Part 13: Court

24 19 0
                                    

Kerzelle's POV

'Di ko alam pero ang saya ko ngayon habang paakyat at patungo sa kwarto ko. Nagawa ko pang magpatalon-talon habang ihinahakbang ang aking mga paa dahil sa sayang nararamdaman ko.

Pagdating ko sa kwarto ay inilagay ko na ang bag ko sa tamang lagayan at nagbihis na agad at saka humilata.

Ganito pala ang feeling kapag 'di mo pinipigilan ang gusto mo. Masarap pala sa pakiramdam kapag sumusunod ka sa nais mo.

Napabuntong-hininga naman ako.

Sana wala na akong alalahanin pa. Sana kahit ngayon man lang, puro saya na lang muna.

Bumangon naman ako nang pumasok ang aking ina.

"Anak," usal niya at lumapit sa akin tsaka umupo sa tabi ko.

"Naniniwala ka naman sa sumpa 'di ba?" tanong niya.

"Hindi ko alam, ma. Sa kulam, opo, pero sa sumpa? 'Di po ako sigurado e," sagot ko kaagad. Natahimik naman siya at base sa itsura niya ngayon ay nag-iisip siya.

"Wala ka bang naaalalang eksena na parang sinusumpa ka? Iyon lang kasi ang alam kong nangyayari sa iyo. Sa atin. Iyon lang ang alam kong maging dahilan kung bakit may nangyayaring masama sa mga naging kaibigan at nobyo mo," mahaba niyang sabi.

Sabi ko, ayaw ko muna ng ganito e. Ayoko muna mag isip pero, ito na e.

Bumuntong hininga na lang ako at saka pinalobo ang bibig.

"Wala po, ma. Walang nagsumpa sa akin." sabi ko na lang.

"Ang lola mo? Wala bang nasabi sa iyo?" nagtaka naman ako kung bakit nadamay pa si lola.

"At bakit naman po si lola?" takang tanong ko. Huminga siya nang malalim at saka tumikhim.

"Anak, ganito kasi iyon. Ang lola mo-" Napalunok pa siya. "Mangkukulam siya," sabi niya na siyang ikinagulat ko.

"Mangkukulam? T-totoo po ba? Imposible!" naiusal ko.

"Anak, totoo. Pero hindi siya masamang tao. 'Di siya nangkukulam pero minsan na siyang nanumpa. At nagkatotoo iyon." 'Di ko alam kung maniniwala ako sa pinagsasasabi ni mama o nababaliw na siya pero may nagtutulak sa akin na maniwala ako.

May nag-uudyok sa akin na dapat ko siyang paniwalaan.

"Pero, 'di naman ako sinumpa ni lola. At bakit naman po niya ako isusumpa e ako ang paborito niya?" taka kong sabi.

"Iyon lang. 'Di ko lang alam," sabi niya.
Nakamot pa niya ang ulo at napahawak sa sintido habang nag-iisip ulit. Maya-maya ay tumayo naman siya.

"o Siya. Aalamin ko ito. Para naman alam natin kung ano ang dapat maiwasan o kung ano man ang mga dapat gawin," sabi niya. Ako naman ay tulala at nag-iisip tungkol sa mga sinabi niya.

Mangkukulam si lola?

Bakit parang biglaan naman? Bakit kung kailan magaan ang pakiramdam ko tsaka magkakaroon ng ganitong isipin?

Humilata na ako ulit at nagpasyang umidlip muna para pansamantalang makalimutan ang mga nangyari ngayon.

Nagising ako't habol ko ang aking hininga. Napanaginipan ko ang nangyari noon. At mukhang makakatulong iyon sa mga sinasabi ni mama.

Flashback

Pagpasok ko ng bahay ay nakita ko ang papa ko na nakaluhod sa mama ko na para bang alipin. Kita ko naman sa mga mata ng mama ko ang sakit na nararamdaman niya kaya di ko maiwasang mag alala.

"Mama, papa," usal ko ngunit 'di nila narinig marahil dahil sa mahina kong boses.

"Parang awa mo na. Patawarin mo ako. Mahal na mahal kita," dinig kong sabi ni papa at hinawakan ang mga kamay ni mama pero agad iyong ibinalibag ni mama kasabay ng paghagulgol nito.

"Hindi. Hindi ko kayang patawarin ang isang katulad mo. Manloloko ka! Sinong matutuwa doon? Gumagawa kayo ng milagro ng kabit mo sa mismong kwarto natin! K-kuwarto natin! Tapos, malalaman kong tatlong taon na akong bulag? Tatlong taon, Chan! Tatlo!" nanggagalaiti sa galit na sigaw ni mama.

"Ano bang maling nagawa ko, ha? Mapapatawad pa kita kung nagkikita lang kayo e kasi baka natukso ka lang. Pero yung ilang taon niyo na pala akong pinapaikot tapos dito pa kayo magbababuyan sa loob ng tahanan ko? Na kalaunan ay tahanan natin? Hindi ko kayang patawarin iyon. Ang masakit pa, sa dinami-rami ng babaeng bibingwitin mo, bakit kaibigan ko pa?" humahagulgol na sabi ni mama. 'Di ko man maintindihan ang nangyayari pero ramdam kong nasasaktan si mama.

Maya-maya ay lumabas si lola mula sa kuwarto na may kinakaladkad na babaeng nakatapis lang.

"Magsilayas kayo sa pamamahay ng anak ko, mga walang modo! Nakakahiya kayo! Mga manloloko!" sigaw pa ni lola at saka tinulak ang babaeng kinaladkad niya.

Matapos niyang itulak ang babae ay bigla itong inatake sa puso at bago pa siya maputulan ng hininga ay,

"Isinusumpa ko! Kung sino man ang magtangkang manloko sa anak ko maging na rin sa kaisa-isa kong apo-" Nahihirapan na siya sa pagsasalita at tila kakapusin na ng hininga. "Isinusumpa ko na malagutan kayo ng hininga! Mamamatay kayo sa kahit anong paraan!" malakas na huling salita ni lola kasabay ng malakas na kulog at kidlat at ng pagbuhos ng malakas na ulan bago siya tuluyang mawalan ng malay.

End of Flashback

Napatulala ako sa napagtanto ko.

"'Di ako ang may sumpa. Ang sinumpa niya ay ang mga manloloko sa akin maging sa aking ina," halos pabulong kong sabi. Natulala ako nang ilang segundo bago bumalik sa reyalidad.

Gusto kong malaman ngayon kung niloloko lang ba ako ni Drake.

Aaminin ko, natatakot pa rin akong magtiwala. 'Di ko maiwasang mag-isip ng 'di maganda lalo pa at ilang beses na akong naloko ng mga taong minahal ko nang totoo.

Agad naman akong lumabas ng kwarto at bumaba.

Kailangang malaman ni mama ang napagtanto ko.

Dahil sa nangyari noon na napanaginipan ko kanina lang, naniniwala na ako sa sumpa.

Pagbaba ako ay agad kong hinanap si mama sa kusina dahil doon ang paborito niyang spot dito sa bahay.

Pagdating ko ng kusina ay wala siya doon kaya napag-isipan kong lumabas dahil baka nasa bakuran siya ngunit 'di pa man ako nakakalabas ay nakita ko na ang pagpasok nito maging ng isang matangkad na lalaking bumibihag sa puso ko ngayon.

"Drake? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Ngumiti lang ito at saka tumingin kay mama.

"Tita, ako po si Drake Park. Nais ko po sanang umakyat ng ligaw sa anak niyo. Maaari po ba?" tanong nito na siyang ikinagulat ko.

~♥~

Thanks for reading mga bebe ♥♥♥

Please don't forget to vote, comment and share (づ ̄ ³ ̄)づ

Follow me too hehe ('∀`)♡

Grandma's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon