Part 9: Success

27 22 0
                                    

Kerzelle's POV

"Huy! tulaley ka," sabi ni Cassi na siyang nakapagpawala sa mga naiisip ko.

"Ahhh," naiusal ko lang. Natawa naman siya.

Maging si Drake ay natawa. May iba akong naramdaman sa pagtawa niya.

This can't be!

•••

Drake's POV

Matapos namin ihatid ni Cassi si Kerzelle ay nagpasama ako sa kaniya sa mall.

Kasalukuyan kaming namimili ng kuwintas and I do not know kung bakit ko ito ginagawa.

"Wala kang maitatago sa 'kin," biglang sabi ni Cassi.

"What?" tanong ko.

"Nahulog kana ba kay Kerzelle?" tanong niya na siyang nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya at 'di alam kung ano ang dapat kong maging reaksiyon.

"Kay Jane?" tanong ko pa kahit alam kong siya nga ang tinutukoy. Ngumiti naman siya.

"See? Gusto mo pa, unique tawag mo," sabi niya pa.

"Jane ang tawag ko sa kaniya, hindi unique," pamimilosopo ko dahil 'di ko na talaga alam ang gagawin ko. Inirapan niya lang ako.

"This. Pick this!" utos niya sabay turo sa kuwintas na may pendant na G-Cleff.

"Why this?" tanong ko.

"She loves music, dude. Magugustuhan niya iyan for sure," nakangiti niyang sabi. Napansin ko naman na binigyan niya ma ako ng ngiting nang-aasar. Kumunot naman ang noo ko.

"Why?" I asked.

"Ngumingiti ka mag isa ha! Iniisip mo siya noh?" pang-aasar niya. I just gave her a death glare that makes her laugh harder.

KASALUKUYAN kami ngayong nasa sasakyan ko at iuuwi na si Cassi sa kanila ngunit kanina niya pa ako pinipilit na umamin at ako naman, bumigay na.

"Oo na! I think I have feelings for her. Okay?" sabi ko. Kinilig naman siya na para bang siya ang gusto ko.

"Confess na!" sabi niya pa sabay tulak sa balikat ko dahilan para muntik na akong mawala sa pagmamaneho.

"Hey! Be careful, nagda-drive ako!" suway ko.

Bayolente.

Natawa lang siya at saka nagsorry.

Nagpatuloy naman na ako sa pagmamaneho nang bigla na naman siyang magsalita.

"Ayaw mo umamin?" tanong niya. Tumikhim naman ako pagtapos huminga ng malalim.

"I want but I do not know how," sabi ko.
That's the truth. I really wanted to confess to Jane. Mula nang mamulat ang mga mata niya ay binalak ko ng umamin pero umuurong ang dila ko.
I do not know how to start. What will I'm going to say?

"Romantic confession dud and gawin mo!" utos na naman niya na para bang likha niya ako.

"It's hard okay? Don't worry about that. I will confess as soon as possible," sabi ko. Wala naman na siyang nagawa.
Pagkahatid ko sa kanila ay hinintay ko siyang makapasok ngunit tumayo lamang siya sa harap ng gate.

"Hintayin na kita makaalis bago ako pumasok," sabi niya. Sinunod ko naman na ang ginawa niya. Habang paliko na ako ay tinignan ko pa si Cassi sa rear mirror ng sasakyan ko at napakunot ako't napapreno nang makita ko siyang lumayo doon sa bahay niya.

Saan siya pupunta?

Nagulat naman ako nang may lumabas na binata sa bahay nila at mukhang inaasar si Cassi habang si Cassi naman ay pinapatulan ang lalaki. At dahil wala na akong pakialam ay nagpatuloy na ako sa pagmaneho pauwi.

Grandma's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon