Part 14: Instinct

25 19 0
                                    

Drake's POV

Natawa ako nang makita ko ang gulat sa mukha niya. Lumingon ako ulit kay tita at kita ko ang ngiti sa mga mukha niya.

"Sure. Basta okay lang sa anak ko. At siyempre, huwag mo siyang sasaktan ha!" sabi lang ng mama niya. Ngumiti naman ako.

"Opo. Pangako po, ako na ang makakatuluyan niya habang-buhay," sabi ko pa.

"Wow! Let us see," nakangiting sabi lang niya't bumaling kay Jane. "Oh siya, anak. Ihahanda ko na ang hapunan natin. Drake, hijo. Dito ka na maghapunan ha," sabi niya pa at saka nagtungo sa kusina. Nagkaroon naman ng kaunting katahimikan sa pamamagitan namin ni Jane ngunit ilang sandali lang ay binasag niya rin iyon.

"Upo ka," alok niya at napakamot pa sa may batok.

"Pasensya na ha. nabigla ka ata," sabi ko naman pagkaupo.

"Ahhh. Dapat nagtext ka or nagchat," sabi niya at saka umupo.

"Ano e. Sinadya ko talagang 'di sabihin sa 'yo," sabi ko.

"Ahhh," naiusal niya at lihim na napangiti.

Nakita ko 'yon, Jane!

Tahimik lang kami hanggang sa dumating ang mama niya upang ayain kaming maghapunan.

"Kain na tayo," nakangiting aya niya at muling puunta ng kusina. Nagkatinginan pa kami ni Jane bago tumayo. Natawa rin kami sa inasal namin.

"Tara!" aya niya. Ngumiti't tumango lang ako tsaka kami sabay na nagtungo sa kusina. Medyo nakakahiya. Para akong nagpunta dito para maghapunan.

"Sandali lang ha. Tatawagin ko lang ang bunso," sabi ni tita at umalis.

"Kumakain ka ba nito?" tanong ni Jane. Natawa naman ako.

"Adobong adidas? Oo. Paborito ko iyan!" sabi ko pa. Kita kong nanlaki ang mga mata niya na parang nabilib at,

"seryoso? Paborito ko rin ito e!" nangingiti pa niyang sabi.

"Woah. May pinagkapareho pala tayo," komento ko. Ngumiti lang siya.

"Magsandok ka na. Madami ka ba kumain?" tanong niya.

"'Pag sa gabi, hindi naman," sagot ko.

Nagsandok na siya ng kanin niya at pagkatapos ay ang plato ko naman ang nilagyan niya. Pagkasandok niya ng pangatlo ay,

"Okay na ba yan?" tanong niya. Nangiti ako tsaka tumango. Dahil sa hiya ay ako na ang kumuha ng ulam. Ako yung lalaki pero ako yung inaasikaso.

"Ako na maglagay ng ulam mo," sabi ko matapos kong magsandok ng akin.
Matapos namin kumuha ng kakainin namin ay sakto naman ng pagdating ng mama ni Jane maging ng kapatid niya. Si Ria.

Sabi na, kapatid niya e.

Kita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita ako.

"K-kuyang nakakotse. B-bakit po kayo na dito?" tanong niya pa.

"Naku, bunso! Maupo ka na muna. Manliligaw iyan ng ate mo," sabi ni tita tsaka naupo.

"Pakabusog ka hijo ha!" nakangiting sabi niya sa akin at saka na nagsandok. Pagtingin ko kay Ria ay nakatulala lang ito sa akin at bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"MARAMING salamat po talaga. Para tuloy akong nakikain lang," nahihiya kong sabi.

"Naku! Wala iyon, hijo. O siya. Mag-iingat ka sa pag uwi mo ha," sabi niya.
Tumingin naman ako kay Jane na tahimik lang na nakatingin sa akin at tipid na ngumiti nang mapagtanto niyang nakatingin ako sa kaniya.

Naglalayag yata ang isip niya.

Tumingin din ako sa kapatid niya ngunit pumasok na ito agad.

Bakit parang nag-iba ang pakikitungo no'n sa akin?

O baka may problema lang siguro.

Nang makalabas ako ng pinakagate nila ay kumaway pa ako bago tuluyang pumasok ng kotse.

•••

Kerzelle's POV

"Naku, anak ha! First time may pumunta dito para lang magpaalam sa akin. Pakiramdam ko tuloy magiging kayo na habambuhay," kinikilig pang sambit ni mama habang ako ay tinignan lang siya at saka umakyat na ng bahay.
Pumasok na ako ng kwarto at naupo sa kama.

'Di ko pa rin maiwasang mag alala dahil 'di ko pa napapatunayan sa sarili ko na dapat akong magtiwala at umasa kay Drake. Pero inaamin ko rin na kinilig ako kanina dahil sa effort niya.

Akala mo nasa sinauna siya kung manligaw. Gitara na lang ang kulang.

Napansin kong nakangiti na ako kaya agad ako umayos ng mukha at humilata.

Gusto ko siyang sundan. Gusto ko siyang puntahan ngayon kaso 'di ko pa alam ang bahay nila.

KINABUKASAN ay pumasok na ako at nagsimula ng magklase. Lutang ako buong araw kakaisip sa binabalak ko maging hanggang uwian.

Nung uwian na ay tinuloy ko na ang balak ko. Nakahanda na ang sasakyan ko para masundan siya mamaya at isurprise ko rin siya na alam ko na ang bahay niya.

Bababa na sana ako ng kotse niya nang magring bigla ang cellphone ko.
Tumatawag si mama. Agad ko namang sinagot iyon.

"Hello, ma? Bakit po?" tanong ko.

"Anak, baka gabihin ako ng uwi ha. Kasama ko ang kapatid mo ngayon. May event kaming pupuntahan," sabi niya at saka pinatay ang tawag.

Event pero sila lang?

Bumuntong-hininga na lang ako dahil 'di nila ako sinama at saka bumaling kay Drake.

"Una ka na. Papasok ako pagkaalis mo," sabi ko pero tumanggi siya.

"Aalis ako pagkapasok mo," sabi niya.

"Okay," sabi ko sabay ikot ng mata na ikinatawa niya.

"Ingat ka ha," sabi ko tsaka tuluyan ng bumaba ng kotse niya. Lumingon pa ako bago pumasok ng gate at kumaway at saka muling tumalikod na para magtungo sa loob ng bahay. Nang maramdaman ko na ang paglayo ng sasakyan niya ay agad akong lumabas at sumakay ng inihanda kong taxi na masasakyan upang sundan siya.

"Pakisundan po nang maigi ha pero 'wag po kayong papahalata," sabi ko. Tumango naman bilang pagsang-ayon ang driver at saka namin sinundan ang kotse ni Drake.

Pagkarating namin sa bahay niya ay napanganga ako sa laki nito.

Mayaman ngang talaga siya. Kaya pala maraming nagkakagusto sa kaniya.

"Sige po man- ay teka lang po," sabi ko nang mapansin kong paalis itong muli at iba na ang suot niya. Nakapormal na suot siya.

Wow ha! Quick change? Nasa sala ba damitan niya?

Nagtaka naman ako kaya sinabihan ko si manong driver na sundin muli ang kotse ni Drake.

Maya-maya ay narito kami sa may flowershop at kita kong hawak iyon ni Drake. Kita ko pa ang ngiti nito sa labi habang nakatitig sa mga bulaklak na iyon.

Para saan naman kaya iyon?

Bigla akong kinutuban. 'Di ko alam kung bakit natatakot ako ngayon.

May iba ba siyang ka-date ngayon?

Dahil sa kyuryosidad ko ay patuloy ako sa pagbuntot sa kaniya nang palihim. Maya-maya ay huminto ang sasakyan niya sa may restaurant ngunit mukhang sarado ito.

O baka pinareserve niya?

Bago siya makapasok ay may lumabas na babae at nang makita ko ito nang malapitan ay laking gulat ko na si Cassi iyon.

I-ibig sabihin, totoo ang kutob ko?
Niloloko lang ako ni Drake?

~♥~

Thanks for reading guys! ('∀`)♡

Please don't forget to vote, comment and share (♥ω♥*)

Pafollow na rin po akez hehe ♡('ω')♡

Grandma's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon