Drake's POV
Maging ako ay napatingin kay Jane habang papalabas ito ng silid. Maya-maya ay tumayo ako't binitbit ang bag at saka sumunod palabas.
Malapit na kami sa gate ng school kaya naman hinawakan ko ang kaliwang braso niya dahilan para mapatigil siya sa paglakad.
"J-jane," sambit ko. Dahan-dahan siyang lumingon at kita ko ang pagmugto ng mga mata niya dahilan para mag-alala ako.
"What? Wag mong sabihin na mangkukulam din ang tingin mo sa akin?" sumbat niya dahilan para mapailing ako.
"No! Since I met you, 'di kita nagawang husgahan," pagtatapat ko. Ngumisi lang siya at pupunasan na sana ang mga luha sa pisngi ngunit inunahan ko siya. Nakita ko pa ang pagkagulat niya, maging ako ay 'di alam kung bakit ko iyon ginawa. Agad ko namang inalis ang kamay ko sa mukha niya.
"S-sorry kung nabastos kita," sabi ko agad. Natawa naman siya nang pilit,
"Isa ka pa e. Can you just please stay away from me? Dahil din sa 'yo kaya nagkaganiganito ako e," sabi niya sa makalmang paraan. "Bakit ba kasi napapadalas ang pagbuntot mo sa akin? Anong bang gusto mo?" tanong niya pa. Natahimik lang ako lalo pa at umurong ang dila ko.
I want to confess.
Napansin ko siyang ngumisi ngunit kaagad ring napawi iyon.
"Puwede ba mula ngayon, 'wag na tayo mag-usap? Can we just go back into strangers? Isa ka rin sa dahilan kung bakit ako nakukutya dito e. Isa ka rin sa dahilan kung bakit gulong-gulo ang buhay ko," mahaba niyang sabi. Tumitig lang ako sa kaniya at nang magtagal ay nailang siya kaya umiwas siya ng tingin. "W-what are you doing?" tanong niya.
"Kahit naman ako gulong-gulo na pero kailanman, 'di kita nagawang isipan ng ganiyan," sabi ko dahilan para mag-angat muli siya ng tingin sa akin. Ako naman ngayon ang umiwas.
"Jane, can you please do not say that? Ano bang mangyayari kung sakaling susubukan nating bumalik sa dati na 'di tayo nagkakausap? Wala naman." Nilingon ko siya at pinakatitigan habang nakakunot ang noo.
"You know what? There's also a problem on you. Well, why don't you just let them talk about you then you just keep walking? Why can't you avoid them or prove them that they are all wrong? Why don't you use them to motivate your self not to loose your self-esteem?" mahaba kong pangangaral. Napaisip naman siya habang ako ay hinila siya at niyakap.
Ramdam kong nagulat siya sa ginawa ko."Let them say that you are flirt just because I'm hugging you but they will never change the fact na ikaw lang ang babaeng pinagkakainteresan ko," usal ko.
•••
Kerzelle's POV
Kakalas na sana ako sa yakap niya nang sambitin niya iyon ngunit muli niya akong hinapit sa pagkakayakap.
I'm really shy. Even if 'di pa dismissal ng klase, nahihiya ako kasi may mga nakakakita pa rin samin like janitors, guards, at iba pa.
"Jane," bangit niya sa ikalawang pangalan ko at saka huminga nang malalim.
"Lalakasan ko na ang loob ko lalo pa't 'di ko naman nakikita ang mukha mo. Jane, I have feelings for you. I like you as a woman, not as a friend. I know it's hard to believe me, na kahit ako ay 'di makapaniwala pero that's the truth. It's true." Natigilan ako sa sinabi niya.
Para akong kinuryente sa buong katawan at alam ko ang ibig sabihin non.Kinikilig ako.
'Di ko naman alam ang gagawin. Naestatwa lang ako hanggang sa kumalas siya.
"A-ayos ka lang?" parang nahihiya niyang tanong. Dahan-dahan lang akong napatango habang naiisip ang kaganapan ngayon.
Napakabilis ng pangyayari.
Parang kanina lang, lumuluha ako sa sakit pero ngayon, naiiyak ako sa saya.
"A-are you c-crying?" nag-aalala niyang tanong kasabay ng paghawak niya sa magkabilang balikat ko.
Umiling lang ako't pinunasan ang dinaanan ng luha ko at saka ngumiting tumingala sa mukha niya nang biglang maglaho ang ngiting iyon.Hindi pwede ito.
A-ayaw kong maulit ang nangyari..
Ayaw kong masaktan. A-ayaw ko ng maloko at ayoko ring mapahamak sila.Ayaw kong mangyari ulit ang nakaraan. 'Di ko kayang mawala siya maging si Cassi.
Napaluha akong muli.
"Hindi maaari. Hindi pupwede ito," mahina kong sabi at napahikbi. Tinanggal ko ang mga kamay niyang nakahawak sa magkabilang balikat ko.
Kita ko ang lungkot sa mga mata niya."B-but why?" alanganin niya pang tanong.
"Alam mo naman ang nangyari sa nakaraan ko. L-lahat na lang ay kinuha sa akin. Lahat ng taong mahal ko, n-namatay," pagpapaliwanag ko.
"A-ayaw kong matul-"
"M-mahal mo ako?" parang nabuhayan niyang tanong. Napatigil ako bago magsalita.
Yung tibok ng puso ko!
"Hindi pwede," tugon ko sa tanong niya at muling itutuloy ang sasabihin nang sumingit siya ulit.
"B-but do you have feelings for me too?" tanong niya.
"Hindi pw-"
"Since when? M-may nararamdaman ka rin sa akin?" pagpuputol niya. Napapikit na lang ako nang mariin at napaluha.
"Please, listen! Y-yes. I do have feelings for you but-" Napasinghap ako ng hangin bago magsalita ulit. 'Hindi pwede- I mean! Ayaw ko! It's just me, I just don't want to. Please, respect my decision. Para sa iyo rin naman ito. Ayaw kong matulad ka sa nakaraan ko. I do not want you to die because I love you," mahaba kong sabi. Kita ko ang pagkalito sa mukha niya.
"W-why would I die? Matagal na akong patay na patay sa iyo." Nagulat ako sa banat niya. "Sa sinasabi mo, parang kasalanan mo kung bakit namatay ang past lovers mo. Kung pakiramdam mo na kasalanan mo iyon, please stop it." dagdag pa niya. Huminga ako nang malalim.
"It's not about that issue, Drake. Kung may nararamdaman ka sa akin, please erase it. Let's forget what happened right now. Kalimutan nating nangyari ito. Ayokong ma-issue ulit kung sakaling mangyari ang kinakatakutan ko," sabi ko at saka nagpunas ng natuyong luha. Kita ko siyang natulala lang at napatitig sa akin hanggang sa huminga siya ng malalim at,
"Okay. I will respect your decision but let me tell you something. If you don't want to be judge by others, simulan mo sa sarili mo. Ayaw mong pinag-iisipan ka ng 'di maganda pero ikaw mismo nagdadoubt sa sarili mo," sabi niya dahilan para mapatigil ako. Tumikhim siya bago magpatuloy sa sasabihin.
"Like what I've said. I will respect your decision but I promise that I will wait for you, kahit ikamatay ko pa," dagdag niya.~♥~
Don't forget to vote, comment, follow and share hehe
BINABASA MO ANG
Grandma's Curse
Short StoryKerzelle is very a mysterious person. Walang kumakausap sa kaniya ni ang lumapit ay 'di nila magawa. Kung may lalapit man, iyon lang ang may lakas ng loob sa kaniya. Who is she? Anong mayroon sa kaniya? Bakit lahat ng tao ay iba ang trato sa kaniya...