Part 12: Who?

24 19 0
                                    

Drake's POV

Napansin kong tulala lang si Jane mula nang magsalita ako hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay nila.

"A-ano, Jane. Nandito na tayo sa inyo," alanganin kong sabi. Napansin ko namang bumalik siya sa reyalidad at dahan-dahang lumingon sa akin na para bang nag-aalangan.

"S-salamat," nauutal niyang sabi at nagmadaling lumabas ng kotse't patakbong pumasok ng bahay nila.

I sighed.

Sana, bigyan niya ako ng chance.

Sinimulan ko ng paandarin ang sasakyan at umuwi na.

•••

Kerzelle's POV

Habol ko ang aking hininga nang makapasok nang tuluyan sa bahay.

Bakit ba kasi ako kinakabahan?

Hinayaan ko lang ang hingal ko na mawala bago ako umakyat at tumungo sa kwarto. 'Di ko na rin pinansin ang pangungulit ng bunsong kapatid ko dahil sa 'di ko alam.

Parang lutang ako ngayon.

Nilapag ko lang sa kama ang bag ko at naupo't nagmuni-muni. Nasasaktan ako nung 'di kami nagkakausap ni Drake. Masaya ako tulad na lang ng nangyari kanina.

What if I'll give him a chance?

'Di naman siguro mauulit ang dati 'di ba? 'Di naman siguro niya ako niloloko?

Huminga ako nang malalim dahil sa mga naiisip ko.

Hindi ba masyadong maaga para sa ganoong bagay? Nakaraang taon lang pumanaw sina Clyde.

H-hindi naman ba ako masamang tao? Am I really a flirt?

Napatingin ako sa may pintuan nang tumunog iyon pabukas.

"Anak, can we talk?" tanong ni mama.
Tumango naman ako kaagad at tumayo. 'Di na rin kami nakakapagbonding ni mama.

"Magbibihis lang po muna ako," sabi ko pa. Tumango lang siya.

"Sige. Do'n tayo sa rooftop," sabi niya at isinara na muli ang pinto. Nagtaka naman ako kung bakit.

Ano kayang pag uusapan namin?

Pagkaakyat ko ng rooftop ay naroon na si mama at nakatalikod siya sa akin habang nakaupo. Lumapit naman ako sa kaniya at naupo sa tabi niya. Narinig ko pa ang paglanghap niya ng hangin bago magsimulang magsalita.

"Ayoko ng itago sa iyo ito anak," salitang nakapagpakaba sa akin.

A-anong tinago niya? May sikreto siya?

•••

Drake's POV

Nagtungo agad ako sa bahay nina Jane matapos kong gumayak at mag-almusal. Pagkarating ko ay ipinark ko sa tapat nila ang kotse ko at nagdoorbell sa gate nila.

"Kuya Drake!" si Ria ang lumabas.

"oh, Ria? Si ate mo?" tanong ko.

"Magkakilala kayo ni ate?" tanong niya pabalik.

Oo nga pala. 'Di niya pa kami nakita ng ate niyang magkasama kaya akala niya 'di kami magkakilala.

"Oo," nakangiti kong sagot.

"Ahhh, nasa school na po siya e," sabi niya. Base sa mukha niya ngayon ay parang bigla siyang nalungkot. Gusto ko sana siyang tanungin pero pumasok na siya.

Grandma's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon