Chapter Twenty

91 9 0
                                    

After ng insidente sa parking lot ng Condominium building na tinitirahan niya ay napansin niyang humigpit ang security ng buong lugar. Bawat parking spot din ay armado ng mg guard.
Ang pagkukumpulan din ng mga reporter sa labas ng condominium building at clinic niya para makuhanan siya ng komento ukol sa pagtatangka sa kaniya ni Spencer pati ang sa kanila ni King natapos din, kahit ni isa ay wala siyang sinagot sa mga tanong ng mga Ito.
Sa wakas tahimik na ang pamumuhay niya.
Pero hindi niya maiwasang malungkot na walang King Alexander Ross ang kumukulit sa kaniya. Miss na niya ito after ng ipagluto siya nito sa unit niya ay wala itong ni isang paramdam. Kahit text or tawag wala. Buti pa ang kapatid nito kinakamusta siya.

Tiningnan niya ang pambisig na relo.
Maaga pa para sa pag-punta niya sa krame, ngayon kasi ang araw kung saan ibibigay niya ang kaniyang salaylay.
Bitbit ang bag at susi ng kotse ay lumabas na siya ng unit niya at elevator.
Pag-dating niya sa parking lot ay binati siya ng guard na nagbabantay doon.
She's half way putting her seatbelt ng makatanggap siya ng text message. Kinuha niya ang phone at binasa iyon, it's her Aunt.
" We're on the way, mag-kita nalang tayo sa krame. Okay. Love you pamangkin. "
Mabilis niyang nireplayan ang Auntie niya.
" Okay po Auntie, on the way na din po ako. "
Pagkatapos niyang i-type ang memsahe sa auntie niya ay. Nagmaneho na siya paalis sa Condominium.
Nang malaman ng Auntie niya ang nangyari sa kaniya ay halos mag- puyos Ito sa galit. Muntikan na din nitong sugurin sa presinto si Spencer pero napigilan lang nila dahil baka makasama sa kaso kapag-ginawa iyon ng Auntie niya.

Pag-kadating niya sa Krame ay nakita niyang nakikipag-tigasan ng tingin ang Auntie at Pinsan niya kay Mrs. DeCuna at sa dalawa nitong kasama, The Young sister Ellen and Esther.
Mukhang may mangyayari di maganda, nakikini-kinita na niya. Tahimik siyang naglakad ng may kumalabit sa kaniya.
Ang nakangiting pag-mumukha ni Ten ang nakita.
" Hey there." Tawag nito.
Hinarap niya Ito, doon niya nakitang kasama nito si Sev at Isa pang lalaking hindi niya kilala.
" Ano namang ginagawa nyo dito? " Tanong niya.
" We're here to support you, fighting! " sabay taas ng kamao nito.
" Seriously..? " napa-iling siya sa ginagawa nito,
" Well part of, kasi Kuya King told us to makes sure na walang mangyayari sayong masama, other wise malalagot kami. "
Kumunot ang noo niya.
" Nakakatakot ba magalit si King?..." Puno ng kuryusidad na tanong niya. She knows his sweet and caring side pero hindi pa niya alam ang iba tungkol dito. Nararamdaman niyang madami pa siyang hindi alam tungkol sa Kamahalan niya.
" Ahm, yup." Maikling sagot nito tsaka may kuryusidad na tiningnan siya. " I'm thinking that you still don't know much more about kuya King. Tama ba ako ? " Tanong nito.
Hindi pa siya nakaka-sagot ng magsalita ulet Ito.
" You better know it yourself. Fighting! " Ngiting sagot nito tsaka iniwan na siya at pinuntahan si Sev at ang kasama nito na nag-uusap.
Hindi niya mapigilang mapa-isip. Kaunti palang talaga ang alam niya tungkol dito.

IT'S been four days magmula ng umalis siya sa Pilipinas at nagtungo sa Italy. Aside sa meron siyang business conference na kailangan niyang daluhan for three fucking weeks! He's also here to meet a friend.
Matapos ang mahigpit check point na pinanatutupad bago makapasok sa lupain ng mga Fabre ay narating din niya sa wakas ang malaking masyon ng mga Fabre sa Bologna.
Ipinarada niya ang kaniyang sasakyan sa malawak na garahe ng mansyon. Mula sa malaking pintuan ay lumabas doon ang matandang mayordomo ng mga Fabre. Bata pa lang siya ay ito na ang nagsisilbi sa pamilya. Gumuhit ang ngiti sa mukha nito ng makita siya.

" Magandang araw, Senior Ross, Matagal-tagal na din ng huli tayong magkita."
Bati nito sa lengwaheng Italiano.
Lumapit siya dito at naki-pag kamay.
Bati niya sa matandang mayordomo.

" Mas malakas pa ako sa isang bagong panganak na lobo. " Biro nito. " Ano nga po palang pakay ninyo sa mansion? " Tanong nito.

" Hinahanap ko si Finnick, nandito po ba siya. ? "
Tanong niya.

" Nasa kaniyang silid ang Lord Finnick, Baka natutulog pa din hanggang ngayon, o baka ay may ibang pinag-kakaabalahan. "
Wika nito tsaka umiling.
Pag-katapos makipag-usap sa matanda ay itungo niya ang elevator paakyat sa silid ng kaibigan. Yes that maniac has an elevator in his fucking mansion.
Pag-labas niya sa elevator ay tinungo niya ang pinaka master bedroom. Alam niya ang pasikot-sikot sa mansyon na ito dahil palagi sila sa mansion na Ito noong teenager pa sila ni Duke ay tumatakas sila sa kanilang bahay para lang makipag-laro sa magkapatid na Finnick at Finnigan. They're not twins mas matanda ng tatlong taon si Finnick kay Finnigan. Kinatok niya ang makapal na pintuan ng kwarto. Pero walang sumasagot then napakunot siya ng makarinig ng ingay sa loob. Then napa-kamot nalang siya sa batok at sumandal sa pader na katabi ng pintuan. He's friend is
" busy" 
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang number nito. Matapos ang ilang ring ay sumagot ito.

THE LOSER CLUB SERIES: 1 Jasmine Buenaflor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon