Part 4: Hell

26 24 0
                                    

Cassi's POV

Months have passed at unti-unti akong nakakaramdam ng selos kay Kerzelle.
Oo nga't lagi akong kinakausap ni Drake pero puro na lang si Kerzelle ang topic.

Lagi na lang siya. tsk!

I know hindi ko dapat 'to maramdaman because being a jealous person is a sin.

Well. Bahala na! 'Di ko mapigilan e.

And actually, 'di naman talaga selos ang nararamdaman ko. Inggit be! Iyon talaga 'yon! I envy her. I'm really really envious and I hate it.

But here I am, hinahatid ng manliligaw ko.

Now you're thinking that I'm a flirt?

Tsk.

Wala akong choice, gusto ko rin makatipid sa pamasahe. 'Di ko naman siya sasagutin e. Yaah! I'm a wicked person.

"Hatid na kita," sabi pa niya. At dahil nagpapanggap lang ako ay nagpahatid ako sa bahay ng kaklase ni mama noon. Sa tahanan ng pinaglalabahan niya.

Pagkababa ko sa tapat ng magandang bahay na iyon ay dumungaw ako sa may bintana ng kotse niya.

"Thank you," sabi ko.

"Sige na pasok ka na," sabi niya dahilan para makaramdam ako ng kaba.

N-no way. Wala naman diyan si mama e. 'Di ako pumupunta diyan kapag hindi oras ng laba niya.

"Hindi. Hintayin muna kitang umalis," sabi ko at saka pilit na ngumiti.

"Hindi. 'Di ako aalis hangga't 'di kita nakikitang pumapasok," panlalambing pa niya habang ako ay kinakabahan.

I have no choice.

Nagpaalam na ako ulit at saka naglakas-loob na pumasok. Pagpasok ko ay pumunta ako sa gilid para 'di niya makita ang mga paa ko at kunwari'y tuluyan na akong nakapasok. Nang maramdaman kong umandar na ang sasakyan niya at nagsimula ng bumiyahe papalayo ay nakahinga ako nang maluwag. Balak ko na sanang lumabas nang bigla may magsalita.

"Hoy! sino ka?" napatigil ako sa boses na iyon. Dahan-dahan pa akong lumingon at nakita ko ang malditong anak ng kaklase ni mama.

"Ayyy, sorry. Mali pala ang napasukan ko. I'm just drunk, sorry," pagpapalusot ko at nagmadaling binuksan ang gate.

"Halatang nakainom ka nga," pagiging sarcastic niya. "Hmm. 'Di halatang nagkamali ka ng napasukan. You did it on purpose right?" pambibisto niya. Napalunok ako't lakas-loob siyang hinarap.

"So what? Don't bother me," pagtatapang-tapangan ko.

"Ay, wow! Ako pa ang nangbother?" kunot-noo niyang tanong. I just rolled my eyes and sighed.

"Don't mind me and forget me na lang okay? 'Di mo naman ako kilala," sabi ko at aakmang aalis na ulit nang bigla na naman siyang magsalita.

"Bakit ko naman hindi makikilala ang anak ng labandera namin?" nakaramdam ako ng inis. Parang minamaliit niya pa ang nanay ko.
"Hi, Peia," bati niya sabay ngisi.

"Tsk!" naiusal ko na lang ar saka umalis na. Nagmadali na ako kahit nagsasalita pa siya ng kung ano-ano.

Nasaktan ako sa part na parang ininsulto niya ang mama ko. E ano naman kung labandera lang siya? Marangal pa rin naman 'yon ah?
Buti nga at 'di siya nagtatrabaho dun sa patay-sinding ilaw e.

Taeng yan! First time ko lang siyang makausap ta's gano'n pa? Tsk! Kaya walang kumakaibigan do'n e. Bully!
Napairap na lang ako habang naglalakad palabas ng village nila.

Grandma's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon