EPILOGUE
2 years later...
"Kadena, Kerzelle Jane," tawag ng nasa stage habang kami ay nakapila.
Graduation na namin at ngayon ay kasalukuyan na naming inaabot ang aming diploma.
MATAPOS ang graduation ay nagpicturan pa kami at saka nagplano kung saan kami kakain.
"Sam g tayo!" aya ni mama kaya nan do'n na kami nagpasyang kumain.
Kasama ko ngayon si Drake maging ang pamilya niya. Kasama ko rin naman sina mama at Ria.Ang sarap sa pakiramdam. 'Di ko akalain na mangyayari 'to. 'Di ko rin akalain na may sumpang nakabuntot sa akin na matatanggal lang dahil sa lalaking kahawak-kamay ko ngayon. Kay Drake.
Masaya kaming nagsikain na may kasamang kwentuhan at naglibot libot upang bumili ng mga nais namin tsaka nagpasyang umuwi dahil may grad ball pa kami mamaya.
MABILIS natapos ang pagkain at pag-uusap. Pagkauwi namin ay parang nagbihis lang ako para sa graduation ball.
"You look stunning," usal ni Drake habang pababa ako ng hagdan. Ngumiti lang ako sa kaniya at saka nagpatuloy sa pagbaba.
"Ang ganda mo. Kaya lang, maliit ka," pag-uyam niya. Inirapan ko lang siya na ikinatawa niya.
"But still, you're gorgeous. Yieee!" pambawi niya. Umirap lang ulit ako sa kaniya at saka napangiti.
It's been 2 years mula nang ligawan niya ako at hanggang ngayon, nililigawan pa rin niya ako. Well, maria clara si ate mo e.
But this night, I'll give my answer to him. Tulad ng mga ginagawa niya sa akin na romantic surprises, may surpresa drin akong ginawa ngayon sa kaniya. And ofcourse, si Cassi rin ang kasabwat ko.
It's just a simple romantic surprise pero I still need Cassi to help me with it.
"Tara na?" aya ko. Inalok naman niya ang kamay niya at siyempre, inabot ko 'yon. Akay-akay niya ako hanggang sa makasakay kami sa kotse niya.
KASALUKUYAN na kaming nasa ball at medyo late na pala kami according to Cassi. May mga nakagown dito pero more on dress naman ang suot.
Isa rin ako sa mga hindi naggown pero nakaskirt ako ng pagkahaba-haba.
Maarte iyong isa e, ayaw makitaan ako.
'Di na bale daw na sleeveless basta raw 'wag sando at mini skirt ang suot ko.
Feeling jowa?
Well, magiging jowa naman na kita mamayang 9pm.
Okay naman na 'to kesa sa gown. Mas madali gumalaw pag ganito lang ang suot.
I'm wearing a white sleeveless croptop and of course, white long skirt. Si Cassi naman ay nakadress na beige.
Matapos ng program ay nagsikainan na kami at saka nagsayawan. Hindi yung pangdisco ha. Iyong pangball na sayaw siyempre.
'Di naman ako sumayaw dahil iniisip ko ang gagawin kong pagsagot kay drake mamaya. Medyo kinakabahan ako.
Habang patapos na ang sayaw at magcoclosing remarks na. Unti-unti akong nawala sa paningin ni Drake habang si Cassi ay nililibang siya. Nang makaalis na ako nang tuluyan ng school ay nagtungo na ako agad sa parke kung saan ko siya sasagutin mamaya.
Buti na lang ito lang suot ko. Mas nakakakilos ako dito.
Maya-maya lang ay nandito na ako sa parke kaya naman nagtago na ako sa may puno. Nakatago na rin sa ibang mga puno sina mama, tita, tito at Ria. Sila ang sasaksi sa pagsagot ko kay Drake ngayong gabi.
'Di lang basta saksi, katuwang ko rin sila.
Maya-maya lang din ay nagvibrate ang phone ko senyales na may nagtext. Tulad ng inaasahan ko ay si Cassi iyon at malapit na raw sila kaya naman pumorma na ako at inilagay na sa likod ang regalo ko sa kaniya.
Siyempre may paregalo si mayora. Siya nga, laging may pasabog e. Ako ito lang effort ko. Well, magpasalamat siya dahil never kong ginawa 'to sa former boyfriends ko.
Narinig ko na ang pagdating at ang pagpatay ng sasakyan ni Drake maging ang pagbukas ng pinto ng kotse nito.
"A-anong gagawin natin dito? Nawawala si Jane, Cassi! Mas unahin natin iyo— mama?" naputol ang pag aalala niya nang lumabas si tita, mama ni Drake. Kahit madilim ay natanaw niya, ang angas. May ilaw yata mata nito e.
Sumunod naman na lumabas si tito, tapos si mama at si Ria.
"Papa, tita, Ria?" usal pa niya. Huminga naman ako nang malalim at saka lumabas na sa puno kasabay ng pagbukas ng mga ilaw sa buong parke na siyang ikinagulat niya.
"J-jane" tanging usal niya nang makita ako. Ngumiti lang ako tsaka lumapit sa kanya. Agad naman niya akong niyakap at,
"A-akala ko, nawawala ka," nag-aalala pa rin niyang sabi. Natawa lang ako tsaka pinilit na ikalas ang pagkakayakap niya dahil baka makita niya ang box na nakatago sa likuran ko. Inabot ko na agad sa kaniya ang box nang makakalas ako sa yakap niya. Nagpapalit-palit pa ang tingin nito sa akin at sa box na siyang ikinatawa ko.
"a-ano 'to?" tanong niya pa. Ngumiti lang ako at saka sinenyasan sila mama na itaas na ang banner na nagsasabing Can I be your girl from now on?
Nakita ko pang binasa niya 'yon at biglang napa-yes.
"Seryoso?" pagkukumpirma niya pa. Tumango lang ako kasabay ng ngiti. Dahil sa tuwa niya ay niyakap niya ako nang mahigpit.
"Thank you, Jane. I love you very much!" usal niya pa habang nakayakap sa akin. Niyakap ko lang din siya nang mahigpit.
"I love you too," usal ko kasabay ng hiyawan nila mama.
THE END.
~♥~
Thanks for reading mga besss. Please don't forget to vote, comment and share hehe. Follow niyo na rin po ako hehe (´∀`)♡
BINABASA MO ANG
Grandma's Curse
Short StoryKerzelle is very a mysterious person. Walang kumakausap sa kaniya ni ang lumapit ay 'di nila magawa. Kung may lalapit man, iyon lang ang may lakas ng loob sa kaniya. Who is she? Anong mayroon sa kaniya? Bakit lahat ng tao ay iba ang trato sa kaniya...