hindi din niya maiwasang mapangiti nang maalala na ang halos na pinamili nito ay para pala sa pinsan daw nito na nasa Greece. Including shopping for her kuyas.
Halos inabot siya ng isang oras sa byahe dahil sa trapik. Nakarating siya sa parking lot ng Condominium building mga 8:24 pm na.
Pagkatapos iparada ng maayos ang sasakyan ay lumabas na siya ng sasakyan. Malawak ang parking lotat mangilan-ngilan lang mga sasakyan na nandoon.
Bitbit ang bag at ang binili niya sa jewelry store ay tinunggo niya ang malapit na elevator ng makarinig siya ng yabag sa likod niya. Dahan-dahang siyang humarap at ganun nalang ang gulat nang kung saan ay sumulpot sa harap niya si Spencer. Mukhang naka-inom ito dahil sa anyo nito, napansin din niya ang black eye nito, at gusot-gusot ang damit nito.
" S-spencer ? Okay ka Lang? " Kinakabahang tanong niya dito. Mapungay ang matang tiningnan siya nito tsaka tumawa ng malakas.
" Tinatanong mo kung Okay lang ako? Gaga ka ba ? Kasalanan mo tong babae ka! Sinira mo ako! Dahil sa ginawang mong pag-papahiya sakin kagabi nag-alisan ang mga investor sa company ko! Ipinabugbog ako ni Jeffrey.!
Pinagpe-pwestahan ngayon ang pagmumukha ko sa social media! "

Sigaw nito sa kaniya. Dahil sa takot ay dahan-dahang siyang napapa-atras. " Kumalka ka lang pwede..." Mahinahon niyang wika ayaw niyang ipakita na natatakot siya at baka samantalahin nito iyon para saktan siya.
" Hindi ako kakalma, Jasmine. Gagantihan din kita ipapahiya din kita. Or mas magandang patayin na lang Kita. Wala na eh sira na ako, makulong na kung makukulong ako, ang gusto ko lang ngayon ay makaganti sayong babae ka! " Nanlilisik ang matang wila nito sabay may hinugot sa bulsa ng coat nito. It's a Knife.

Nanginginig ang buo niyang katawan sa takot. Sobrang bilis ng pintig ng puso niya at pinagpapawisan na din siya ng matindi.
" Huminahon ka lang pwede? Hindi naman kailangang humantong sa ganito, ano ka ba Spencer. "
Habang tumatagal ay lalong tumitindi ang takot niya. Mukhang Wala na itong pakikinggan pa dahil sarado na isip nito.
" Gusto ko ang nakikita ko ngayon, tsk tsk akalain mong marunong ka pa lang matakot? Wag ka mag-alala bibilisan ko lang ito, sisiguraduhin kong mararamdaman mo ang bawat pag tarak ko ng kutsilyong Ito sa katawan mo. Sorry na lang Jasmine. "
Pagkasabi nun ay mabilis siyang nitong sinigod habang hawak ang kutsilyo. Dahil sa takot at ibinato niya dito ang paper bag na dala na tumama sa mukha nito na naging dahilan para bumagal ang paglapit nito sa kaniya tsaka siya mabilis na tumakbo sa elevator, pero nasa lower ground pa ang elevator habang ang pwesto niya ay nasa eleventh floor.
Napasigaw siya ng dambahin siya nito na ikinatumba nila sa semento. Hinawakan nito ang leeg niya habang hawak padin sa isang kamay ang patalim. Nag- sisisigaw siya at pinag-susuntok ito upang maka-alis mula sa pagkaka-higa sa semento.
" Tang Ina kang babae ka! Papatayin Kita!"
Sigaw nito. Dahil sa kakagalaw niya ay napunta sa bibig niya ang kamay nito na kaagad niyang sinamantala para kagatin iyon at napasigaw Ito sa sakit. Sinuntok niya ang mata nitong may black eyes at mabilis itong tinadyakan para makatayo, nabitawan nito ang patalim.

Bwisit! Wala bang CCTV Kung saan siya naroroon? Pati guard Wala?!
Mabilis siyang nakatayo at dinama ang leeg na nasakal nito, nalasan din niya ang dugo sa bibig napabaon ata ang kagat niya sa kamay nito. Nakita niyang unti-unti na itong tumatayo kaya mabilis siyang kumaripas ng takbo patungo sa fire exit. Pero lintik na kamalasan nakasarado iyon gamit ang kadena.
" Alam kong dadaan ka dyan kaya inumahan na Kita. "
Wika nito mabilis siyang natingin sa likod. Sapo nito Ang nasaktang mata , habang hawak ng dumudugong kamay ang patalim.
" Walang hiya!"
Sigaw niya dito, halo-halong emosyong na ang nararamdaman niya, gusto na niyang maiyak pero pinipigilan lang niya. Mabilis siyang tumakbo kung nasaan ang sasakyan niya, nahaltak Naman nito ang belt bag niya na hindi niya namalayang nakasuot pa din sa kaniya, kinalas niya iyon at nagtago sa likod ng sasakyan niya.
" Wala kang pupuntahan Jasmine, tayo lang ang tao dito ngayon. Hindi moko matatakasan. "
Wika nito sabay bato sa belt bag niya. Bwisit nandun ang susi at phone niya. " Baliw kana Spencer! Hindi-hindi moko mapapatay! " Sigaw niya. Napalingon siya sa ng makarinig ng ugong ng sasakyan.
" Tang Ina!"
Narinig niyang sigaw nito. Sinamantala niya iyon tsaka mabilis na tumakbo kung nasaan ang tunog ng sasakyan, Hindi niya alintana kung sumasasakit na ang paa niya dahil sa suot niyang 3 inches na stilleto!. Basta ang gusto lang niya makatakas. Mabilis din ang takbo nito. Pero napa-tigil siya ng makita ang nakababa ang gate na pwedeng pagdaan ng sasakyan patungo sa pwesto nila. Humihingal na napahawak siya sa bakal na gate.
" Pinag-planuhan mo talaga ito ano?"
Humihingal na sagot niya. Tumawa ito
" Oo Naman. Tang Ina! May sa aso ka pala ang talas ng ngipin mo."
Wika nito sabay ngiwi dahil dumudugo na ng sobra ang kamay nitong kinagat niya. Hinubad niya ang magkabilaang sapatos. She had no choice. Nakita nito ang ginawa nya.
" Hindi moko mapapatay gamit ang takong ng sapatos mo. "
" Hindi nga ba? Mas mauuna ka pang malagutan ng hininga sakin, look at that wound. Your bleeding furiously." Sigaw niya dito.
" Gago ka!" Sigaw nito tsaka sinigod siya pero just like a flash ay bumulagta ito at tumilapon ng mabilis itong banggain ng isang itim na motor. Napatanga nalang siya at nabitawan ang sapatos na kanina pa niya mahigpit na hawak-hawak.
" Damnit, il mio miele! Are you okay.! " Sigaw nito ng makababa ng motor at alisin ang helmet nito.
Nakatingin lang siya dito habang nag-uunahan ang mga luha sa pisngi. Mabilis siyang lumapit dito mahigpit na napakapit sa katawan nito at humagulgol.






Pa-vote and comment po (「'・ω・)「

THE LOSER CLUB SERIES: 1 Jasmine Buenaflor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon