Pasalampak ngayon na nakaupo si Jasmine habang hawak ang umuusok na tasa ng kape at nireplay isa-isa ang mga pangyayari mula sa party ng Auntie niya hangang sa bahay ni King pati ng ihatid siya nito sa unit niya. Bagot na bumuntong hinginga siya, binaba niya ang tasa ng kape at binuhay ang phone niya na i-noff niya dahil sa sobrang daming missed calls from her friends, common friends mga colleagues pati mga dati niyang mga naging classmates nung college at high School. Panu naman kasi ay trending sa social media ang ginawa niyang pag-papahiya sa mag-titiya. Pati na din ang intimate kiss nila ni King na para daw isang scene sa movie dahil nakaka-kilig daw. Pambihirang buhay to. Napasabunot siya sa buhok, Arghh!!!. Parang sobrang bilis ng mga pangyayari, dahil tingin niya ay nahuhulog na siya dito. For frikin sake noong nakaraan lang sila nagka-kilala. But he treated her like matagal na siya nitong kilala. He's super sweet gentleman plus nalang dito ang looks nito, Damn! Plus lang ang looks nito? Baliw ka self! He's super handsome not just handsome hot pa! Good kisser pa! Bwisit diba? Asan ang hustisya! Pa-fall masyado ang kamahalan niya, Siya naman marupok!
Isinumsob niya ang mukha sa unan na nasa safa at nagtitili! " Bwisit ka King Alexander Ross! "
Pinatay niya ulet ang phone ng mag-ring iyon. Ayaw muna niya kumausap ng kung sino kahit kaibigan pa niya. Muli niyang kinuha ang tasa ng kape at uminom at bigla nalang niyang nabuga ang kape ng tumunog ang doorbell. " Bwisit naman! Sino naman kaya yan? " Tumingin siya sa wall clock it's past 9:00 am na!. nilingon niya ulet ang nakasarang pintuan, at biglang napa-diretso ng upo. Hindi kaya si King yun? Bulong niya sa isip, madali siyang tumayo at inayos ang magulong pangtulog, naka suot siya ng oversized white t-shirt at sky blue na pajama. Pati ang magulong buhok niya ay ipinusod niya. Takte para siyang high schooler dahil sa inaakto niya!.Nakangiting binuksan niya ang pintuan at.
" Hi, ate Jasmine. Good morning.! " Masiglang bati sa kanya ni Empress, King's little sister. Hindi niya iyon inaasahan. Bokya ka na naman siya two times na! Asumera ka kasi, pag may kumatok si King na agad? bulong niya sa isip. " G-good morning, anong ginagawa mo? Pasok ka. " Niluwagan niya ang pintuan at pinapasok ang bisita niya.
" So, gusto mo ba ng kape, tea, chocolate drinks? " Tanong niya dito at inaya sa salas. " I'm okay, I eat naman bago pumunta dito sa unit mo " ngiting bati niya dito. Tumango siya. " Teka paano mo nalaman ang address ko?. " Tanong niya. " Kay Kuya Sev, kinulit ko siya nang kinulit, si kuya King kasi tulog na tulog pa wala pa kasing maayos na tulog iyon kaya diko na ginising para tanungin. Si Kuya Duke naman walang ideya kung saan ang address mo. Halos murahin nako ni Kuya Sev dahil inisturbo ko daw tulog niya. " Bigla itong natawa. " Ang sarap talagang asarin ni kuya Sev. " Iiling-iling nitong sagot. Pero ang isip niya ay natuon sa sinabi nitong wala pang tulog ang kamahalan niya. Kawawa naman. Napanguso siya. Humarap Ito sa kaniya. " Ate Jas, pwede mo ba akong samahan mamasyal at mag-shopping? Matagal-tagal na din kasi ng makauwi ako dito sa Pilipinas, mga 2 years na din, so pwede mo ba akong samahan? Please?. " nag-pout Ito, na-iiling na napangiti siya. Just like King.
" Okay Lang, Wala Naman akong gagawin dito sa unit ko, and besides baka matulog lang ako maghapon kung hindi pumunta dito ngayon. " Sagot niya.
" Yey! Thanks ate! " Pumapalakpak pa ito na parang Bata. " Maliligo lang ako, wait ka nalang muna dito, kung gusto mo ma-nood ka muna ng TV. " Wika niya tsaka ini-abot nito ang remote ng tv, " sure ate. " Kinuha nito ang remote. Mabilis siyang pumunta ng kwarto at nag-hanap ng masusuot, then pumasok sa bathroom.Maingat na ipinarada ni Jasmine ang kaniyang sasakyan sa parking lot ng Mall na pinuntahan nila ni Em, naka-ilang ikot sila para makahanap ng parking space, Sunday kasi ngayon kaya madami ngayong tao sa mall. " Hay sawakas naka-park din sa wakas. "
Wika niya tsaka tinanggal ang seatbelt, ganun din ang ginawa ni Em. " Matgal na din mula nang mapunta ako sa Mall nato. " Nag-iinat na wika nito. " Sa kuya mo itong Mall nato diba? " Tanong niya dito. Naalala pa na niya nang unang silang nag-kakilala ni King sa grocery store ng Mall nato. Lumingon sa kaniya si Em. " Hmm. Yan ba ang sabi niya sayo? " Natigilan siya " bakit hindi ba? " Tanong niya. " Halos lahat kasi ng business ni kuya ay Hotels, condominium and resorts." Tumigil ito saglit at tumingin sa kaniya at ngumiti " including the Heights Tower Condominium were you leave ate, my kuya owns that. " Nabigla siya sa sinabi nito...
Okay.....? Pagkasabi nun ay hinila na siya nito papasok sa Mall. Una nilang pinuntahan ang ilang mamahaling botique, patingin-tingin lang siya sa mga damit na nandoon. Hindi niya kinakaya ang presyo ng mga damit, napangingiwi nalang siya sa mga presyo ng mga Ito. " Bagay ba ate Jas? " Tumingiti siya at tumango dito. Pagkatapos nitong isukat at bayaran ang binili nito ang next naman nilang pinuntahan ay isa brand ng mamahaling bag at sapatos. Nag-paalam siya dito saglit ng makita ang katabi nitong jewelry store. Madami-dami din ang mga costumer ng store na puros magkaka-parehas, hindi niya mapigilang mainggit.
Nainggit ka naman self? Next time isama mo din King. Charot! Napangiwi siya, then tinungo niya ang mga glass na naka-desplay kung saan nandoon ang magagarang mga alahas. Masyadong takaw sa tingan ang mga napapasadaan niya ng tingin. Nakakingiting lumapit sa kaniya ang isang babaeng tauhan ng store. " Hello Ma'am welcome to Ferrars House of Crystals. Ano po bang hanap niyo.? " Tanong nito ng all of sudden nanlaki ang mata nito at dali-daling binulungungan ang kasama nito na tumingin sa kaniya. Tumaas ang kilay niya, pinag-bubulungan ba siya ng mga Ito?.
Then mayamaya ay nakangiti lumapit sa kaniya ang dalawang babaeng sales lady. " Kayo po si Miss Jasmine Buenaflor di po ba?." Tanong ng dalawa.
Nagtatakang tumango na lang siya. Nabigla siya ng hilahin siya nito sa pinaka-office ng shop.
" Teka Lang? Ah ano bang ginagawa niyo.? " Hinila niya ang braso sa dalawa. " Ma'am binilin po kasi ng pinaka boss namin na kapag napunta kayo dito sa shop namin ay asikasuhin namin kayo. " Sagot nung isa. " Like VIP po ma'am. " sagot pa nung isa. " Paano kung dinaman ako bibili? Yung tumitingin-tingin lang ako?.." sagot niya. Nagtinginan ang dalawa at sabay na nagsalita. " Bibigyan po namin kayo ng malaking discount. ". Humalukip-kip siya. " Gaano naman kalaki ang discount?." Na-curious siya bigla kung gaano kalaki ang ibibigay na discount sa kaniya. Kaya luminga-linga siya sa mga naka-desplay na alahas at napansin ang simpleng silver na necklace na may maliit na crown pendant na gawa sa crystal. Tumingin siya sa dalawa at itinuro ang necklace. " This i want to buy this. " Natutuwang lumapit sa kaniya ang dalawa. " It's ₱50,000 ma'am, with 80% discount para sayo. " Nakangiting sagot nung isa. Halos mahulog ang panga siya sa sinabi nito. " ₱50,000 ?! Seriously then 80% ?!! 10k nalan?!." Hindi niya mapigilang maibulalas.
" Yes, ma'am actually po couple necklace yan kaya po ganun ang price. " Tinuro nito ang katabing glass na display. " Danun po yung kapares ng necklace na Yan. " Tinungo niya ang katabing glass, kaagad niyang nakita ang kapares it's also a silver necklace pero pang lalaki naman style at crown din iyun pero ang crystal naman na naka-disenyo ay itim. Matagal niyang tiningnan ang kwintas. Babagay kaya yan kay King? Tanong niya sa isip at walang sabi-sabi at walang panghihinayang na kinuha niya ang card niya sa wallet niya. " I'll buy this two. " Tuwang-tuwang nag-apir ang dalawang sales lady.May ngiti sa labi na lumabas siya sa Jewelry Store.
Sabay naman ang paglabas din ni Empress sa botique.
" Tapos ka na ba sa pinamili mo Em.? " Tanong niya. Ang isang paper bag na bitbit nito ay apat niya. " Yes ate, ikaw mukhang may nabili ka din ah?." Turo nito sa hawak niyang maliit na paper bag. " Wala eh natukso sa malaking discount na binigyan sakin. " Hindi mapuknat ang ngiti niya sa labi. Lumapit sa kaliwang braso niya si Empress. " Did you know ate na kaibigan ni Kuya ang may-ari ng Ferrars House of Crystals. ? " Wika nito. She smirked. " Hindi nako nag-tataka, " sagot niya. Tumawa ito at nag ikot-ikot pa sila hangang marating ang arcade. Bumili sila ng madami-daming tokens. Nag-simula sila sa claw machine na punong-puno ng stuff toys ang loob. Doon naubos ang oras nila dahil dadalawa lamang ang nakuha nila.
" Hmm... Ang daya halos maubos na ang tokens ko Ito lang ang nakuha ko, Isusumbong ko to kay Kuya Liam. Madaya ang mga clawa machine niya. " Parang batang sumbong nito. Then after mag-arcade ay nanood sila ng sine. She thinks ganito pala ang may kapatid na babae, Hindi niya iyon naranasan dahil only child lang siya, and she used to hangout with her cousin before bago ito magpakasal at magka-anak. Dati-rati din ay may bonding session silang mga loser, but this days napapansin niyang bihira nalang din mangyari dahil busy na silang magkaka-ibigan.Sa sobrang pag-eenjoy nila ay hindi na nila namalayan ang oras, pagabi na pala. Kaya bago nila naisipang umuwi ay nag early dinner muna sila.
They entered a restaurant, it serves all Filipino dish.
Sa pinaka-dulo sila umupo. After nilang umorder ay nagpa-alam mo na si Empress na mag-ccr.
" What a pleasant surprise, hindi ko inaasahan na makikita Kita dito. " Napatingala siya sa nag-salita.
Biglang bumundol ang kaba sa dibdib niya nang makilala ang kaharap.Late update
Sorry po.Vote and comments po thanks
┏(^0^)┛
BINABASA MO ANG
THE LOSER CLUB SERIES: 1 Jasmine Buenaflor
Roman d'amourDoctor X Ex-Mafia Boss Jasmine Buenaflor and King Alexander Ross story. 👑