Chapter Seventeen

82 7 0
                                    

Pag-pasok nila sa unit niya ay maingat na ibinaba siya nito sa kaniyang sofa. Isinarado nito ang pintuan at tumabi sa kaniya. Hindi niya mapigilang titigan Ito.
" Bakit? May masakit pa ba sayo ? " Seryosong tanong nito. Umiling siya.
" Where's your medicine kit? " Tanong nito.
" Nasa kabinet na yun. "
Tinuro niya ang cabinet na nasa taas ng ref niya. Tumayo ito at kinuha Kung nasaan ang medicine kit. Pag-balik nito ay tumayo siya.
" Maliligo muna ako bago gamutin ang paltos ko sa paa. "
Wika niya.
" Wag ka ng nag-abalang buhatin ako,
nandoon lang naman ang kwarto ko."
Namewang Ito at pasalampak na umupo sa sofa mukhang naiinis ata.
" Go, maligo kana, oorasan kita, thirty minutes lang pagtapos na Wala ka dito papasukin kita sa kwarto mo. " Wika nito.
" Anong klaseng ligo yun? Thirty minutes lang mag-bibihis din kaya ako ano. 35 minutes. "
Sagot niya Hindi na niya hintay Ang sagot nito iika-ikang pumasok siya sa kwarto kumuha ng damit pangtulog bago pumasok sa banyo.

Walang pang twenty minutes ay tapos na siyang maligo. Pagkatapos mag-bihis ay Iika-ikang tinungo niya ang kaniya kabinet kung nasaan ang hair dryer niya.
Umupo siya sa isang silya na kaharap ang medyo may kalakihang salamin. Ng biglang bumakas ang pinto. Sumungaw si King na bitbit ang isang baso ng gatas at dala ang medicine kit.
Napahinto siya sa ginagawa.
Inilapag nito ang kit sa kama at lumapit sa kaniya at ini-abot ang baso ng gatas.
" You drink this, para mabilis kang makatulog. " Inabot niya ang gatas.
" Thank you " sagot niya.
" Pinakialaman ko ang cabinet mo ng pag-kain, wala akong makitang gatas miski sa ref mo kaya lumabas ako saglit para ibili ka. "
Sagot nito sabay kuha ng hair dryer na inilapag niya sa lamesa.
" Let me para mabilis matuyo yang buhok mo. "
Hindi pa din siya makareact sa pinag-gagawa nito. Mabilis siyang tumagilid at unti-unting ininom ang medyo maligamgam na gatas.
Itinodo nito ang hair dryer at hinawakan ang hibla ng buhok niya mukha itong expert sa ginagawa. Haist naman King bakit ang sweet sweet mo? Kaunti nalang ang pisi sa puso ko bibigay na talaga ako. Bakit hindi pa ba?
Napapikit siya, Hindi niya talaga ipinahahawak ang buhok niya sa iba maliban lang kapag nag-papasalon siya dahil mabilis siyang inaantok kagaya ng ginagawa nito ngayon sa buhok niya. Binaba niya ang baso ng gatas na ngayon ay ubos na niya.
" Mukhang expect ka sa paghe-hair dry ah.. " pabiro niyang tanong.
" Yes, ginagawa ko to dati kay Mom pati kay Empress. "
Malungkot na sagot nito.
" Magaan daw kasi ang kamay ko. " wika ulet nito.
Ngumiti siya
" Magaan nga, inantok ako bigla eh " para sa isang lalaki magaan talaga ang kamay ng kamahalan niya.
Huminto ito saglit.
" Madali kang nakaka-tulog kapag kapag hinahawakan ang buhok mo?" Tanong nito.
" Oo, ganun kasi dati ang ginagawa ni Mommy sakin para makatulog ako, sinusuklayan nya ako hangang sa makatulog. "
Ngumiti ito at pinatay ang hair dryer.
" Done, tuyo na ang buhok mo. Now let's treat your feet. "
Binuhat siya nito sa kama niya.
" Bakit mahilig kang mang-bigla.? " Tanong niya.
" Wala Lang," sagot nito at binuksan ang medicine kit at kinuha doon ang alcohol, bulak pati ointment.
" It's going to hurt tell me okay.?  "
Wika nito sabay patak ng alcohol sa sugat niya. Mabilis itong tumingin sa kaniya ng wala ni isang violent reaction.
" Hindi ka nahahapdian. ? "
Tanong nito.
Kinuha niya ang alcohol na hawak nito at binuhusan ang parte na may sugat.
" Mahapdi siya, pero mas gusto ko yun. " Sagot niya. Natawa siya ng makita ang reaksyon ng mukha nito.

" Sadista ka?"
Tanong nito. Tinampal niya ang noo nito.
" Sira!porket hindi ako nahahapdian sa alcohol sadista na.? "
Inis na sagot niya. Tumawa Ito ng malakas.
Bumuntong hinginga nalang siya at siha na mismo ang naglagay ng ointment sa paltos niya. Nakasimangot na sinara niya ang medicine kit at tiningnan Ito na panay pa din ang tawa.
" Ano kayang nakakatawa dun. ? Nababaliw ka na . " Iiling-iling na sagot niya.
Umayos Ito ng pagkakaupo sa kama at tinitigan siya.
" I'm glad okay ka lang, tsk! Muntikan nakong makapatay ng tao kung nahuli lang ng dating sila Sev. " Seryosong wika nito.
" Thank you ulet, sa lahat-lahat... "
" Dahil ba sa pag-ligtas ko sayo? " Tanong nito.
" Hindi lang naman yun, Ito sa pag-titimpla mo sakin ng gatas, sa pag-papatuyo ng buhok ko sa.... Sa pag-papagaan ng pakiramdam ko,.... Thank you. "
Nanatili lang itong naka-tingin sa kaniya na parang pinag-aralan ang mukha niya.
" Ang cute, cute mo talaga..." Pagkasabi nun ay pinisil nito ang magkabilaang pisngi niya.
" Ouch! "
Sigaw niya tsaka tinapik-tapik ang kamay nito sa pisngi niya. Tawa naman Ito ng tawa.
" Kanina ko pa napapansin na pinag-tatawanan moko.,"
" Ang cute mo kasi "
ilong naman niya ang pinisil nito.
" May nakakatawa ba sa pagiging cute ko? Nabubuang ka na naman. " Wika niya tsaka umusog hangang sa makasandal sa headboard ng kama niya.
" Your room is nice, smell nice just like the cute owner. " Hindi niya maiwasang mamula sa sinabi nito.
Nakangiting umusog Ito at ngayon ay magkalapit na naman sila.
" Ang dami mong napapansin, Alam mo ba Yun. " Kinuha niya ang isang unan at niyakap Ito.
" Now I'm jealous on that pillow. " Wika nito.
" Umuwi ka na nga, kanina mo pa ako pinag-titripan eh. " Pang-tataboy niya dito dahil medyo nag-iiba na ang temperatura ng buong silid niya. Nabigla siya ng bigla siya nitong hilahin papunta dito at ngayon ay yakap na siya nito. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa ginawa nito. Dinig na dinig din niya ang malakas na tibok ng puso niyo.
" Just for a moment, I just want to hug you tightly. "
Nagtayuan ang buhok niya sa batok dahil tumatama doon ang hinginga nito.
Hindi siya makapag-isip ng mabuti, his warm hug makes her more safe and secure. Kung pwede lang na ganito nalang sila palagi ay okay lang. Pumipikit siya para mas marandamang ang yakap nito ng bigla itong kumalas sa kaniya. Ngayon ay magkalapit na naman ang mukha nila and they're stared at each.
" May sugat ang labi mo kanina hindi ba? I saw blood flow on your lips earlier.  " Tanong nito.
Umiling siya.
" ah yun ba, Hindi sakin yun, dugo yun ni Spencer ng kagatin ko ang kamay niya. " Sagot niya.
Tumaas ang kilay nito.
" Ganun katalas ang ngipin mo? My....my.. I should be careful when that time comes. " Emphasizing the word " that ".
Nanlaki ang mata niya at pinag-susuntok ang dibdib at braso nito.
" Pervert!!!! "
Naguguluhang sinalag nito ang mga atake niya.
" What? May masama ba sa sinabi ko?. "
" Oo! Pervvvvv...!! " Sigaw niya. She cought of guard ng itulak siya nito pahiga sa kama, King on top of her.
Nanlaki ang mata niya.
" Get off. " Utos niya niya dito.
" No " sagot nito, sinubukan niyang itulak ito pero mabilis ang mga kamay nito at hinuli Ang kamay niya at inipit pataas sa ulunan niya.
Nanlaki ang mata niya at kinabahan sa posisyon nila ngayon.
He's smiling like crazy fool.
" A-ano ba King.. Hindi na to nakakatuwa. " Wika niya.
" It's a punishment, para sa pang-hahampas mo sakin na hindi ko naman alam ang dahilan. " She's about to say something, nang bigla nalang siya nitong halikan.



(っ˘з(˘⌣˘ )

THE LOSER CLUB SERIES: 1 Jasmine Buenaflor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon